54: Reena's in Danger

7.9K 131 0
                                    

Nagulat siya.

Papalabas na sana siya ng kuwarto nang bumukas ang pinto sa kwarto niya. Niluwa ng pintuan niya si Caloy.

“Anong ginagawa mo dito?” asik niya dito.

Agad na naghanap ng bagay na maaring ipanlaban dito. Matagal na niyang napapansin ang pasulyap-sulyap nitong tingin sa kanya pero nagmamaang-maangan lang siya. Kanino naman siya magsusumbong di ba? Wala naman kasi siyang kakampi sa bahay na iyon.

Kahit ang  kanyang pinakaminamahal…

Napalunok siya.

Na kahit ang kanyang pinakamamahal ay tinalikuran na din siya.

“Pasaan ka?” wika ni Caloy sa kanya.

Nilampasan niya ito. Hindi niya ito sinagot. Hindi sila close at hindi rin palagay ang loob niya dito.

Mahigpit na hinablot nito ang braso niya.

“Tinatanong kita!” Asik nito sa kanya habang binalya nito siya sa pader,

Nanlaki ang mga mata niya. Kinilabutan siya.  Nakakatakot ang hitsura ni Caloy.

“Bitiwan mo ako. Nasasaktan ako.” Wika niya habang pilit na kumakawala sa hawak nito sa kanya.

Pero ano ba namang magagawa ng ala-beauty queen niyang katawan sa mala-wrestler nitong katawan.

Tumawa ito. “Hindi ka pwedeng umalis. Yan ang kabilin-bilinan sa akin ni Donya Victorina.”

Hinablot niya ang ano mang maaring mahawakan. Nahawakan niya ang vase na nakalagay sa lamesa ng kwarto niya at pinukpok dito.

“Ah! Tang*na mo babae ka!” Sigaw nito sa kanya.

Nabitawan siya nito. Hinawakan kasi nito ang ngayon ay dumudugong mukha nito.

Mabilis na lumabas siya ng kwarto. Kinalimutan na niya ang maleta niya. Hindi na yon mahalaga. Ang mahalaga ay ang buhay niya.

Tumakbo siya. Nasisiguro niyang kapag naabutan siya nito ay katapusan niya na. 

Napalunok siya nang marinig ang boses at yabag ni Caloy na papalapit na sa kanya. Patuloy siyang tumakbo. Hindi na niya alam kung saan pupunta. 

God! Help me!

Narinig niya ang papalapit nang papalapit na boses ni Caloy. Nawawalan na siya ng pag-asa.

Nagulat siya. May humila sa kanya. Gusto niyang umirit. Pero tinakpan ng humila sa kanya ang bibig.

“Shut up.” Mahinang bulong sa kanya ni…

“Ric” mahinang bulong niya sa kabila ng taklob taklob nito ang kanyang bibig.

Alam niya.

Alam niyang mali ang nararamdaman niya.

Nasa peligro ang buhay niya.

Pero ang tanging naiisip niya ay kung gaano kalapit ang katawan nito sa kanya.

Kung gaano kalapit ang mukha nito sa kanya.

Kung gaano kabango ito at ang hininga nitong tumatama na sa mukha niya.

Kung gaanong ang ilong nito ay tumatama na rin sa ilong niya.

At kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.

Tinanggal na nito ang kamay sa pagkakataklob sa kanyang bibig.

Sinenyasan siya nito. Sundan daw niya ito. Tumango siya. Hindi niya maintindihan kung anong nangyayari pero sigurado siyang tinutulungan siya nito.

Sumunod siya rito.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora