30: His Appeal V.S. Her Appeal

9.2K 168 2
                                    

Inayos ni Ric ang blinds ng bintana ng office nito. They were at his office once again. Napabuntung-hininga siya.

Anu ba naman kasing nangyayari?

Bakit naman kasi…

“Explain.” Wika nito pagkaupo sa silya nito.

Tinitigan niya ito. He looks someone full of authority sa hitsura nito ngayon.

“Excuse me?” Naguguluhan niyang tanong dito.

Hindi ito nagsalita pang muli. Ni hindi man lang nito inexplain kung anong i-i-explain niya.

Tinititigan lang siya nito.

She sighed in frustration maybe the man deserves an explanation naman talaga.

She cleared her throat. “Erwin and I…” Tiningnan niya ito. “we love each other.”

Nanlaki ang mga mata nito. “So ano ako?” wala sa sariling naitanong nito.

Natawa siya.

Oh my gulay, how she loves to tease him!

But it must be put to an end now. Kailangan na niyang tigilan ang proyektong sinimulan nila ni Erwin sapagkat na-meet na nila ang kanilang objectives — naverify na nga nilang nagseselos si Ric.

She cleared her throat. “We love each other as brothers and sisters.” Pagka-klaro niya dito.

“Kailangan laging nagyayakapan?” punong-puno ng panghuhusga nitong tanong sa kanya.

She bit her lip to suppress a smile.

Ang kyot talaga nito kapag lantaran na nitong ini-express ang pagseselos nito.

“People seek for body heat. bakit ba?” nasabi na lang niya.

Tiningnan siya nito ng masama. Nilapitan siya nito.

And to her amazement…

Niyakap siya nito.

Anak ng!

Ang puso niyang hindi pa sanay sa mga biglaang pagkakataong kagaya na lang ng ngayon ay hindi na magkandaugaga sa pagtibok. Pumunta ata lahat ng na-pump na dugo ng puso niya sa pisngi niya dahil nakikinita na niya kung gaano kapula iyon. Wala sa sariling niyakap niya rin ito. Hindi pa siya nakuntento, inamoy-amoy pa niya ito. At hindi pa talaga siya nakontento. Hinalikan niya ang pisngi nito.

Niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya.

She bit her lip. Wala naman siyang balak halikan ito nadala lang siya ng moment!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now