“Tama na!” sigaw ni Cham tinakpan niya ang tenga niya ayaw niya na makarinig pa ng mga kasinungalingan ni Ellsworth.

“Ang tanga lang ng mga tauhan ko dahil maling babae ang dinala nila sa akin.” Halakhak- iyak ang reaksyon ni Ellsworth. Dahil hindi niya pa rin maimagine until now na nasaktan niya ang babaeng mahal na mahal niya ngayon.

“Ayaw ko na marinig pa yun Ellsworth tama na. Lalo mo lang dinadagdagan ang sama ng loob ko. Hindi ko pa alam paano pa kita papatawarin.” Itiniklop ni Cham ang mga tuhod niya at sinubsob dito ang ulo niya.

Pero ayaw paawat ni Ellsworth sa pagkwekwento. He wants Cham to know everything now eto na ang tamang panahon para malaman niya lahat ng nangyari.

“Nang makita kita noong una, gigil na gigil akong saktan ka. Dahil ang alam ko si Sharm ka pero sa araw-araw na nakikita kita na madaming pasa at sugat ay nilalamon ako ng konsensya ko dahil may nararamdaman akong mali so tama nga ang hinala ko na hindi ka si Sharm at mas lalo kung napatunayan yun ng mahulog ka sa hagdan at bumalik ka ng Maynila.” Patuloy niya.

“Nang naangkin kita, isa yun sa mga paraan ko para masaktan ka. Pero simula noon hindi ka na talaga mawala sa isip ko. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay hindi na ako nagpalamon sa poot ng puso ko. Pero Cham kung hindi dahil doon hindi kita makikilala…”

“Tadhana man na magtagpo tayo hindi man ganoon kaganda ang umpisa natin sana patawarin mo na ako. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin, yun lang mali ko ang hindi ako naging tapat sayo sa nakaraan natin.”

“Sa tingin mo Ellsworth ganoon lang kadali kalimutan yun? Hinihingi mo ang kapatawaran sa ginawa mo sa akin? Dinamay mo ang puso ko araw-araw ako nangangarap na ikaw na sana ang lalaki para sa akin. Masaya ako dahil nakilala kita pero hindi ko pala alam ikaw din pala ang nakaraan ko ang mapait na alaala ko. Sa tingin mo paano pa ako mabubuo? Winasak mo na buong pagkatao ko.” Mariin na pinahid ni Cham ang mga patuloy na luha niya. Ang sakit-sakit pa din ng nararamdaman niya hindi niya alam kailan ito titigil. Napayakap siya sa mga binti niya.

Ito na naman ang luha niya na saksi sa lakat ng sakit na naramdaman niya. Ito na naman ang tanging kakampi niya ngayon.

“Mach” sigaw ni Brandon, naabutan niya sina Ellsworth na mukhang mahina na at si Cham na nakayuko na nakawedding dress, iniangat ni Cham ang mukha nito para tignan ang tumawag sa kanya. Napalunok si Brandon sa nakitang Cham ngayon. Mukha itong basang sisiw sa dami ng luha nito sa buong mukha nito nagkalat na din ang mga make up nito.

Tumakbo siya papalapit kay Cham at agad itong niyakap.

“Wag ka mag-alala Mach andito pa din ako, tahan na.” pag-aalo ni Brandon sa mahal niyang si Cham. Lumingon siya sa pwesto ni Ellsworth at nagkasukatan sila ng tingin. Masama ang tingin ni Ellsworth dito dahil alam niyang may gusto si Brandon kay Cham at ngayon imbes na siya ang yayakap dito para aluhin ito ay si Brandon ang gumagawa nito ngayon.

“Nrab ang sakit-sakit” mahinang sambit ni Cham. Lalong hinigpitan ni Brandon ang pagkakayakap kay Cham.

“Sshh tutulungan kita mawala ang sakit na nararamdaman mo, magtiwala ka lang sa akin.” Habang sinasabi ito ni Brandon ay nakatingin pa din siya kay Ellsworth at nakangisi, ngisi ng tagumpay ito. Wala naman magawa si Ellsworth kundi ang tiim bagang na titigan ang pananamantala ni Brandon sa kasintahan.

Humiwalay si Brandon sa pagkakayakap kay Cham at hinarap ang nanghihina na si Ellsworth. Dumoble ang sakit na nararamdaman ni Ellsworth dahil sa presensya ni Brandon.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now