37: The Blackmail

8.6K 131 0
                                    

She was happy. Finally nagkakaunawaan na sila ni Ric. Finally she heard him say those three words which meant heaven for her (I Love You).

Tiningnan niya ito.

Hindi niya napigilang mapangiti. He was asleep like a kid. Masaya siya. They just made love.

Mukhang sobrang napagod ito ah. Pilyang sambit ng isip niya.

Hinila niya ang kumot para takpan ang kahubadan niya. Umupo siya ng kama. Para siyang tangang pinagmamasdan lang ito. Hindi niya alam kung ilang oras siyang parang sira-ulong tinititigan lang ito. Pero natigil ang pagpapantasya niya sa official boyfriend niya ng makareceive ng tawag sa telepono.

Tiningnan niya ang oras.

Alas dos ng umaga.

Tiningnan niya ang caller.

Unknown.

Sinu naman ang may tamang isip na tatawag sa kanya ng alas-dos ng umaga?

Pero sinagot pa rin niya. It might be an emergency at home.

“Hello” Wika niya pagkasagot ng telepono.

“Mukhang masaya ka.” Wika ng caller niya. 

Kumunot ang noo niya.

It was definitely not her mom’s voice nor her dad’s. Hindi niya kilala ang boses. Mukhang sadyang pinalaki. Pero mukhang boses babae. But somehow the voice it feels so close to her heart.

Anu bang nangyayari?

“Sino ka?” Wala sa sariling tanong niya sa kanyang mysterious caller.

Tumawa ang nasa kabilang linya.

Biglang tumaas ang balahibo niya. Biglang sumikdo ang takot sa buong katauhan niya. Nakakatakot ito. Ito at ang tawa nito.

“Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga ay ang nalalaman ko.”

Natahimik siya.

“Mukhang interesado ka.” Humalakhak na naman ito. “Si Ricardo Thaddeus Traviel ay may ex-girlfriend.”

Alam niya  iyon pero nanahimik lang siya. There’s a part of her mind na nagsasabing patayin na niya ang phone. Pero there’s another part of her mind na gustong malaman ang tungkol sa exgirlfriend ni Ric.

“Jennifer. Jennifer Romualdez. That’s her full name.”

Hindi niya kilala si Jennifer. Ni hindi niya ito nakikita pa. Pero just hearing her name and mentioning the fact na ex ito ni Ric ay parang hindi na niya agad ito gusto.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now