11: What Happened at the Wedding?

11.3K 175 13
                                    

She was so exhausted!

Kauuwi lang niya galing kasalan nina Areej at Damon. Ang sakit ng paa niya. Panu ba naman ay nag-commute siya papauwi. 

Kung tinatanong niyo kung ano ang nangyari sa magaling kong amo, sori next question please. Ayaw ko siyang pag-usapan. Ni ayaw ko nang balikan pa ang mga naganap ng araw na iyon.

Latang-latang tinapon niya ang sarili sa kama.

Sobra siyang napagod sa araw na ito physically at emotionally. Wala sa sariling nag-iiiyak siya.

Nakakaasar lang!

I’m happy Areej found the man she loves.

I’m happy that they got married.

I’m happy that they’re both too happy.

But why are they happy and I’m like this?

Why am I stupidly weeping at my bedroom?

Why? Why do I have to be their bridesmaid and Ricardo Thaddeus Traviel be their bestman?

She wiped her tears. She turned off the music.

Tama na ang pag-e-emote.

Binuhay niya ang t.v.

Gusto niyang makapag-isip isip ng ibang bagay maliban sa kasalan at sa hinayupak niyang amo. Masyadong maraming bagay na ang nangyari at masyado na siyang naguguluhan.

Napanganga siya ng makita ang palabas.

The Wedding Planner.

Seriously?

Like seriously?

Anong kasalanan ko at tinotorture ako ng tadhana ng ganito?!

Ano?!!

Bwisit na bwisit na tinapon niya ang remote control.

Hindi na talaga niya napigilan pang alalahanin ang mga nangyari ng dahil sa dinadami ng palabas na maaring ipalabas talagang The WEDDING Planner pa ang napatapat sa kanya.

 Damn you fate!

***Flashback***

(At Areej  Damon's Wedding Reception)

  

“Areej naman!” asar na asar na wika niya sa bride na tinuring na rin niyang kaibigan sa maiksing panahong nakilala niya ito.

“Pagbigyan mo na ko. Please. Eto na lang ang wedding gift mo samen Reena. Please.”

“No!”

“Please. Gawin mo na ito, Reena. Kapag nagawa mo 'to quits na tayo”

Kumunot ang noo niya. Sa pagkakatanda niya ay eto pa ang may utang na loob sa kanya ng dahil sa pagpayag niyang maging bride's maid nito. "What do you mean quits?

"Quits. Dahil inagaw niyo ni Ric yung lime light nung wedding ko!" wika nito habang naka-pout.

Napanganga siya.

"Tinalo niyo pang dalawa ang grand entrance namen ni Damon. Sa buong wedding ko kayo at kayo na lang ni Ric ang pinag-uusapan! Parang it is you and Ric's wedding and not mine and Damon's" paglalabas nito ng sama ng loob.

She looked at her. She’s too pretty in her wedding gown to be insecure at her. At saka hindi naman niya gusto ang nangyari. It just happened. Maalaman ko bang it will result in something so romantic.

Natigilan siya. Naaalala na naman kasi niya ang pakiramdam ng kargahin siya ni Ric papuntang altar.

Umiling siya. Hindi niya dapat yun iniisip. Tiningnan niya si Areej. “Bakit ba naman kasi ang lakas lakas ng loob ng abay na yun na sambutin yung bulaklak kung aayaw-ayaw din naman pala ito at worse pa ay aalis sa venue ng malaman niyang si Ricardo pala ang nakasambot nung garter!”

Lumungkot ang mukha nito. “Pasensiya ka na talaga. Isa rin kasi sa mga abay yung ex boyfriend niya. And she thought na gugustuhin nung guy na sambutin yung garter and that’s what I thought as well. Kaya naman pinahagis ko kay Damon (her husband) yung garter sa tapat ni Jeff (the exboyfriend of the abay). Hindi naman namin expected na ayaw na talaga ni Jeff at talagang iniwasan pa niya yung garter which unluckily landed on the hands of the devil (Ricardo Thaddeus Traviel).” Napabuntung-hininga ito.

“Bakit ako pa kasi, Areej?” she asked hopelessly.

"Tinatanong pa ba yon?" binigyan siya nito ng makahulugang ngiti.

Pinanlakihan niya ito ng mata. Alam niya kung anong gusto nitong iparating. Ayaw lang talaga siyang tanggapin ng kanyang utak.

Areej looked at her with her beautiful eyes. “At saka  ikaw lang ang mag-de-dare na pumayag sa pakiusap ko na 'to, Reena. Ikaw lang. Believe me. Hindi ako makikiusap ng ganito if there’s anyone na available. But the thing is, there is no option. You’re the only one.”

She stared at her.

She looked hopeless and problematic.

She shouldn’t look like that. She is a bride for pete’s sake! She should be happy!

She sighed in frustration.

“Fine. Pero last na talaga ‘to Areej. I will not accept any favors related to Ricardo Thaddeus Traviel! I’ve had enough!” wika niya dito.

Tumango ito at niyakap siya.

“Reena, salamat!”

She exhaled.

Mukhang mapapasubo ako dito.

Damn it! Ba't kasi ang bait ko?!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora