38: Is My Best Friend An Enemy?

8.3K 130 2
                                    

Hindi niya alam kung saan tatakbo. Eto nga siya ngayon, asa bahay ni Sabel. Napansin kasi nitong matamlay siya. And like usual hindi na naman siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi ang problema. Kaya in the end ay nasabi na rin niya dito ang tungkol sa blackmailer niya.

Alalang-alala ito sa kanya.

Sa mga ganitong panahon nagpapasalamat talaga siya na merong isang Sabel sa buhay niya. Now, na malayo si Erwin wala talaga siyang ibang matakbuhan kundi si Sabel.

“Ano sa tingin mo ang tama kong gawin Sabel?” Desperado na niyang tanong kay Sabel.

Nag-isip ang kaibigan. “Ang mabuti pa ay alamin muna natin kung totoo yung sinabi niya.”

Napa-isip din siya. “Paano?”

Bigla siyang may naisip. “Kung tanungin ko na kaya si Ric mismo?”

“Wag!” agad na sabi nito.

Nagulat siya.

Bakit parang sobrang tutol na tutol itong ipaalam niya kay Ric ang mga pangyayari?

“Bakit?” tiningnan niya ito.

She did not want to suspect anyone. Pero sa sitwasyon niya ngayon everyone can be a suspect. Wala man lang siyang ka-clue-clue sa identity ng suspect for her to be able to trim the list of suspects. Her only clue which is not 100 percent certain and confirmed is that her caller was a woman.

Napabuntung-hininga siya. “Bakit parang tutol na tutol kang ipaalam ko kay Ric ang mga pangyayari?”

Binatukan siya nito. “Gaga ka ba? Panu kung totoo? Panu kung mahal nga ni Ric si Jennifer? Panu kung bumalik si Rick ay Jennifer kapag nalaman nito ang totoo? Panu ka? Mag-isip ka nga.”

She bit her lip.

Tama ito.

She was feeling so desperate. “So ano na nga ang gagawin ko? Panu ko malalaman na totoo ang sinasabi nung blackmailer?”

“Ask Patrick.” Maagap nitong sagot.

Sa sobrang bilis nakakapagtaka. It seemed something she has seen coming. Pero hindi siya sa bilis ng pagsagot nito nagulat kundi dahil sa katotohanang kilala nito ang exboyfriend niya.

“Pano mo nakilala si Patrick?” Takang-takang tanong niya dito.

Naging magalaw ang mga mata nito.

“Sabel, may inililihim ka ba sa aken?”

Pansumandaling nag-isip ito. “Patrick” lumunok ito. “Patrick was the fling I was talking about.”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu