10: Reena's New Friend

12.2K 214 16
                                    

“Stupid!” wika niya sa sarili ng maalala lahat ng nangyari.

She was currently in the church’s ladies room. Naglalabas ng sama ng loob. Don’t misunderstand. Hindi siya natae. Naglalabas siya ng sama ng loob niya sa nangyari kanina sa simbahan.

Bakik ba ang tanga-tanga ko!

Maglalakad na lang.

Ayaw na sana niyang alalahanin pa pero anong magagawa niya kung sobrang sariwa pa ng alaala sa kanyang isipan!

***Flashback***

(An hour earlier)

  

Lumalakad na sila ng napakagaling niyang partner na si Ricardo Thaddeus papunta sa altar nang...

...bumigay ang sapatos niya.

Oo, ang ipinagmamalaki niyang four-inch Premadowna blue stiletto shoes.

At ang nakakawindang pa nito.

Nagtitinginan na ang mga tao.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin if someone walking in the middle of the aisle broke her shoes?

Napatili ang guests.

Paano ba naman, sa pagkasira ng sapatos niya ay sa pagbagsak niya sa sahig. Buti na lang at nakakapit siya sa mga braso ni Ric kaya naman hindi siya tuluyang napaupo sa sahig.

Naririnig niya ang pagtatawanan ng mga guests sa kanya.

She bit her lip sa sobrang kahihiyang nararamdaman ng mga oras na iyon.

Puro sosyal pa naman ang mga guests sa kasal ni Areej palibhasa ay anak mayaman ang dalawang ikakasal. She heard Damon, Areej husband, is a business tycoon.

Ngayon lang niya labis na pinagsisisihan ang pagbili ng mga imitation shoes. Pano ba naman siya bibili ng orig if ang isa ay umaabot ng ilang libo!

Inhale.  Exhale.

Nararamdaman na niya ang pamumula at pag-iinit ng mata niya.

She felt so helpless.

Ayaw niyang umiyak pero...

Ano? Ano ang gagawin niya?

“Why do you have to wear cheap shoes in a wedding?” wika ng magaling na partner niya.

Tiningnan ng mga mata niyang nagbabadya nang umiyak ang magaling na partner niya ng masama. Tiningnan niya ito ng puno ng hinanakit. 

Naiiyak siya.

Why do you have to be so mean when I'm this helpless?!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now