Part 25 Final Chapter

7.2K 244 36
                                    

Ilang beses na niyang tinatawagan si JJ pero hindi ito sumasagot. Wala rin ito sa opisina niya o sa pad nito.

Where the heck are you? Ang dami niyang gsutong iklaro dito.

Muli na sana niyang tatawagan si JJ nang biglang tumunog ang cellphone niya. Sandali siyang nagulat nang ito mismo ang tumatawag sa kanya ngayon.

"Where the hell are you?!"

"Attorney Maggie. This is Rea."

Boses pa lang ng babae ay tila pinipiga na ang puso niya. But she must not be fazed. She's to clear things with JJ first!

"Nasaan si JJ? Bakit hindi siya ang sumagot ng telepono?"

"Naiwan niya ang cellphone niya rito sa opisina. Nasa...Marina...oo nasa Marina siya ngayon. May kausap siyang kliyente."

Why this girl does sound so unconvincing?

"Okay. Diyan ko na lang siya sa opisina hihintayin."

"No! Huwag dito sa office. Hindi raw iyon babalik ngayon. Why don't you meet him at there? Para makapag-usap na kayo."

She has a bad feeling about Rea's suggestion. Pero may parte pa rin sa kanya na hindi na kayang makapaghintay na marinig ang mga paliwanag ni JJ.

"Okay. Give me the address please."

This must end! Hinatayin mo ako diyan, Montoya! Mag-uusap tayo.

TULAD ng sabi ni Rea ay dumeretso agad siya sa Manila Yacht Club. Hindi pa man siya nakapag-park ay nakita na niya mula sa malayo ang nakaparadang sasakyan ni JJ. Now she knew Rea isn't kidding. Mukhang nandoon nga si JJ.

She searched for the yacht called Amarilyo. Ayon kay Maggie ay doon raw ito nakipag-usap sa kliyente nito. And she found it, wala siyang sinayang na oras at inakyat agad ito.

"JJ!" Tawag niya nang hindi agad makita ang lalaki.

Pero imbes sagot ay ugong ng makina ng yate ang narinig niya. Agad siyang napahawak sa isang hand rail dahil sa pagkabigla.

"Careful!"

Napalingon siya sa kinaroroonan ng boses at doon niya nakita ang kanina pa niya hinahanap.

"Montoya! Alam mo bang kanina pa kita hinahap?"

"Really? Ikaw nga itong bigla na lang umalis kanina."

"How could you? Pinagmukha mo akong--" Natigil siya sa pagsasalita nang napansin niyang gumagalaw na ang yate palayo sa daungan nito. "Hey! Where are we going?"

"Somewhere far. Thanks to my brilliant friends' ideas."

"What are you talking about?"

"I told you, I wanted to say something important. Pero umalis ka na lang bigla." May kinuha ito sa loob ng isang cooler at inihagis ito sa kanya. "Drink it up!"

"What the..." It was Cape Buffalo Energy Drink.

Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang lumalagok din si JJ ng parehong inumin. Nang maubos iyon ay tumingin muli ito sa kanya. "Drink it."

"Ano bang kalokohan 'to?"

"I want to hear the truth from you."

"At ikaw pa ang may ganang mag-demand niyan? Sino ba ang manloloko sa ating dalawa,ha?! You sponsored my college tuition and I didn't even know? Anong gusto mong palabasin?!"

"Can't you just say 'thank you'? Ganyan ka rin dati. Napakataas ng pride mo. That is why I didn't say a word about the support. Ganito ang magiging reaksyon mo."

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon