44: Officially Over

7.6K 121 1
                                    

Nagmulat siya ng mata. Masakit ang mga mata niyang pagang-paga sa magdamag na pag-iyak. Masaki tang ulo niya dahil siguro sa dami ng alak na nainom. Inikot niya ang mata sa paligid. Pamilyar sa kanya ang kurtina, ang bintana, ang painting, ang closet, ang salamin, ang kama.

Anung ginagawa ko sa higaan ko?

Ang alam niya ay nasa bar siya kagabi naglalasing.

“Gising ka na pala.” Wika ni Patrick sa kanya habang may dala-dalang tray na may lamang pagkain.

Nagdilim ang paningin niya. Mukhang ito ang naghatid sa kanya sa condo unit niya. Akala niya ay umalis na ito nang maihatid siya sa bar pero mukhang hinintay siya nito.

“Anung ginagawa mo dito?” asik niya dito.

Bumuntung-hininga ito. Nilapag nito ang tray sa kama niya. Galit na galit na tinabig niya ang mga iyon. Wala na siyang pakialam kahit pa nagkandabasag ang mga plato. Wala na siyang pakialam kahit pa natapon ang pagkain na mukhang niluto pa nito. Wala siyang pakialam. Wala siyang nararamdaman ngayon kundi galit at galit lamang.

Pagkamuhi dito at kay Jennifer at kay Ric.

Pagkamuhi sa lahat.

“Lumayas ka!” sigaw ng napagaw na niyang boses.

She bit her lip.

Tumutulo na naman ang luha niya.

They are officially over.

Ric and him are officially over.

She is a mess.

And Sabel’s dad? Guess what? He is perfectly fine! They were on their way to the hospital when Sabel called them that everything was just a misunderstanding. Sabel apologized. Gusto niya itong bulyawan pero alam niyang hindi nito iyon kasalanan. Sabel is mad herself when she called us. Galit na galit ito sapagkat aanga-anga daw yung doktor na tumawag dito. Nang malaman nilang okay na ito at ang ama ay nagpahatid siya sa isang bar kay Patrick. She needed to drink. Now, that Sabel’s dad is perfectly fine. Her brain is now very aware of one fact.

Wala na sila ni Ric.

They are over.

Officially over.

“I’m sorry.” Mahinang wika ni Patrick.

Pinunasan niya ang luha.

Inignora niya ito.

“Lumayas ka!” sigaw ulit niya.

Hindi nito alintana ang hiyaw niya.

Galit na galit na binato niya ito ng nahablot na unan. “Lumayas ka!” hiyaw niya muli dito.

Iniayos nito sa kama ang mga unang ibinato niya dito. “Don’t worry. I’ll explain everything to Ric.”

Umiyak siya lalo. “I hate you! I hate you! You were always so kind to everyone! I hate you! Bakit ka ba ganyan? Bakit kailangan lagi mo na lang inaalala ang lahat? Bakit ba ang martyr mo? Bakit?”

Humagulgol na siya. Niyakap siya nito. Hindi siya pumalag. Hindi niya magawang kamuhian ito. Paano niya ba kamumuhian ang isang taong walang ginawa kundi maging mabuti sa kapwa? Bakit ba ang martyr nito? Bakit?

Nilinis na muna nito ang mga nagkalat na basag na pinggan at pagkain bago siya iniwan ulit.

Gusto niyang tanungin kung pupuntahan na nito si Ric. Pero hindi niya maigalaw ang katawan masyado siyang napagod. Gusto niyang sabihin dito na bale-wala lang ang pakikipag-usap nit okay Ric dahil hindi naman dahil nagseselos dito si Ric kaya ito nakipaghiwalay sa kanila. Kaya ito nakipag-break sa kanya ay dahil mahal nito si Jennifer. 

Napahagulgol na naman siya.

We are officially over!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now