Chapter 31

4.5K 69 2
                                    

ARMIE POV

Andun na eh! Masasabi ko na sana ang tungkol kay Paige ang kaso dumating si Ian. Kung nahuli pa siya ng ilang minuto edi sana nasabi ko na ang sikreto ko kay Nav.

Hays! Kasalanan ko din naman dahil sabi ko 5 minutes lang dapat ang pag-aantay ko sa kanya. In a span of 5 minutes ang dameng nangyare.

Muntikan na naman akong bumigay kay Nav. He's my kryptonite. Nang yakapin niya ko kanina it feels good. Hindi dahil sa wala siyang pang itaas okay? Talagang kapag yakap ko siya ang sarap lang sa pakiramdam.

Gosh! He's so sexy! Kelan pa naging ganun ang katawan niya?

Napatingin ako sa katawan ko. Tsss! Medyo tumaba na nga ako compare noon. Syempre may bata na akong niluwal. Tapos may stretch marks pa ko. Hindi naman na masyadong halata dahil pumuti ako pero kapag susuriing mabuti ay meron!

May bilbil pa ko. Hindi na ko ganung kasexy. Ang takaw takaw ko kasi eh.

Tapos yung wife niya. Naalala ko si doctora. Maganda siya, maputi, makinis ang balat at higit sa lahat matangkad!

Okay naiinsecure ako bigla. Hindi naman ako ganito. Kahit na maliit ako maganda ako, sexy pa din naman ako ah.

Kainis bakit ba yun ang iniisip ko? Eh kasi naman ang swerte ni doctora dahil nakikita niya laging ganun si Nav.

Napapailing na lang ako. Ano ba naman yan Armie kelan ka pa naging mahalay?

Nagulat ako ng bumukas ang lift at kaharap ko ngayon si Mareen. 

Ang asawa ni Nav! OMG. Iniisip ko lang siya tapos nasa harap ko na. ang bait naman talaga ni Lord.

Nakatitig lang siya sakin ng nagtataka. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko tsaka tinignan ako ng masama. tapos ay bigla nalang siyang lumabas ng lift.

Nilampasan niya ko at nagtuloy tuloy sa pinanggalingan ko kanina.

What the hell just happened? 

Nagulat ako samantalang she acted like I don't exist. Gosh naalala ko na naman ang galit niya sakin nung nakapagusap kami kahapon. Ako ang sumira ng relasyon nila ni Nav noon.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ng tinipa niya ang passcode sa suite nila Ian.

Hindi ko maiwasang masaktan. Sabi nga ni Nav lalaking doctor lang ang mga naroon. Ibig sabihin si Nav ang sadya niya dun dahil hindi naman niya quarters yun.

Pinindot ko ang button ng elevator at inantay itong umakyat. Napakapit ako sa dibdib ko. Iba pa rin talaga ang epekto ng mga pangyayare sakin.

She looks sophisticated and elegant sa suot niyang dress. Kahit naman naka coat siya ng pang doctor ay mahahalatang anak mayaman.

Tsss! Bagay pala talaga sila.

I'm still preoccupied of what happen na di ko namalayang nasa room na pala ako ng anak ko.

"Uuwe na ba tayo mee?" Tanong niya sakin.

"Okay na ba ate?" Tanong naman ni Bry.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko din.

"Lutang ka na naman. Nakuha mo na yung kailangan ni bunso?"

"Ah oo" sabi ko at pinakita ang hawak ko sa kanya.

"Ready na kami" sabi niya kaya tinignan ko ang paligid.

Si Paige ay busy na tinitignan ang cast niya. Suot niya ang ibinigay ni Air kaya naman ang cute cute niyang tignan.

UNBEARABLE DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon