Kaya naman ang naisipan kung gawin iuntog yung noo ko sa noo niya. Ang sakit para pa akong nahilo sa ginawa ko, napaka lakas kasi, nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Aray!! Baliw ka talaga Nerdy!!." sabi niya habang nakahawak sa noo niya

Bigla siyang tumayo, napatitig ako sa katawan niya WOW! may abs pala siya ngayon ko lang napansin.

"Pst! Nerdy, masama yang ginagawa mo, pinagnanasahan mo nanaman ako sa UTAK mo ano.?" sabi ni Drei tapos sabay nakangiti ng nakakaloko

"H-hah?H-hindi ah." pagdedeny ko sakanya

Biglang dumating si Karmie para tawagin si Drei kasi pinapatawag ito ng Mommy niya tumawag kasi yung Daddy niya gusto daw siyang makausap.

Kaya naman kaming dalawa nalang ni Karmie yung naiwan, Nakaupo kami sa buhangin

"Ate Zhane pano pala kayo naging maging Bestfriend ni Kuya.?" tanong ni Karmie sakin

Hala! sa totoo lang hindi ko rin alam paano ba? kasi ngayon ko lang nalaman na mag Bestfriend na pala kami ni Drei.

Kinuwento ko sakanya yung kagagahan ko na natapunan ko siya ng ice cream tapos yun naging mag close kami, hindi ko na sinabi sakanya yung naging slave niya ako nakakahiya naman kasi,

"Hahaha..Nice first meeting naman yung nangyari Ate Zhane." natawa niyang sabi

"Ate can you do me a favor?" seryosong sabi ni Karmie

"Sure ano yun?" walang alinlangan kung sabi

"Please dont leave my kuya hah take care of him and make him happy." Nagulat naman ako sa sinabi ni Karmie, tatawa sana ako kaya lang halata kay Karmie na seryoso siya

--

Gabi na nang bumalik na kami sa hotel para kumain ng dinner. Katabi ko si Drei that time ang sweet niya siya yung naglalagay ng pagkain sa plato ko. Nakita ko si Tita Mylene nakatingin sa amin ni Drei

"Zhane, you reminds me of someone, sino na ba ulit yun?" nag-iisip si Tita Mylene, biglang nagsalita si Drei

"Tita naman, kumain nalang po tayo." -Drei

"Oo nga Tita, ito yung favorite mong fish fillet" sabi ni Karmie tapos inabot yung fish fillet kay Tita Mylene

Alam ko namang si Kaycie yung tinutukoy ni Tita Mylene eh kahit hindi niya masabi. Sino ba talaga si Kaycie sa buhay nila Drei? Bakit kamuka ko siya? Anong bang meron? Ang dami kung tanong sa isip ko, wala naman akong lakas ng loob para magtanong sa kanila, nahihiya ako.

Pagkatapos ng Dinner, pumunta na sila Karmie and yung Mommy niya sa kwarto nila, si Tita Mylene ganun din , lima nalang pala kamig natira dito sa hotel, Umuwi na yung iba kanina pagkatapos ng Dinner.

Magkakwarto daw kami ni Drei sabi niya, Teka! ANO? Totoo ba ito magkakwarto kami ni Drei? So magkatabi kami matutulog? Nakuu? Ayoko... nahihiya ako sa kanya, malikot akong matulog baka mamaya masipa ko pa siya. Kaya naman kinausap ko siya

"Drei? talaga bang magkaroom tayo?" sabi ko na nakatayo sa may pinto

"Oo, bakit? wala namang masama mag bestfriend naman tayo." sabi niya habang nakahiga na siya sa kama. hindi ko na siya kinulit pa kasi halata sa mukha niya na pagod na pagod siya.

Naisipan kong magpalit ng damit na pantulog T-shirt and pajama, bigay ni Karmie. Lahat ng sinuot ko ngayon galing sakanya, nakakahiya na. Nung lumabas ako sa banyo. Tulog na si Drei lumapit ako sa kama atsaka pinagmasdan yung mukha niya habang natutulog.

Ang gwapo niya talaga kahit tulog. Kung may camera lang sana ako kanina ko pa siya pinicturan, kaya lang wala eh. Pumunta na ako sa sofabed para matulog.

Drei's POV~

Nagising ako ng 2:00 ng madaling araw sa sobrang lamig dahil sa aircon, napatingin ako sa sofa bed. Andun si Zhane baliw talaga yung babaeng yun bakit dun siya natulog, pwede naman sa tabi ko wala pa siyang kumot ang lamig lamig!. Kaya naman tumayo ako para buhatin siya at ilipat sa kama. Tinitigan ko yung mukha niya.

She look like an angel when she sleeps, kinuha ko yung cellphone para kuhanan siya ng picture habang tulog. Pumunta na ako sa sofa bed para mahiga tinitigan ko yung picture ni Zhane, Mejo may hawig talaga sila ni Kaycie...Zhane sino ka ba? Ikaw ba si Kaycie? Nagpapanggap ka lang ba na Zhane?? Tama na nga ayoko ng masyadong mag-isip.

Zhane's POV~

Nagising ako sa sinag ng araw, Ang sarap ng tulog ko ang lambot kasi ng hinihigaan ko eh hindi katulad sa bahay manipis na kutson lang. Nagulat ako ng tatayo na sana ako kasi bakit andito ako ngayon sa kama kung saan natutulog si Drei kagabi, Napatingin ako sa sofabed Andun si Drei, Bakit kaya nagkapalit kaming dalawa??

OMG!!

It means binuhat niya ako  kagabi para makapunta dito?? Ahhh! Bakit parang kinikilig ako? Aist tama na nga, pumunta na ako sa banyo para maligo kasi maaga pa kami luluwas pa uwi.

After 1234567890 hours natapos na akong maligo HAHAHA! Ang OA, Gising na rin si Drei nung natapos akong maligo agad naman siyang pumasok sa banyo para maligo na rin, inayos ko na yung mga gamit ko para mauna na sa baba, gusto ko na rin kasing umuwi eh namimiss ko na rin sila Tito at Tita.

A/N: Hello Readers! Pasensiya na ngayon nalang ulit ako nakapag Update hindi ko kasi kayang pagsabayin ang pagsusulat and study bawi po ako sa bakasyon ng Summer.... Pasensiya na po BTW~ Thank you po sa mga readers ng story ko. LOVELOTZ <3

~MeLovesEC~

Campus Nerd StoryWhere stories live. Discover now