Part 21

5.1K 161 1
                                    

PAGTAPAK pa lang niya sa Round 3 Bar ni Hyun ay agad siyang namangha sa disenyo nito. The lounge-bars exude elegance and luxury. Doon pa lang ay alam na niya ang mga klase ng customer na magpupunta roon.

"Ganito ba talaga ang mga bars na pag-aari ni Hyun?" Hindi niya mapigilang tanong kay Raven. Noon kasi ay hindi niya nakitaan ng pagkahilig si Hyun sa mga sosyal na bagay. Ang lagi niyang naaalala dito ay ang pagiging matalino nito at simple.

"Yes. All of his bars are this classy. Although meron din siyang pinapatakbong club." Raven answered with pride.

Nang makakuha na sila ng kanilang mga inumin ay naghanap na sila ng mauupuan. They chose the black leathered couch at the corner where there are less people.

"Siya nga pala kanina, Maggie. Pasensya ka na kay Pierre ha?" Nararamdaman niya ang pag-aalala sa boses ng kaibigan.

"Okay lang yun Raven. It's nothing big anyway."

"Nothing big? Eh kaya ka nga nakipag-lunch sa akin kanina dahil kay JJ, tapos kung anu-ano pang pinagsasasabi ni Pierre na mas ikinasama ng pakiramdam mo."

"Fine. I was surprised to see him. Alam mo naman siguro kung ilang beses kong pinilit hanapin siya noon para makapagpaliwanag dahil alam kong masama ang loob niya sa akin. Tapos ngayon, bigla siyang magpapakita, gagawin akong legal advisor na tila walang nangyari noon. Nabigla talaga ako."

"Is that all?"

"Yun lang talaga."

"Do you have any idea why he's doing that?"

"Wala! Hindi ko talaga alam."

"Hindi kaya dahil may feelings pa rin siya sa'yo?"

Agad nanginit ang pisngi niya sa ideya ng kaibigan. Ilusyunada! May Rea na 'yon.

"I don't think so. Imposible 'yon."

"Ikaw, baka may feelings ka pa ba para sa kanya?"

Natahimik siya sa tanong ng kaibigan. Alam kasi nito ang kwento niya noon pa man.

"It was a long time ago, Raven. It doesn't matter now."

"Hindi iyan sagot sa tanong ko."

Ano nga ba ang tamang sagot?

"Speak of the devil and he shall appear!" Bulalas ni Raven.

Agad naman siyang napalingon sa direksyon kung saan nakapako ang mga mata ni Raven.

Pam pam pam! Here comes the best pair in town.

Naglakad patungo sa isang kwarto sina JJ at Rea. Hindi sila nakita nito dahil medyo malayo ang kinauupuan nila. Rea, as usual, looks dashing with her red short sleeve mini dress.

"That's the Drinking Buddies VIP room for the night." Paliwanag ni Raven. "Akalain mo? Naging tuwid ang mga buhay ng mga taong 'yon? Iba talaga ang nagagawa ng determinasyon."

"Yeah. Just like me. So let's drink to that!" Agad niyang naubos ang laman ng kopitang hawak-hawak habang hindi pa rin maalis sa isip ang dalawang taong kakapasok lang sa pinto.

"Woah! Malakas ka pa lang uminom, Maggie?"

"Minsan lang."

"Tutal libre naman 'to, eh di samantalahin na natin!"

"I agree!"

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon