48: Sabel's Revelation

8.1K 131 1
                                    

Present time

Tiningnan niya si Ric.

He looked at her with disgust and madness.

She bit her lip.

This was the reason why she chose to resign. Hindi kaya ng puso niya ang makitang kamuhian siya nito.

Hinarap niya si Sabel.

Bago siya umalis dito.

Gusto muna niyang malaman ang lahat-lahat.

“Bakit?”

Tumawa ito ng pagak.

“Nadine Traviel.” Gumaralgal ang boses nito. “She was my protector. Ever since kinder, wala na itong ginawa kundi protektahan ako. I was always bullied for being so lampa. She was always so strong. She was so kind to me and I refused to be friends with her kasi sino ba naman ako isa lang akong lampang girl. Wala akong karapatang maging kaibigan ng isang kagaya ni Nadine, miss popular sa school.  I was her fan. From her volleyball competitions, to her singing competitions, to her dancing competitions, to her beauty competitions, I was secretly supporting her. I learned how to fight back. I learned to have fun. I learned to fight for love. I learned a lot of things from watching her. Hindi ko matanggap na namatay siya. So I made my own investigation and look what I found.”

Natigagal siya.

So the friend she was referring once when they were at the canteen was Nadine. The friend who died. The friend who taught her how to love. It was Nadine.

Tumawa na naman ito. “The police were stupid to deduce na everything is just an accident. Her family immediately believed that it is all an accident so nobody inspected her things. Using money, I acquired her phone and personal belongings nang maganap ang aksidente. Hindi ako naniniwalang aksidente lang ang lahat.” Pumiyok ito. Nakikita niyang nangingilid na ang luha sa mga mata nito.”

Napalunok siya. “So this was all your plan?”

Ngumiti ito sa kanya. "Yes. I still don’t know who you are. Pero kilala ko si Patrick kaya naman sinundan ko siya sa  states. I tried to seduce him pero to no avail. Mukhang mahal ka pa rin niya. Pero atleast nakakuha ako ng impormasyon patungkol sayo. Nagulat ako sa nalaman. If it is not fate. Nagtrabaho ka sa kumpanya nina Nadine. I plan on telling the Traviel family about this pero gusto muna kitang makilala. Kaya naman nagtrabaho ako sa Traviel inc. Kinaibigan kita. Don’t get me wrong. You are very kind as a friend at kung hindi lang siguro dahil sa ginawa mo kay Nadine ay baka naging mabuti tayong magkaibigan. The day when I intend to tell the Traviel Family about it saka mo naman sinabi sakin na may gusto ka kay Ric. A great plan formed my mind why not let you fall in love with Ric and then let you suffer the way Nadine did. Everything seemed perfect, magkakabalikan si Jennifer at si Ric  and you’ll be broken. Tapos saka ko sasabihin sa Traviel family ang tungkol sayo para kamuhian ka ni Ric at ng pamilya nito. You will lose your job and the man you love will hate you. Pero hindi ko inaasahan na mas pipiliin ka ni Ric kaysa kay Jennifer.

Tiningnan siya nito ng masama. "Anu ba ang meron ka? Bakit lahat na lang ng lalaki handang magpakagago para sayo. Si Patrick, si Ric at pati na rin si Er— “ win?!

Hindi na nito natapos pa ang sinabi.

“Just rot in hell and die bitch!” Yun lang at umalis na ito.

Naiwan sila ni Ric na kanina pang tahimik lamang.

Para pa rin siyang tangang pinipilit i-process lahat ng sinabi ni Sabel.

Hindi pa rin siya makapaniwala na ang taong pinakapingkakatiwalaan niya ay ang siya palang taong gustong paghigantihan siya.

Kaya naman pala…

Kaya naman pala ganoon na lang ang pag-ayaw nitong sabihin niya kay Ric ang tungkol sa blackmailer.

Kaya naman pala ganoon na lang ang pagpupumilit nitong hingin ang tulong ni Patrick. Hindi dahil mahal nito si Patrick kundi dahil gusto nitong pagselosin si Ric at sirain ang relasyon nila.

Kaya naman pala pakiramdam niya ay si Erwin talaga ang mahal nito at hindi si Patrick. Gusto lang din pala nitong paghigantihan si Patrick at tunay nitong mahal si Erwin. Naguguluhan ang damdamin niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Hindi niya alam kung gusto pa niyang makita si Sabel. Kung gusto niyang maging maligaya ito at si Erwin. Hindi niya alam. Alam niyang wala siya karapatang magalit kay Sabel pero…pero pagkatapos ng ginawa nito sa kanya. Hindi mapigilan ng damdamin niyang masaktan sa panloloko nito sa kanya.

Kaya naman pala pintalikod agad siya nito nang makita niyang naghahalikan sina Jennifer at Ric. Siguradong nagsinungaling lang ito sa kanya na naghahalikan pa ng mga panahong yun si Ric at Jennifer.

Kaya naman pala….

Nanghihina siya.

Hindi siya tanga at lalong hindi siya bulag…

Pero paanong?

Paanong nagawa siyang gaguhin ng ganun ni Sabel?

Paano nito nagawang paglaruan siya ng ganoon katagal?

Bakit hindi man lang niya naramdaman ang pagkamuhi nito sa kanya?

Bakit?

Naguguluhan siya.

Narinig niya ang pag-ingit ng silya.

Napatingin siya kay Ric. Paalis na ito. His face was blank. Nothing. 

But she knew he was mad.

Alam, niya.

Bakit sa tingin nito siya mag-re-resign at pipiliing wag makipagkita dito kahit alam niyang handa itong makipagbalikan sa kanya?

Dahil natatakot siya…Natatakot siyang magalit ito sa kanya. At ngayon nga ay galit na galit na ito sa kanya. Alam niya kung gaano nito kamahal ang kapatid nito. Hindi nga ba’t hindi nito mapatawad si Patrick. Si Patrick na kaibigan nito ever since bata pa ang mga ito sa pag-aakalang ito ang may dahil ng paglalasing ng kapatid nito na nagresulta sa car accident nito. Alam niyang kapag nalaman ni Ric na siya ang babaeng tumawag sa kapatid nito bago ito mamatay kakamuhian siya nito habambuhay…

At hindi niya kaya iyon.

Mas gusto pa niyang magkahiwalay sila pero alam niyang mahal siya nito…Kaysa malaman niyang kinamumuhian siya nito.

She bit her lip

Hindi na niya kaya.

“Shout at me!” umiiyak na utos niya dito. “Hurt me” Tiningnan niya ito in utmost desperation. “You can do anything just don’t do nothing!” pagmamakaawa niya dito.

Tiningnan lang siya nito full of disgust at hatred at iniwan na siya.

Luhaan at Sugatan.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now