47: Reena's A Murderer?

8.1K 122 1
                                    

It has been a week since she handed out her resignation letter to the Traviel Inc. Asa bahay nila siya ngayon. Tambay. Wala pa siyang balak maghanap ng trabaho. Gusto niya munang mag-isip-isip. Gusto muna niya nang panahon upang tanggapin na wala na talaga sila ni Ric. Gusto muna niya nang panahon upang tanggapin na kahit kailan ay hindi na magiging sila ni Ric.

Not after what she had done to him and his family.

Hindi na niya ito kinausap pa. Hindi na siya nakipagkita pang muli dito. Nagpalit din siya ng sim card. Wala na siyang balak makita at makausap ito kailanman dahil kung tama nga na si Patrick na mahal siya ni Ric magkakaayos at magkakaayos pa din sila. Sigurado siyang mapapatawad nito ang ginawa niyang pagdududa patungkol sa pagmamahal nito sa kanya. Pero sigurado din siyang kailanman ay hindi siya nito mapapatawad kapag nalaman nito ang nakaraan niya. Kapag nalaman nito ang ginawa niya sa nakaraan.

Bumuntung-hininga siya.

Ayaw niyang kamuhian siya nito habang buhay.

Parang-sira ulong tumawa ng mapakla.

Bakit kung kailan maari na siyang maging maligaya ang mga pagkakamali naman niya sa nakaraan ay patuloy siyang pinipigilang maging maligaya.

 

♠♠♠

 

“Sabel!” excited na niyakap ang kaibigan.

Na-miss niya ito.

Ang malapad niyang ngiti ay unti-unting nawala sa kanyang mga labi ng makitang hindi pala ito nag-iisa.

“Anung ginagawa mo dito?” naguguluhang tanong niya.

Tiningnan niya si Ricardo Thaddeus Traviel.

He looked like a mess.

Ang dating malinis na mukha nito ay nagmukhang madumi ng dahil sa balbas nito.

Nonetheless, hindi pa rin iyon nakabawas sa kaguwapuhan nito.

Ang magulo nitong buhok at gusot na t-shirt ay mas nakadagdag lamang sa appeal nito.

Ngayon, he looked ruggedly handsome.

She exhaled.

Para kasing tanga ang puso niya na hindi magkaintindihan sa pagtibok pagkakita kay Ric.

It has been a week pero alam ng diyos kung gaano niya kagustong yakapin ito ngayon.

God! How she missed this man.

“Reena.” Nagulat siya.

Nanindig ang mga balahibo niya.

Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Ng boses na ginawang miserable ang buhay niya nang mga nakaraang araw.

Her blackmailer.

Nanghihina siya ng makita ang ngiting-ngiting si Sabel.

Nakakatakot ang hitsura nito.

Hindi iyon maamo.

Nakakatakot.

“Reena.” Pinalaki ulit nito ang boses.

Inulit pa ulit nito ang pagtawag sa pinalaking boses nang mukhang nasiyahan sa reaksyon niya.

Nanghihina siya.

She bit her lip.

“H-hindi.” Umiling siya. Hinang-hinang napaupo siya. “Hindi ito maaring mangyari.”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now