"Sure, Nana. No worries"

"He only speaks English and Korean. Kaso baka hindi ka marunong magkorean kaya english na lang. Actually ayaw nyang may nagtatagalog kasi nga hindi nya naiintindihan kaya paki na lang ha? Si Sir Lex naliligo pa kaya pakiintay na din" bulong sakin ni Nana bago sya pumunta sa kusina. Tumango na lang ako at ngumiti. Binalik ko ang tingin kay Seven na nagbabasa ng libro. Lumapit ako at umupo sa katapat na single-seater sofa.

He's no longer wearing his black mask kaya naman nakita kong muli ang mukha nya. Flawless ang skin ha? Nahiya naman ang freckles sa mukha ko sa sobrang kinis nya haha. His reddish hair is swept sideways pero cool paring tingnan. Singkit ang mata nya, sobrang tangos ng ilong at manipis ang mapulang labi. Ngayon ko lang napagtuunan yun ng pansin kasi hindi ko naman gaanong tinititigan yung mga pictures nya sa bahay ni Katy. Somehow I see him as an anime. Yung mga nakikita kong anime sa tv haha.

"Are you done scanning my features, Shan?" nagulat ako ng bigla syang magsalita pero nanatiling nakafocus yung mata nya sa binabasa nyang libro. Am I staring that long? Syempre wala namang ibang tao dito eh at nascan ko na ang bahay kanina.

"Somehow haha" sinara nya yung binabasa nyang libro saka tumingin sakin pero hindi nakangiti. Hindi naman siguro sya galit dahil dun diba? It's a natural thing to do at para namang hindi pa sya sanay dun. At least ako simpleng tingin lang unlike kung obsessed fan ka baka hinuhubaran na nila to sa isip nila. Yuck haha.

"So how was it? You liked what you see?" napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Mejo conceited ha. Sige na pagbigyan. Wala kasi syang fans dito kaya naghahanap siguro ng compliment hahaha.

"So far so good. Much better than wearing a suffocating mask"

"That's it?"

"Huh? What do you want me to tell you?"

"It should be excellent. Perfect. Handsome. Something like that"

"Whoa! Haha. Are you fishing for compliments, Sev? You must be kidding me for a moment there haha--ha" nabitin ang pagtawa ko dahil sa seryoso nyang itsura habang nakatingin sakin. Hala hindi ko naman sadya na maoffend sya eh. "Uhm don't get me wrong. Well I--" nagulat ako ng tumayo sya at akmang papasok sa kwarto nya.

"Hey wait!" huminto naman sya pero hindi ako nilingon. "Why are you leaving me here? Nana said you should keep me company"

"I'm no longer in the mood to do that" sagot nya ng tumingin sakin. Napakamoody naman ng lalaking to.

"Hey I'm sorry about what I said. You don't need to act cold to me"

"I just don't like you calling me Sev. That's all" yun lang tapos tinalikuran nya na ulit ako saka pumasok sa kwarto nya. Napabuntong hininga na lang ako habang napapaisip. Para Sev lang nagkaganun na sya eh pangalan nya naman yun. Hay ang hirap siguro pakisamahan ang mga Koreano. Buti na lang sa American ako nagkagusto. Or else hindi ko ata kayang magkaron ng asawang katulad nya. Oh crap! Why am I thinking things like this? Shu! Shu! Get out of my mind!

"Shanine! What's wrong with you?" nang mag-angat ako ng tingin, napatulala ako seeing John so gorgeous na mejo basa pa ang buhok habang nakasuot ng faded jeans at sweatshirt rolled up ang manggas up to his elbows. Ngayon ko na lang kasi sya ulit nakitang ganito ka laidback dahil lagi syang nakasuit pag nakikita ko. "Where's Seven?"

"Ah haha nothing. You look great!" hindi ko napigilan ang compliments ko sa kanya. "Ah Seven went to his--" sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Seven wearing his still gloomy face.

"There you are Seven. Why did you leave Shanine alone? I asked you to talk to her if she comes early" hindi sumagot si Seven at hindi man lang ako tiningnan. Mukhang badshot pa rin ako sa kanya.

Seven and Nine (FIN)Where stories live. Discover now