50: Her Suffering (Part 1)

8K 120 1
                                    

Pinunasan niya ang pawis. Abala siya sa pag-mo-mop ng sahig ng mansiyon ni Donya Victorina. Magdadalawang araw na rin niyang pinagsisilbihan ang donya. Sanay siyang magbanat ng buto. Kaya naman ayos lang sa kanya ang pagwawalis at pag-mo-mop ng three story house na bahay ng donya. Yun nga lang pagod na pagod na agad siya sa gabi. 

Hindi pa rin siya makapaniwala sa naging desisyon niya. She knew it was the stupidest decision she’ve made in her entire life. Pero, ano ba ang tamang gawin? Somehow, she desperately want to prove to the mother of Ric na nakokonsensiya siya sa nagawa niya. Somehow, she desperately want her to forgive her for what she did. Somehow she desperately wish na one day matatanggap siya ng ina ni Ric and when that day comes, she desperately want to be with Ric.

“Reena!” sigaw ng donya.

Nagmamadaling pinuntahan niya ang donya. Nang minsang hindi agad siya nagpunta dito nang tinawag siya nito ay kaina-inamang mura ang natanggap niya mula rito. Mukhang alam ng donya ang lahat ng masasamang salita sa mundo. Hindi siya nagmamalinis. Madumi rin ang bibig niya at mahilig siyang magmura pero mas malala ang donya. Walang panama ang bad words vocabulary niya sa ginang. Hanep talaga!

“Bakit po?” humahangos na naitanong niya sa donya.

"Ano bang tagal mo? P*nyeta!" Bungad agad sa kanya ng donya pagkarating niya sa kwarto nito.

Pasensiya na po. Asa first floor ho kasi ako nung tumawag kayo ang room niyo po kasi ay nasa third floor. Magaling po sana kung nagpagawa man lang kaya ng elevator o kahit na ho escalator man lang para naman po makarating ako at your aid A.S.A.P. Hindi naman po kasi ako si Superman na kayang lumipad o si Flash na ubod ng bilis o kaya naman po si San Goku yun pong bida sa Dragon Ball Z na kayang mag-teleport. Dahil kung biniyayaan po ako ng ganoong powers eh di hindi ko na ho sana kailangan pang tumakbo habang gumagamit ng hagdan papunta sa kwarto niyo at hindi na din ho sana ako hinihingal ng ganito. Now, sino ho sa atin ang p*nyeta?!

Kumuyom ang palad niya. She wanted to say all those words pero nagtimpi siya. Tinikom lang niya ang bibig. Hindi siya sanay ng inaapi. Hindi ba't ilang beses na niyang sinabi. I am the bully and not the binubully. Pero ngayon para sa pag-ibig niya kay Ric at para na rin sa kapatawaran ng kanyang mga kasalanan handa siyang magpakababa at magpaapi.

Tumungo siya. "Pasensiya na po."

"Boba! Puro ka na lang pasensiya! Punyeta! Nasisira ang araw ko sayo! Gaga!"

God! Can you just translate them in english? Kaya pa niya kung mumurahin siya sa salitang ingles. Tolerable pa. Pero pag tagalog talaga! Ramdam na ramdam niya ang bawat mura nito. Umuukit at tumatanim talaga sa isip at puso niya.

Nanahimik na lang siya dahil kung hihingi na naman siya ng pasensiya nakikinita na niya—there will be no end sa pagmumura sa kanya ng donya. For some reason, tuwang tuwa itong nakikitang nahihirapan siya. Hindi ba't pagdating na pagdating niya sa mansion nito ay agad na pinagbakasyon nito ang mga katulong nito sa bahay. There were three maids before she arrived. Kaya naman, sobra ang pagod na nararamdaman niya sa araw-araw. Pantatlong tao kasi ang mga gawaing naka-atang sa kanya. Lahat ng maaring iutos ay iniuutos nito sa kanya. Kulang na lang ay subuan niya ito tuwing kakain. Masyado itong palautos. Pero nagtitimpi lang siya. Kaya pa naman niya ang hirap. Sanay siya sa hirap. Kaya, ayos lang. Sana lang ay mapatawad na siya nito.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now