"Sandali lang Eric may hinahanap pa si 'ko—"

"Mama 'yon si daddy oh!"

"Saan?"

"There, oh! Nakatingin sa'tin!" Sinundan ko ang tinuturo niya.

And there I saw him.

Nakatayo siya habang nakatingin sa'min. His eyes are full of emotions and seemed to be crying. And he was surprised.

Kumaway ang anak ko sa kanya.

"Mama, let's go inside!" Sabay hila niya sa'kin.

Hindi na 'ko nakapalag pa at sumunod na lang.

Pagkapasok pa lang namin ay yumakap siya agad sa daddy niya.

Suddenly, I was stuck where I was standing. Hindi ako makagalaw sa nakikita ko.

Mahigpit ang yakap ni Dominic sa anak niya. Wala siyang paki-alam kahit na pinagtitinginan na sila ng iba pang kumakain. At wala din akong paki-alam dahil moment nila itong dalawa.

I don't know what to do with my heart as I watch the two. I'm happy for my son.

Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Dominic-" Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at yakapin ako.

"Thank you, Elisa. Thank you." Sabi niya habang yakap-yakap kaming dalawa ni Eric.

"Don't thank me. Tumupad lang ako sa usapan. Now, bitawan mo na 'ko." Bulong ko.

Binitawan niya 'ko.

"I miss you, baby." Binuhat niya si Eric.

"I miss you too daddy! I really do!"

"You're big now." Sabay gulo niya ng buhok nito.

"Yes, daddy! Mana po ako sa'yo."

"Of course baby."

Napataas ako ng kilay.

Baby ko 'yan. Not your baby, asshole.

"Daddy kanina ka pa po?" tanong ni Eric.

"Uh, not really."

Napa-iwas na lang ako ng tingin. Kamusta ang maghintay ng tatlong oras?

Kulang pa nga 'yon sa kanya. Dapat pala ay hanggang 12-midnight siya pinaghintay. Tutal 24 hours namang bukas 'tong Jollibee.

"Maupo kayo. Oorder lang ako. Anong gusto nyo?" Tanong niya.

Binaba na niya si Eric.

"Sama ako daddy!"

"Okay." Tumingin siya sa'kin.

"Hindi ka sasama?"

"Hindi. Aalis na din ako."

"Why?" Kumunot ang noo niya.

"Kailangan ko ng mauna. Busy din kasi ako at may pupuntahan pa 'ko. Pakihatid na lang siya kay dad after."

Tumitig lang siya sa'kin at parang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.

"Really Elisa? I baka naman makikipag-kita ka sa lalaki mo." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo?"

"Alam kong hindi ka busy. Paraan mo lang 'yan para hindi sumama sa'min ng anak natin." 

Tumingin muna ako sa paligid namin bago ko siya sagutin. Ayokong sumigaw.

"Inihatid ko na nga si Eric diba? Ano pa bang gusto mo?"

Mahina lang kaming mag-usap pero ramdam ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

"You'll stay here Elisa."

"I'M BUSY-"

"I know your schedule, you can't fool me."

"What?!" Medyo napataas ang boses ko.

"Sit down. Oorder lang kami." Akmang aalis na sila ng pigilan ko siya.

"Aalis na nga 'ko, ano ba!"

"Gusto mo bang magtalo pa tayong dalawa dito?"

I stopped.

What are we, kids?

"I don't care Dominic, aalis ako."

"Mama, nag-aaway po ba kayo?" Napatingin ako sa anak ko.

"Uh... no baby, sinasabi ko lang 'yung order ko. Hindi kasi marinig ng daddy MO."

Sabay upo ko.

Damn this!

"Your mom was right." Tumingin siya sa'kin sabay yuko ng bahagya para mapantayan ako.

"So baby, what do you want?"

Tiningnan ko lang siya.

"I want to leave."








SORRY KUNG NGAYON LANG PO AKO NAKAPAG-UPDATE :( SUPER NAGING BUSY PO TALAGA AKO AT NGAYON LANG AKO NAGKA-TIME PARA DITO. PASENSYA NA PO. THANK YOU!

-BSL

No More Ignorance (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon