15: Getting to Know Him

11K 185 11
                                    

A week had passed simula ng magising ang don at unti-unti ng bumubuti ang kalagayan nito. Unti-unti rin niyang nakikita ang other side of Ric. Ric as a son was far from Ric as her neighbor and former enemy. Ric listens to his dad. Maasikaso ito sa ama. Gusto nitong ito mismo ang mag-asikaso sa ama nito gayong may mga nurse naman o kaya siya na maaring gumawa ng bagay bagay. 

Napabuntung-hininga siya.

Bakit ba habang mas tumatagal silang magkasama ni Ric at mas nakikilala niya ito. Bakit parang unti-unti nang nabubura yung imahe nitong may sa demonyo sa utak niya? Unti-unti niyang nakikita ang good traits nito. As someone, who helps people in need from the whole altar and cr thingy and as a good son. Bakit sa tuwing patagal ng patagal niya itong nakakasama hindi na niya mapigilan ang sariling hangaan ito. Alam niya na antipatiko ito at may mga instances na nagiging bayolente ito pero bakit ganun? Bakit parang...

Umiling siya. Hindi niya nagugustuhan ang takbo ng isipan niya.

Anu ba tong nangyayari sa akin?

♠♠♠ 

  

“Ric, where’s your mom?” tanong niya habang nagbabantay sila sa natutulog na don.

Nagdilim ang paningin nito. Iniwas nito ang tingin sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin. Mukhang tama nga siya ng hinala. Mukhang may hindi magandang nangyari sa pamilya nito. Kahit si Don Jose ay ayaw pag-usapan ang pamilya nito. “Sorry. You do not have to answer.”

There was long silence.

“She left us.” mahinang wika nito.

Tiningnan niya ito. Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa don. Hindi niya alam kung malungkot ba ito o galit or what. He seemed sad and mad at the same time.

She was silent for the entire time.

Music playing in her head:  See, I don't know what to say...I don't know what to say...I don't know what to say...I don't know... 

Masakit sigurong iwan ng pamilya. She has a very wonderful family kaya naman hindi niya alam ang pakiramdam na mabuhay isang magulong pamilya. Sa mga nabibilang na pagkakataon ng kanyang buhay she was rendered speechless. 

“Ba’t natahimik ka?” tanong nito sa kanya.

Tumungo siya. “Para kasing walang tamang salitang lalabas sa bibig ko kapag nagsalita ako.”

Natawa ito.

Napanganga siya. And here she was, worried sick na baka nasaktan niya ang damdamin nito by reliving his dark past. Tapos ngayon tinatawanan lang siya nito! Unbelievable!

Tiningnan niya ito. Hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti nang makitang nakangiti na ito. Hindi talaga siya sanay na malungkot ito. Kahit papano ang tensyong nabuo kanina ay unti-unting nawala.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now