Part 15

5.3K 152 0
                                    

Hello sa lahat! Eto na po ang karugtong ng story nina Maggie at JJ! Pasensya po sa matagal na paghihintay. Labyu ol!


"WALA akong kasalanan!" The sixty three year old, Mr. Fermin Gallardo is gritting his teeth like a mad dog in front of Maggie. Wala itong pakialam sa nagkikislapang camera sa paligid. Nagpupumiglas pa rin ito kahit hinahawakan na nang maigi ng mga pulis. At siyempre alam na alam niya kung bakit ito nagwawala nang ganoon.

Siya lang naman ang dahilan kung bakit ito makukulong ng hindi kukulang sa apatnapung taon.

She raised her chin up, her lips curving into a smirk. It may sound merciless pero para sa kanya ay sapat na kabayaran iyon sa lahat ng kasalanan ginawa nito sa kanyang pamilya.

"It's the price you have to pay for ruining my family. Dapat lang mabulok ang mga tulad mo sa kulungan." She didn't bother waiting for him to answer back. Agad niyang tinalikuran ito at naglakad palabas ng court room.

Si Mr. Gallardo, ang may-ari ng jewelry shop, ay siyang totoong salarin sa pagkamatay ng isang staff nito. Ipinasa lamang ang kasalanan sa kanyang ama upang makatakas ito sa batas.

Kahit nag-aaaral pa lang sa UP ng abogasya ay pinabuksan niyang muli sa dating PAO attorney ang kaso ng ama. Ginawa niyang assignment ang pangangalap ng ebidensya. At nagbunga ang kanyang paghihirap nang madiskubre niya ang di maipaliwanag na biglang pagyaman ni Mr. Gallardo. Pinaimbestigahan nila ito at doon na lumabas ang baho ng matanda. Nalaman ng mga pulis na ito pala ang totoong kumuha sa mga alahas sa jewelry shop at pumatay din sa staff roon.

Inabot ng limang taon ang paglilitis. At dahil nakagradweyt na siya at nakapasa na rin sa bar exam dalawang taon na ang nakakaraan ay naging katuwang siya ng PAO lawyer sa pagtulong sa kanyang ama. It was a long and painful process of freeing her father from jail but it's all worth it.

Naririnig pa rin niya ang pagsisisigaw ng matanda pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Ipinangako na niya sa sarili na ililibing na niya sa limot ang masamang bangungot na iyon. Mula ngayon ay mamumuhay na silang mag-anak na masaya at magkasamang muli.

"Ate!" Mula sa malayo ay tanaw niya ang kapatid na si Tonton na nakaupo sa driver's seat ng kanyang puting kotse. Nakasakay sa backseat nito ang kanilang ama at ina. Kasama niya ang mga ito sa pagdinig ng hatol kanina sa korte.

She looked at her family lovingly as she walked closer to the car. Inakala niya pagkatapos ng graduation day sa high school ay hindi na niya kailan man makikitang magkakasama muli silang mag-anak na masaya. Pero ang panginoon na rin siguro ang gumawa ng paraan para sa kanila.

Ten years ago, just as she expected, ibinasura ng mga board of trustee ng Maryknoll ang scholarship niya. Pero sa tulong ng isang foundation ay nakapag-aral siya ng kursong Political Science. Nang makapagtapos ay ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa UP at kumuha ng abogasya. Habang nag-aaral ay nagtatrabaho din siya bilang isang clerk sa isang sikat na law firm. Nang makapagtapos ng law at pumasa sa bar exam ay hindi niya iniwan ang pinagtatrabahuhang firm. Bagkus na-promote roon siya bilang isang junior partner.

Mahirap, madugo at nakakaubos ng lakas ang mga pinagdaanan niya. Pero habang nakikita niya ang pamilya na masaya, mas lalo niyang napapatunayan na isa siyang malakas na babae. Na kaya niya ang lahat ng mga pagsubok at hindi siya madaling patumbahin.

In her two years as a lawyer, nakakuha na siya ng isang hinuhulugang bahay at kotse. Nabigyan na rin niya ng kaunting puhunan ang mga magulang upang umpisahan ang sari-sari store ng mga ito. At higit sa lahat ay napagtapos na niya si Tonton sa kursong architecture.

Natigil siya sa paglalakad nang maramdamang nag-vibrate ang cellphone niya bulsa. She grabbed her phone and saw a text message. It was from her boss, Atty. Ronaldo Nuñez. He wasn't just a tough boss but also a father figure for her. Lalong-lalo na noong hinawakan na niya ang kaso ng ama. Marami itong payo at strategies na ibinahagi sa kanya. Nang matapos basahin ang mensahe ay ibinalik na niya ang cellphone sa bulsa.

"Saan niyo gustong kumain?" Tanong niya nang makapasok na siya sa kotse.

"Ikaw, anak. Saan mo gusto?" Malapad ang ngiti ng ina sa kanya.

She sure is very happy seeing her mother's smile reappeared again.

Nang makalabas ang kanyang ama sa kulungan ay bumalik na ang dating sigla ng ina.

"Naku Ma. Hindi ako makakasama. Nagtext ang boss ko. Kailangan ako sa office dahil may kliyente kami. Kayo na lang ang kumain." Kahit na gustuhin pa niyang sumama sa pamilya ay mas mahalaga ngayon ang performance niya sa lawfirm. She wanted to show her colleagues there that though she's the youngest among them, she is very capable and competent.

"Sandali lang naman tayo, Maggie. At saka tanghali na rin naman. Kumain ka muna." Nag-aalalang ang payo ng ama.

It's been awhile since they were reunited. Kahit pumuti ang buhok ng ama at mukhang tumanda rin ng maraming taon, he still is the best dad just like before.

"Sorry Pa. Trabaho eh. Sa susunod na lang po." She pleaded.

"Ikaw talaga, Ate. Minsan nga lang tayo kumain sa labas. Absent ka pa." Her brother protested.

"Promise sa susunod. Okay? Sa ngayon, ihatid mo muna ako sa opisina."

"Hay, ano pa nga ba." Nagkibit balikat ang kapatid habang pinapaandar ang sasakyan.

Sino ba naman ang ayaw makasama ang pamilya? Siya pa kaya na nangungulila sa maraming taon ang hihindi sa pagkakataong tulad nito? But she knew better. Kailangan niyang magtrabaho para sa mga ito. She has kept her first promise of taking her father out of jail. Now she will try to fulfill her second promise. At iyon ay ibigay ang kaginhawahang nararapat para sa pamilya at kailangang pagtrabahahuhan iyon.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon