32: Ric is InLove

8.6K 136 1
                                    

Ricardo Thaddeus Traviel'S POV

 

Mine (ang pangalan ni Reena sa phonebook ni Ric): Anung gusto mo for lunch?

Kahit mag-isa siya sa office ay hindi niya magawang hindi matawa.

Me: why?

As if naman ipagluluto siya nito. For the seven months that they've been together, everyday nasosorpresa pa rin siya nito. Oo, mahal niya si Reena. He loves her so much. More than how he loved her exgirlfriend, Jennifer. More than anything he had loved in his entire life. Ilang beses na niyang sinubukang bigkasin sa harapan nito ang mga katagang "I love you" pero lagi na lang niyang maalala ang mga nakaraang experiences niya. Commitments are something he feared his entire life. Something he protected himself by being cold and mean. Pero ngayon because of Reena...somehow, willing na ulit siyang makipag-commit.

Mine: Pang-scrap book. Bobo lang? Syempre para maluto ko for you.

Natawa na ulit siya.

Mukhang hindi na talaga maganda na lagi silang nagsasama nakukuha na din nito ang mga habits niya. And he is starting to think of improving himself everytime nakikinita niya ang sarili kay Reena.

He can't possibly be this mean, right?

Me: gusto ko ulit matikman yung maasim mong chocolate cake o kaya naman yung nasunog na cookies.

Pang-aasar niya dito. Actually, Reena was a great cook. Pero she sucks at pastries. In fairness, for a first timer at baking, she literally sucks!

Natawa siya. Naalala niya nung first time itong magbake nung maasim nitong chocolate cake.

***Flashback***

 

He was so tired from work and Reena surprised her with her newly baked chocolate cake. Believe me, presentation wise grabe wala siyang masabi. It was perfect. Pero nung tinikman na niya. It was sour and bitter. Lahat ng type of tastes natikman niya sa ginawa nitong cake maliban sa pinakaimportanteng taste ng isang chocolate cake. The sweetness! And of course being Ricardo Thaddeus Traviel, nilait niya ang cake nito.

Nadual siya. He wasn't acting super gross lang talaga nung lasa ng cake.

"Seriously anu bang hinalo mo dito suka o asukal?"

Reena pouted her lips. Iniwas nito ang mga mata. "Sori naman! First time ko po kasi!"

He immediately rushed to the kitchen at uminom ng tubig. Nang mahimasmasan pagkatapos makainom ng tubig ay pinagmasdan niya si Reena.  Kulang na lang ay batukan niya ang sarili. How can he stupidly forget that she actually tried to bake that cake for him?

Papalabas na ito ng pinto dala dala ang cake.

"Pasaan ka?" tanong niya dito. "Bakit dala mo yung cake?"

She pouted. "Ipapakain ko sa pusa."

"Kahit pusa hindi yan kakainin. Iwan mo na lang yung cake dito."

Tiningnan siya nito ng masama.

"At sino namang kakain? Wala ka namang pusa ni aso?"

Damn!

He hates mushy things but ever since she fell in love with Reena what he hates the most is seeing her sad.

"Ako." Mahina niyang sabi.

Natahimik ito.

Her cheeks were redder than usual.

"Hanggang ngayon ba ay nag-blu-blush-on ka pa rin?" tudyo niya dito.

Naiilang na kasi siya. It was his defense mechanism. Something that puts him in his comfort zone.

Nilapitan siya nito dala ang cake.

Umiling ito. "Hindi naman talaga ako mahilig mag-blush-on mabilis lang talagang mamula ang pisngi ko lalo na pag anjan ka." Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at nagmamadaling lumabas ng condo unit niya.

Wala sa sariling sinimulan na niyang kainin ang sour choco cake na gawa nito.

"Bakit parang tumamis bigla?" wala sa sariling naitanong niya.

Wala sa sariling napangiti siya ng maalala ang sinabi nito.

"Hindi naman talaga ako mahilig mag-blush-on mabilis lang talagang mamula ang pisngi ko lalo na pag anjan ka."

He smiled. "From the beginning I always knew it was not because of the blush-on! Stupid!"

The next morning he suffered from constipation!

Damn you Reena and your sour choco cake!

 

***End of Flashback***

Mine: Magaling na kong mag-bake excuse me! So c'mon what do you want for lunch.

Me: You.

Huli na para i-cancel ang message niya dito.

Damn! It was just a joke but then he accidentally pressed send! Damn! The disadvantages of ultra sensitive touch screen phones!

Parang sirang hinintay niyang mag-reply ito sa kanya but it never happened.

He sighed in frustration. Then his intercom rings.

He answered it. "Yes"

"Sir, a Patrick Samaniego wants to talk to you." Wika ng secretary niya.

Nagdilim ang paningin niya. For a moment he lost it.

"Sir?" wika ng sekretarya.

"Send him in." malamig niyang tugon.

"Yes, Sir."

The conversation ended.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now