Part 22

5.4K 202 9
                                    

NANUOT sa ilong ni Maggie ang bango ng sinangag na kanin. Hindi tuloy niya mapigilang hindi idilat ang mga mata.

Food! Sigaw ng utak niya. Babangon na sana siya nang biglang maramdaman ang tila isang sakong sementong nakadagan sa ulo niya. She groaned and closed her eyes again.

Why is she feeling this sick?

Agad niyang binalikan ang mga pangyayari noong nagdaang gabi. She was at Hyun's new bar with Raven. They were drinking and talking until she saw JJ with his girl Rea.

And that started her rendezvous with the bartender. Mabuti na lang at hindi niya nasukahan si Raven pag-uwi niya kagabi.

She was about to stand up when she heard her father's throaty laugh down the hall. Minsan lang niyang marinig ang ama na tumawa nang ganoon kaya kahit medyo masakit pa rin ang ulo ay bumangon na siya.

Agad niyang tinungo ang hapagkainan kung saan nanggagaling ang tawa ng ama. At nang marating niya iyon ay gulat na gulat siya sa nakita.

There was her father sitting in front of a guest. A man he just saw last night.

"Gising ka na pala anak! Alam mo bang halos kalahating oras ka nang hinihintay ng boss mo rito?" Sabi sa kanya ng kanyang ama.

"Good morning, Maggie." His smile was so bright that she can't even say a thing.

"JJ! What are you doing here?" Hindi na niya mapigilang tanong.

"Dinaanan na kita. Magpapasama sana kasi ako." JJ said as if going to her house is a natural thing.

"Saan tayo pupunta?" Gaano ba kaimportante ang lakad na ito at kailangan pang sunduin siya sa bahay nang wala man lang pasabi?

"Alam mo anak, maligo ka na lang. Hindi ka na nahiya kay JJ at ikaw pa ang sinusundo."

JJ? Aba't close na kayo Pa?

"Kailangan ko lang kasi ng expertise mo sa pupuntahan ko. Huwag ka ring masyadong magmadali. Just take your time, Maggie. I'll wait for you." He picked up a cup of coffee and sipped from it.

Aba? At at home na at home pa?!

Wala siyang magawa kung hindi ay maligo at magbihis. Ilang minuto din siyang papalit-palit ng susuotin na damit. Hindi niya kasi alam kung bagay pa sa kanya ang mga damit sa closet niya.

Hindi pa rin kasi matanggal sa isip niya ang klase ng pananamit ni Rea. Kahit ano yatang isuot ng babaeng iyon ay bagay rito.

Huwag kang ma-pressure, Maggie. Keri mo 'to!

She finally decided to wear a black pencil cut skirt paired with white long sleeves blouse. Naglagay din siya ng make-up. Mahirap nang magmukha siyang maputla.

She breathed deeply bago lumabas ng kwarto. Nandoon na kasi si JJ sa sala at naghihintay sa kanya.

"Let's go." She nonchalantly said. Pero sa gilid ng mga mata niya ay hinihintay niya ang expression ng mukha ni JJ.

Sana man lang ay bigyan siya ng kalahati ng uri ng ngiting ibinibigay nito kay Rea.

"Uhm...Maggie. Can you not wear a skirt this time? Shirt and pants may do."

Doon niya napansin na naka-jogging pants at sweater lang pala ito! She was so engrossed with his smile and face that she didn't realize he's not wearing his usual formal suit.

Eh malay mo ba, Maggie? Hindi naman siya nito sinabihan kanina. Isa pa, kung bagay talaga sa kanya ang suot niya kanina, hindi na ito magsasabing palitan niya ang suot.

Hindi siya nagagandahan sa hitsura mo!

She quickly went back to her room.

Asa ka pa, Maggie. Hindi ka niya magugustuhan ulit. Hindi na kasi siya ang dating helpless na JJ na kailangan ang mga damsel in shining armor na tulad mo noon. He is his own knight now at may ibang prinsesa na rin siya.

It was then she realized what the clamor inside her means all this time. She wanted him to look at her like he used to before. Gusto niyang maging ang babaeng nagustuhan nito noon.

It's all because she never has forgotten him.

Instead of opening her closer to change her clothes, she ended up taking something under the drawer of her study table. Kinuha niya roon ang sulat na ginawa niya noong umalis si JJ. Ang sulat na naglalaman ng mga paliwanag niya. At ito rin ang sulat kung saan inamin niyang may gusto rin siya dito.

Napangiti siya nang mapakla. How come she didn't realize that she's still waiting for him all these time? Kaya na rin siguro walang ibang lalaking nakakuha ng atensyon niya. Kaya siguro tuwing naaalala niya ito sa maliliit na bagay tulad na lamang ng butsi at dota.

You were waiting for him to come home, Maggie. Malas mo lang at kaibigan lang talaga ang natitira niyang pagtingin sa iyo.

"Anak! Ang tagal mo naman!" Sigaw ng ama niya.

Doon na siya tila nabalik sa kasalukuyan. Mabilis niyang nilagay sa basurahanang sulat saka naghanap ng damit.

Mabuti pa sa kaso, pwede kang umapela. Pero sa pag-ibig, mga hibang lang ang gumagawa noon.

Kumuha siya ng tissue at pinahid ang lipstick sa labi niya. Sana ganoon din kadali alisin ang nararamdaman niya para kay JJ.

UPDATED na po! Please VOTE & COMMENT! LABYU OL!

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon