Part 20

5.4K 200 8
                                    

"Hindi na kita halos makilala, Maggie!" Hyun sounded so amazed.

Just as when she thought lunch with Raven would help her, nagkakamali siya. Nakaupo siya ngayon sa tila isang reunion table kasama sina Mikael, Hyun, Top, Raven at Pierre.

It didn't surprised her na kaibigan na rin ng mga ito si Pierre dahil naikwento na ito ni Raven noon. At ang dahilan ng pagiging malapit ng mga ito?

Ano pa eh di Dota!

Ipinaliwanag din ni Raven na hindi niya alam na dadating ang mga dating kaklase sa lunch na iyon. Initially, it was just Raven and Pierre. Then Hyun called Pierre about his new lounge-bar. And when they asked Hyun to join them for lunch to further talk about it, he brought Mikael with him. Naging tila isang instant reunion tuloy ang nangyari.

"Hindi ko rin kayo halos makilala. You all look...formal." Puna niya. Naka-suit kasi ang mga ito at wala ni isang bakas ng pagiging naughty high school students.

"Siyempre, lumevel up ka na. Nakakahiya naman kung hindi man lang kami sumunod." Nakatawang sagot ni Top.

"Pa-humble effect pa kayo. Eh naglalakihan na nga ang mga kumpanya ninyo." Raven whined.

Alam naman niya na mga successful businessmen na ang mga ito. And all of them are on the beverage industry.

"Ang alam ko, you own a brewing company, Top. Napakalaking business no'n." Komento niya.

"Not just a brewing company but YG brewery." Sabat ni Pierre. "Siya nga ang pinakamayaman sa mesang ito."

"Don't start with me, Pierre. Alam ko kung gaano kalakas ang energy drink business mo." Sagot ni Top sa kaibigan.

"I even drink your products, Pierre." She revealed. Totoo namang iniinom niya talaga ang Cape Buffalo Energy Drink lalong lalo na kapag pagod siya.

"Thanks, Maggie!" Masayang sabi ni Raven na siyang endorser ng energy drink na iyon. Pinilit kunin ni Pierre na maging endorser si Raven dahil sikat ito na Taekwondo Olympic Medalist.

"Mabuti pa yang kaibigan mo, Raven. Iniinom ang produkto ko. Eh ikaw na endorser, hindi ko pa nakitang uminom no'n ah." Reklamo ni Pierre.

Nagsitawanan ang lahat sa rebelasyon ni Pierre. Si Raven naman ay tumawa na rin dahil malamang totoo ang impormasyon na iyon.

How she wished their other friend Nikkola was there. Pero simula noong hindi nito pinagpatuloy ang pagmamadre ay naging focus naman nito ang pagtatrabaho.

Just like you.

She sighed. Now she knew it's also fun to go out with some old friends even just for awhile. Hindi pala masamang ideya ang sumama sa mga ito.

Unti-unting gumaan ang loob niya kasama ang mga kaibigan nang may biglang lumapit sa mesa nila.

"Mukhang nagkakasiyahan kayo ah?"

"Aba't kumpleto na ang drinking buddies!" Excited na sabi ni Hyun.

Drinking buddies?

Napaangat tuloy siya ng mukha upang malaman kung sino ang tinutukoy ni Hyun. And just as she was starting to feel better, there were JJ and Rea standing beside each other. Nasa harap ito ng mesa nila.

"Attorney Maggie! Nandito ka pala? Akala ko hindi ka nagugutom?" Si Rea iyon na mukhang nagchange outfit pa. Now she's wearing a sleeveless white top paired with black pencil.

Putcha! Ba't ba ang ganda ng babaeng ito?

"My friend Raven asked me for lunch. Hindi ako makatanggi eh." She lied. Ano naman ang sasabihin niya? Na ayaw niya lang talagang makasama ang mga ito sa lunch?

She continued finishing her food. Ang dalawa naman ay umorder ng pagkain at sumabay na rin sa kanila.

"Wow! Isn't this amazing? This is the first time na magkakasama tayo sa isang lunch." Ayon kay Pierre.

"Eh kasi naman, tuwing nag-iinuman lang naman kayong lima magkakasama." Raven snorted. "Pinaninindigan niyo talaga ang tawag sa inyo na Drinking Buddies ah?"

"Hindi na namin kasalanan 'yon. We're friends who meet during weekened for a few drinks. At nagkataon namang nasa Beverage Indrustry talaga kami nakalinya." Hyun reasoned out.

Now she knew why they were called like that. Akala niya ay dahil malakas lang talaga uminom ang mga ito. Mukhang mali siya.

"Attorney Maggie, if you don't mind." Rea started.

Aba't gusto talaga akong kausapin ng babaeng ito! "Yes?"

"Ang balita kasi sa akin ni Lynn——"

"Who's Lynn?"

"My ex's sister."

Pagkasabi nito ay biglang tumahimik ang buong mesa. Kahit nagtataka ay pinagpatuloy na lamang niya ang pagtatanong.

"So anong sabi?"

"She studied at the same school with you guys. At ang sabi niya, these guys here, minus Pierre who's enrolled on another high school, caused a lot of trouble at school. Totoo ba 'yon?"

Gusto niyang matawa sa tanong nito. Gusto lang ba talaga nitong makakuha ng kaunting impormasyon sa kanya tungkol kay JJ? Bakit hindi na lang ito mismo ang magtanong? Mas madali iyon dahil bukod sa magkatabi ang dalawa ay hindi naman maitatago ang super close na relasyon nito.

"It's true. I should know. Ako ang student body president na nagpumilit ituwid ang landas nila."

Nagtawanan muli ang lahat maliban lamang kay JJ. She was studying him at the corner of her eyes. Hindi ito ngumingiti man lang.

Kasalanan mo 'yan. Ni-request mo ako, tapos ngayon magtho-throwback ng kwento eh ayaw mo na?

Pierre raised his hand. "It was true. Sana nandoon ka noong araw na nag-referee pa si Maggie para sa amin ni JJ. Muntik na kaming magsuntukan noon. Baby niya kasi si JJ no'n. Akala ko nga ay magkakatuluyan na ang dalawang 'yan. Bagay na bagay kasi. Sayang at naudlot lang."

Pierre dropped the info like an atomic bomb.

Hindi naman nagsalita ang lahat maliban kay Raven na agad tumawag ng waiter at hiningi ang bill.

Nagkatininginan sila ni JJ pero sandali lang iyon agad siyang nagbawi ng tingin at kunwa'y uminom ng tubig. Pakiramdam kasi niya ay may malaking tinik sa dibdib niya na biglang bumara.

What the fuck Pierre! Kahit kailan ay madaldal talaga ito. She was trying to avoid the topic since last night pero isang kwento lang ni Pierre at tila sumabog na ang lahat. Hindi niya muling tiningnan ang direksyon ni JJ. Maski ang reaksyon ni Rea ay hindi rin niya inalam pa. Bahala na silang mag-isip ng kung anu-ano. Ang gusto niya lang ay kalimutan ang nangyari.

Pagkabigay ng waiter ng bill ay iniabot ni Raven iyon kay Pierre.

"Teka, bakit ako?" Reklamo ni Pierre.

"Madaldal ka kasi. 'Yan, bayaran mo lahat." Agad tumayo si Raven at nagpaalam. "Announcement. Mauuna na kami ni Maggie. See you later guys."

Hinila siya ni Raven sa kinauupuan. Siya naman ay nagpatianod na lamang dito.

"Wait, Raven. Don't forget about opening of Round 3 tonight." Tawag ni Hyun sa kaibigan niya.

"Siyempre naman, pupunta ako, Hyun." Raven quickly replied.

"Sumama ka na rin, Maggie. I'm opening my new bar tonight. I hope you can come." Pahabol ni Hyun.

Her lips pressed together in a slight grimace. Hindi kasi niya alam kung anong isasagot kay Hyun.

"I would appreciate it, Maggie." Pilit pa ni Hyun.

She can't help but glance at JJ's direction. For sure, this guy will be there.

Oh well. Wala din naman siyang choice. Harapin na ang dapat harapin.

"Okay, Hyun. See you tonight."


UPDATED NA! Please don't forget to comment and share! Labyu ol!

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon