18: The Q&A

11K 177 4
                                    

“Upo ka.” Pag-iimbita ng ina kay Ric.

Matapos nilang bayaran ang bills ay mabilis na naasikaso ang pag-labas ng ama sa ospital. Hindi niya alam kung sinong anghel ang sumapi kay Ric at nag-offer itong ihatid sila sa kanilang bahay.

Iba pala talaga kapag kaibigan mo na ito.

He was so much better!

Agad namang pumayag ang mga magulang na tuwang-tuwang malaman na tinulungan sila ni Ric sa mga gastusin sa ospital.

Pansamantala ng nagpapahinga ang kanyang ama sa kuwarto. Masyado pa itong napagod sa byahe. Hindi pa ito fully nakakarecover mula sa aksidente. Kaya naman hinayaan na nila itong magpahinga sa kuwarto habang abala ang kanyang nanay sa pag-estima sa kanilang panauhing pandangal.

“Nililigawan mo ba ang anak ko?” Walang kakiyeme-kiyemeng tanong ng ina niya kay Ric.

Muntikan na niyang maibuga ang iniinom na juice sa mukha ng nanay niya sa walang kaabog-abog nitong tanong kay Ric.

Mukhang wala lang naman ito sa binata at kalmadong-kalmadong ininom ang juice nito.

“Hindi ho.” magalang nitong sagot.

Akalaing mong maalam din pala itong gumalang!

“Ah. So boypren ka na pala ng anak ko.”

“Hindi rin ho.”

Bakit mukhang nag-eenjoy ang mokong sa interview ng nanay ko?

Nanlaki ang mata ng ina niya.

“Asawa ka na ng anak ko?!” Nagkandautal-utal na tanong ng ina kay Ric.

Naibuga na talaga niya ang juice na iniinom sa ina.

Sumosobra na talaga itong si ‘nay!

“Ano ba yan, Reena Mae! Nakakahiya ka!” Wika ng ina habang abalang pinupunasan ang nabasang mukha.

“Sori na nay! Pero nay, magkaibigan lang kami ni Ric.”

Sumimangot ang ina. “Bakit?” Disappointed na disappointed na wika ng ina.

Hindi na niya alam ang gagawin sa ina.

“Anu bang bakit nay?”

“Bakit magkaibigan lang kayo?” Depressed na depressed na talaga ang nanay niya.

Tumagay ito ng isang basong tubig. Napailing-iling na lang siya.

Ang kanyang ina ay dating lasenggera. Pero simula nung nalasing ito at aksidenteng napagbuhatan siya ng kamay ay tinigilan na nito ang pag-inom. At imbes na alak ang tinatagay ay tubig na lang ang tinatagay nito.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon