33: His Past

8.9K 156 4
                                    

Ricardo Thaddeus Traviel's POV

 

Patrick Samaniego.

He exhaled.

For two years they've not seen each other.

Patrick Samaniego was his bestfriend but not until buntisin nito ang kapatid niya. Her only sister, Nadine Traviel, was the best sister in the whole world. She always defended him to mom and dad. And mom who loves his sister will always listen to her and her requests. Mahal niya ang kapatid. They have just a year as an age gap kaya naman close sila. Actually, kaya naging magbestfriend ang ate niya at si Patrick ay dahil din sa kanya. He introduced her sister to Patrick. Then afterwards, silang tatlo na ang nag-ha-hang-out. Everything was perfect not until my sister got pregnant and we learned na si Patrick pala ang ama ng dinadala ng ate niya. Her sister was stupid! Kahit pinapalayas na ito ng kanilang ama dahil hindi nito kailanman matatanggap ang kasalanang ginawa ng ate niya her sister chose na ilihim na lang ang kanyang pagbubuntis kay Patrick dahil ng panahong yon ay may girlfriend ito na kahit kailan ay hindi naman nito naipakilala sa kanila na kesyo masipag daw ang girlfriend nitong mag-aral at walang panahong makipag-hang-out sa kanila. Hindi niya maintindihan ang kapatid. Kaya naman sinabi niya kay Patrick na buntis ang kapatid niya. Nakipag-break naman agad ito sa girlfriend nito at pinanagutan ang kapatid niya.

So bakit ako galit kay Patrick?

Nang gabing mamatay ang kapatid niya ay kasa-kasama niya ito sa kuwarto nito.

He closed his eyes.

Damn! Bad memories just keep on flooding his mind.

***FLASHBACK***

  

"Seriously ate, kailangan mo ba talagang lumayas dito?"

Tiningnan niya ang kapatid na abala pa rin sa paglalagay ng damit sa pagkalaki-laki nitong maleta.

"I mean, nagulat lang siguro si Papa. He could not have possibly been serious by what he said."

Tiningnan siya ng kapatid niya. Tinigil nito ang pag-eempake.

Nagulat siya.

Niyakap siya nito.

Sa mga ordinaryong araw ay itutulak niya ito at tutuksuhing 'corny' but today was not your ordinary day. Ngayong araw siya aalis ng bahay dahil pinalalayas ito ng ama sa katotohanang nabuntis ito ng bestfriend niyang si Patrick. Sa katunayan ay makikipagkita ito ngayon kay Patrick at pipiliting mabuhay kasama si Patrick at ang anak nito.

"You take care." Bulong nito sa kanya.

Ayaw man niya pero may mga nangilid na luha sa kanyang mga mata. Hindi siya iyakin. Pero mahal niya ang kapatid niya.

"You." Inilayo ang sarili sa pagkakayakap dito. "Take care."

Napabuntung hininga siya. "I still can't believe na pumayag si mama sa plano niyo ni Patrick."

Natawa ito. "I know right. Miski ako ay nagulat. Hindi ko akalaing ganun lang kadaling papayag si mama sa plano naming ito ni Patrick."

Kahit saan anggulo talaga niya tingnan hindi siya makapaniwalang pumayag ang ina sa planong pagtatanan ng kapatid niya at ni Patrick. Her mom superlatively loves her sister. Dati ay naiinggit pa siya sa kapatid sapagkat walang nakikita ang kanyang ina kundi ito. Kaya lang siya nakikita ng ina ay dahil na rin sa tulong ng kapatid niya. Dati ay naiinggit pa siya pero noong nagtagal ay nasanay na rin siya. Tinanggap na lang niya ang katotohanang mas mahal ng ina ang kapatid niya kaysa sa kanya. Pero kahit kailan ay hindi niya kinamuhian ang kapatid. Paano ba niya kakamuhian ito kung wala itong ginawa kundi gumawa ng paraan para mas maglapit pa sila at ng kanilang ina. Sa huli ay hindi na siya nainggit dito. Actually, naawa pa nga siya dito. Masyado kasi itong mahal ng kanilang ina kaya maraming bagay itong hindi nagagawa. Hindi kagaya niya. He was so free. Kaya naman ng malaman na wala man lang violent reaction ang nanay nila patungkol sa planong pagtatanan ng kapatid niya at ni Patrick ay labis labis ang kanilang (Ric and Nadine) pagkagulat.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now