55: Reena's Sacrifice

9.1K 129 5
                                    

“Ric, pasaan ba tayo?” hindi na niya napigilang itanong dito.

Kanina pa sila takbo ng takbo. Lakad ng lakad. Masakit na ang mga paa niya. Ramdam na ramdam din niya ang hapdi ng mga galos mula sa nagtataasang matatalas na damong tumatama sa balat niya. Nasa gubat na sila makalampas ng bahay ni Donya Victorina.

Kung bakit may gubat makalampas sa bahay ni Donya Victorina yun ay dahil ang bahay ng donya ay malayo sa kabihasnan. Na tunay namang pinagtataka niya. The Donya is social elite. She loves parties pero ang bahay nito kung saan siya nagtratrabaho ay malayo sa city. It was a rural area somewhere in Batangas. 

Napapagod na siya. Nauuhaw.

Tiningnan siya ni Ric. “Hindi ko din alam.” Sagot nito sa katanungan niya kanina.

Napatanga siya.

Oh great!

Great! How reliable is this man?

Sa sobrang frustration ay hindi na niya napigilang umangal.

“Wow! Then why in the world did you ask me to follow you?!” naibulalas niya.

“Bakit may naiisip ka pa bang ibang tutulong sayo?!” bulyaw din nito.

Hinihingal na rin ito gaya niya.

Natahimik siya.

“Bakit kasi hindi mo na lang labanan ng suntukan yung Caloy na yun?” wika niya dito.

Hindi siya nagbibiro. He’ve seen him fight and magaling ito. Di ba nga at naospital pa si Patrick na taekwondo black belter ng dahil dito. Oo nga at hindi lumaban ng mga panahon na yon si Patrick but he still defended himself. To think na napuruhan pa rin nito si Patrick despite him defending himself means magaling ito.

“Nakita mo ba ang katawan niya?” tanong nito sa kanya.

Napanganga siya. “At natakot ka na ng dahil dun?”

“E di ikaw ang lumaban sa kanya.”

Napanganga siya. “I am a woman.”

“I am a man with brains. Alam ko kung kailan I stand a chance and kailan I don’t stand a chance.”

Napanguso siya.

Okay, they were running for their lives.

Pero…

Pero kasalanan ba na maging masaya siya?

Kasalanan bang gusto niyang magtagal pa sa sitwasyon na kinasusuotan niya?

Kasalan ba na hilingin niyang makapiling pa muli si Ric acting like his normal arrogant self?

“So hindi mo siya kailanman lalabanan?” Tanong niya rito.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now