NH Chapter: 8

Magsimula sa umpisa
                                    

(Play the Song "Sa aking Pag-iisa" Instrumental)


Narinig na ni Brae ang hudyat ng kanyang pagkanta, kaya't mabilis itong pumunta sa gitna ng entablado. At kahit kinakabahan ay lakas loob siyang tumayo sa harap ng mga parokyano. Bahagya pang namula ang mga pisngi ni Brae, dahil ang isang malaking ilaw na kung tawagin ay spot light na biglang tumutok sa kanya ngayon. Ngunit hindi siya nagpatinag doon, at taas noo na lang niyang hinarap ang pagtatanghal.


🎶Sa aking pag iisa
Di maiwasang maalala ka
tamis ng iyong halik,
paulit-ulit na nagbabalik
at nasasabik pag iniisip ka sa pag iisa.🎶


Ang kaninang maingay na paligid ay unti-unting tumahimik dahil sa mala-anghel na tinig ni Brae. Lahat ng atensyon ng mga taong naroroon ay sa kanya na nakatutok ngayon. Wala ni isa ang gustong mangahas na mag-ingay, ni magsalita dahil sa lamig ng boses ng dalaga.

Ipinikit na lang ng dalaga ang kanyang mga mata para mas lalong madama ang kanyang emosyon sa pagsambit ng mga liriko sa pamamagitan ng pagkanta.


🎶Sa aking pag-iisa,
ang yakap mo ay hanap hanap pa
haplos ng iyong kamay ay pilit ko paring gingagaya
habang hawak ko ang larawan mo at nag-iisa.🎶


Nang iminulat niya ang kanyang mga mata, ay napansin ni Brae na tuluyan nang tumahimik ang mga customer habang nakikinig sa kanyang awitin.

At nang humantong na sa Koro/Chorus ang awitin ni Brae, ay biglang napabaling ang kanyang paningin sa harap ng entablado. Biglang kumabog ang kanyang puso nang masilayang muli ang bulto ng binatang si Matt, na ngayon ay mataman nang nakatingin sa kanya.


🎶Kung magkikita tayong muli,
hindi ko na ikukubli
na nais madama muli ang iyong pagibig,
kahit sandali
ibigin mo ako ngayon at bukas ay iwanan mo ako ng bagong alaala sa aking pag iisa.🎶


Diretsong nakatingin lamang si Brae sa mga mata ng binata, ang kanilang mga paningin ay parang napako na para sa isa't isa. Ang bawat liriko na isinasambit ng dalaga, ay parang gusto niyang iparating ang mga ito kay Matt, na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya habang sumisimsim ng alak.

Habang matamang tinititigan naman ni Matt ang dalaga, ay parang may nag-udyok sa kanya na mas ituon pa ang kanyang atensyon dito. Ang magandang boses ng dalaga, na humahaplos sa kanyang puso't humahalina sa kanyang pandinig. Hindi tuloy mapigilan ni Matt na mas asamin, na makilala nang lubusan ang dalagang nagngangalang Maiden.

Hindi na alintana ni Brae ang mga tao sa kanyang paligid. Kaya't nagpatuloy lamang siya sa pagkanta. Ilang minuto lang ang lumipas nang matapos na ito sa kanyang pagtatanghal. Nagulat na lang ang dalaga, dahil agad siyang nakatanggap ng masigabong palakpakan galing sa mga parokyano roon at humihingi pa nang isang awitin mula sa kanya.

"More! More!" Sigaw ng mga kalalakihan doon.

Napangiti na lang si Brae sa papuring kanyang natanggap mula sa mga ito, kaya't muli niyang hinandugan nang isa pang awitin ang mga parokyano sa club.

Matapos kumanta ang dalaga, mabilis siyang sinalubong ng kanyang kaibigang si Charity sa backstage, "Maiden!" Magiliw na sigaw nito. "Grabe, ang galing mo talagang kumanta." Saad pa nito saka yumakap sa dalaga.

Niyakap din naman ito pabalik ni Brae at nagtawanan pa ang dalawa, dahil sa wakas ay nairaos niya ang kanyang pag-awit sa harap ng mga customer.

Nasa ganoong posisyon ang dalawang dalaga nang biglang may nagsalita sa kanilang likuran, "Maiden, congrats!" Masiglang bungad ni Mamang Dyosa saka bumeso sa kanyang pisngi.

"Thank you po, Mamang." Nakaniti niyang sambit dito.

"Oh eto ang mga tip mo." Wika lang nito, saka iniabot ang isang puting sobre.

Kunot noo naman itong tinanggap ni Brae, at nang tingnan niya ang laman nito ay agad namilog ang kanyang mga mata dahil sa dami ng perang nakasubi roon.

"M-mamang, ang dami naman po yata masyado nito." Hindi makapaniwalang sambit ng dalaga.

"Just keep it, reward 'yan sa'yo dahil nagustuhan ka ng mga customer." Nakangiting saad ni Dyosa saka tinapik ang balikat ng dalaga.

"S-salamat po, malaking tulong po ito para sa pamilya ko."

"Wala 'yon, basta galingan mo pa sa susunod, dahil mas malaki pa riyan ang matatanggap mong tip kapag nagkataon." Wika ni Mamang Dyosa saka tuluyang tinalikuran ang dalawang dalaga.

Nagkatinginan lang sina Brae at Charity, at maya-maya lamang ay nagkatawanan na ang mga ito dahil sa natanggap ni Brae na papuri muli kay Mamang Dyosa. Matapos noon ay tuluyan nang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho ang dalawang dalaga, para gampanan ang kanilang nakatokang trabaho.



*****

Don't forget to tap the star ⭐️ button to vote.
Vote | Comment | Share
Facebook Page: Everjoy Condes #anaknikikodora
Facebook Group: THELABSSQUADWP
Facebook Official: Everjoy Condes WP

Naked Heart ✔️ (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon