Chapter 11

4.7K 129 0
                                    

Ininspeksyon ni Maggie ang gawang booths nang bigla niyang mapansin ang ilang mga estudyanteng tila nakamasid sa may Guidance Office. Nilapitan niya ang mga ito at nagtanong kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga iyon.

"Nahuli kasi ng guard ang grupo nina Montoya na umaakyat sa pader. Magka-cutting class raw yata." Sagot ng estudyanteng pinagtanungan niya.

Sa sobrang gulat ay halos takbuhin ni Maggie ang Guidance Office kung saan naroon umano sina JJ. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman. Tila naghalo na kasi ang takot at inis sa dibdib niya. Naiinis siya dahil sa paglabag na naman ng mga ito ng school rules. At siyempre, takot din dahil baka iyon ang maging rason kung bakit hindi niya makukuha ang inaasam na scholarship.

Bakit ngayon pa, JJ? Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?

Pinoproblema nga niya ang bahay nila. Pati ba ito ay dadagdag pa?

Bumukas ang pintuan ng Guidance Office at lumabas doon si Ms. Cipriano.

"O, Ms. Madriaga? Anong ginagawa mo dito sa labas?"

"Ho? Ah...Eh..."

"Oh. Student body president duties, right?"

"Ah. Opo! Yun na nga po. Medyo nag-aalala nga po ako sa kanila."

"Sige ganito. I'll be going to the principal's office now. Ikaw muna ang magbantay sa kanila habang wala ako. Okay?"

"Okay po!" Nang makaalis na si Ms. Cipriano ay agad siyang pumasok sa office nito. Doon ay nakita niya ang apat na estudyanteng nakaupo sa couch roon.

"Maggie!" Lahat yata ay nagulat nang makita maliban lamang kay JJ.

"Bakit niyo ginawa 'yon?!" She addressed the question to everybody kahit gustuhin pa niyang magtanong ng diretso kay JJ.

Walang nagsalita sa mga ito pero hindi naman maitatago ang mga nguso ng apat na lalaki na lahat ay nakaturo kay JJ.

Nagkibit-balikat naman ang salarin. "Oo na. Inaamin ko. Pero promise last na 'to."

"Akala ko ba hindi niyo na uulitin 'yon?"

"Minsan lang 'yon. Importante kasi eh. Pangako. Hindi na mauulit." Nakangisi lang ito na tila hindi mahalaga rito ang magisa muli ng principal at guidance counselor.

Napabuntong hininga siya. Kahit kasi gustuhin pa niyang mainis, alam niyang wala siyang karapatan.

Nang bumalik ang guidance counselor ay lumabas na agad siya ng opisina. Hindi pa rin maalis sa utak niya ang posibilidad na mawala ang scholarship niya dahil sa ginawa nito ngayon.

"Maggie." Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita ang principal na nakatayo sa pintuan ng opisina nito. Magkakatabi lang kasi ang mga opisina kaya hindi nakakapagtataka kung makikita siya roon ng principal.

Nilapitan niya ito at binati.

"Alam mo na siguro ang ginawa na naman ni JJ. Pinamunuan niya ang grupo nila upang mag-cutting class."

"Ma'am. Pasensyahan niyo na lang po siya. Ilang linggo na rin naman siyang naging mabait."

Magmamakaawa siya sa punong guro. Kahit alam niyang wala siya sa lugar upang humiling ay naging mapangahas na rin siya. Kinabukasan na niya ang nakataya dito.

Naramdaman niya ang paglapat ng kamay ng punong guro sa kanyang balikat. "I understand you, Maggie. So don't stress yourself out. Your name is still on the list of the candidates. At naipangako ko na rin sa iyo ang suporta ko. Hindi ba?"

Kung mayroong mas giginhawa pa sa pag-alis ng tinik sa dibdib niya ay iyon na 'yon. "Maraming salamat po, Ma'am."

Tumango ang principal. "Nakita ko naman ang effort mo para kay JJ, Maggie. At pinapahalagahan ko iyon."

Thank God. Mabuti naman at hindi pa pala nawala ang tsansa niya sa scholarship.

Ngayon ay ang problema na lang sa bahay nila ang iisipin niya.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon