53: Goodbye, Ric!

7.6K 120 0
                                    

She was packing her things.

Aalis na ko!

Aalis na talaga ako sa bahay na ito!

Nagpatuloy siya sa pag-e-empake. It has been a month na niyang pinagsisilbihan ang donya kasama ang anak nitong si Ric. At sa loob ng isang buwan na iyon ay hindi yata maari na sa loob ng isang araw ay hindi siya mumurahin ng donya. At sa loob ng isang buwan na iyon ay isa sa bawat linggo siyang nakakatanggap ng sampal mula rito. She was trying to do her job well despite the obvious fact na inaabuso na siya nito.

She was tired.

Hinang-hinang napaupo siya sa kama niya.

Everyday, gigising siya ng alas-kwatro ng umaga para simulant ng maglinis ng bahay. Pagsapit ng alas-sais ay magsisimula na siyang magluto ng breakfast. Gusto kasi ng donya na freshly cooked ang breakfast nito. Pagkatapos maghugas at magligpit ng pinagkainan ng mga ito. Kakain lang siya ng konti tapos diretso na siya para maglaba. Tapos maglilinis na naman. Alam niyang sinasadyang magdumi ng donya para mahirapan talaga siya.

Pero more than the pagod na nararamdaman.

More than that, ang hindi niya kinakaya ay ang pagbubulag-bulagan ni Ric. Pinahid niya ang luhang umalpas sa kanyang mata. Sinampal siya ng ginang sa harap mismo ni Ric nang nag-serve siya ng breakfast. Wala daw lasa ang niluto niya. Pero si Ric ni hindi man lang siya tiningnan… ni hindi man lang siya ipinagtanggol. Nasunod pa ng ilang beses ang pananakit ng donya sa kanya pero patuloy na nagbulag-bulagan si Ric.

Bakit ganon? Bakit noong unang beses itong pumunta sa bahay ng donya ay prinotektahan siya nito? Bakit ngayon? Bakit parang wala na itong pakialam sa kanya?

Hindi kaya…

Hindi kaya, hindi na talaga siya nito mahal?

Napahagulgol na siya.

Alam naman niya. Alam niyang kaya siya nandodoon ay para pagdusahan ang kasalanan niya. Alam niya na they have all the right to make her feel miserable.

But she had enough!

Sobra na siyang nagpakababa para sa mga ito. Sobra na siyang nagpaapi para sa mga ito.

Tama na.

Hindi siya martyr at lalong hindi siya santo. She felt sorry for being the cause of Nadine’s death kaya nga nagpaalipin siya kay Donya Victorina. Sapat na siguro ang mga mura at sampal na tinanggap niya sa donya at pagkabigo sa pag-ibig para pagbayaran niya ang lahat ng kasalanan niya.

Pinunasan niya ang luha.

Matapang siyang babae. Hindi siya nagpapaapi. Pero for the first time, nagpakababa siya. But now, she realized kahit anong gawin niya para pagsilbihan ang mga ito kailanman ay hindi nila siya mapapatawad.

Tumayo siya.

Sinarado ang maleta. Naglakad papunta sa pinto.

“Goodbye, Ric!”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now