Chapter 9

5.1K 132 0
                                    

"SA students lounge na lang tayo magkita mamaya. At huwag kang magtatangkang mag-Dota kung hindi ay lagot ka talaga sa akin." She once again reminded JJ pagkatapos siyang ihatid nito sa classroom niya.

Simula noong araw na iyon ay hindi ito nag-Dota para matulungan lang siya sa mga task niya para sa foundation day. Sa totoo ay nag-e-enjoy din naman siyang kasama ito. She discovered that he's also not just handsome but also a funny guy. It was really a revelation and she's more determined to uncover his true personality.

Sa totoo lang ay nakakalimutan niyang isang misyon ng pala ang pagsama niya rito. Sa gaan kasi ng pakikitungo nila sa isa't isa ay pakiramdam niya hindi na siya nag-e-effort na baguhin ito. Being kind and responsible came out of him naturally.

Ibinalik nito sa kanya ang clipboard kung saan nakalista lahat ng to-do-list niya para sa foundation day at saka sumaludo muli sa kanya.

She smiled. It was his way of saying yes. Weird man pero para sa kanya ay napaka-cute ng gesture nitong iyon.

Hinatid niya ito ng tingin bago pumihit papasok ng classroom. Pero bago pa man siya makahakbang ay nasa harap na niya ang dalawang kaibigan at na parehong nakataas ang mga kilay.

"What?" She directly asked. Alam niyang may mga iniisip ito base sa mala-emoticon nitong mga mukha.

"Mukhang napapadalas na yata ang pagsama sa iyo ni Montoya ah." It was Raven who sounded more like an excited little girl.

"Alam niyo naman kung bakit diba?" She tried to explain.

"Alam namin. Pero hindi alam ng madla. Marami nang naglalabasang chismis sa inyong dalawa. Teka! Hindi kaya't...?" Nikkola was grinning.

"Umayos ka. Nikk ha. Hindi kami. Walang kami. Okay?" She shivered at the thought. He was just pure business for her. A means to an end. Her ticket to success.

Sure ka ba diyan, Maggie?

Sa totoo kasi ay hindi na niya alam ang totoo. She's really enjoying every moment with him. Hindi na niya maalala ang totoong plano niya.

"Kasi naman. Halos araw-araw na kayong magkasama. Tapos parang magkasundong-magkasundo pa kayong dalawa. Sino ba naman ang hindi magtataka? Eh noon halos lumabas na ang ugat mo sa noo dahil kay Montoya. Ngayon ay tila sweet na sweet kayo." Nikkola pointed out on her.

Hindi naman magkamayaw sa pagtango si Raven.

"We're just friends!"

"Friends? Talaga lang Maggie ha?" Raven grinned.

"Ang pagbabago niya ay hindi ko na talagang pinupwersa. He's really has a good heart. At mabait siyang kaibigan."

"Wala naman kaming sinasabing masama siyang tao. Ang amin lang ay baka kung saan na 'yan mapunta." Paalala ni Nikkola.

"It's just a mission, Maggie. Remember that." Seryoso ang boses ni Raven.

"O-of course!" She insisted.

"Wala kang feelings para kay JJ?" Usisa pa ni Raven.

Ayaw niyang magsinungaling sa mga kaibigan. She likes being with JJ. And it makes her day tuwing tumatawa siya dahil dito. Pero alam niyang hindi tama ang mga nararamdaman niyang iyon.

"Wala nga. As in wala!"

"Okay! Mas mabuti na iyong klaro. Ayaw kasi naming maging komplikado sa iyo ang sitwasyon. Alam mo na. What if ma-fall ka sa kanya. Tapos malalaman niyang ginagamit mo lang pala siya. Masasaktan ka, girl." Nikkola explained.

Her friends are right. Kailangan niyang hindi makalimutan ang totoong rason niya sa paglapit kay JJ. It's the only way to keep in track of her plan.

But what if...

No! No more analysis, sneaky brain. She has to be clear with her intention. Alam niya iyon. Pero bakit ba tila ayaw makinig ng puso niya?

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon