Part 16

5.3K 175 17
                                    

"PASENSYA ka na Raven. Hindi ako pwede ngayon. Maaga kasi ako bukas sa opisina. Next time na lang." Niyayaya si Maggie ni Raven na makipagkita sa bar ng dating kaklase na si Hyun.

It's not a reunion. Pilit na paliwanag sa kanya ng kaibigan. Mukhang iniisip nitong hindi niya gusto ang ideya ng reunion. Hindi rin niya masisisi ang kaibigan. She hasn't attended any of the gatherings of her batchmates ever since their high school graduation. And it's not because she doesn't want to. Busy lang talaga siya sa trabaho.

Nang makumbisi na ang kaibigan ay binaba niya ang cellphone at saka ibinalik ang tuon sa laptop. Isang damukal na papeles ng mga kumpanya ang tinatrabaho niya. Dinala niya ang mga iyon mula sa opisina upang madali niyang matapos.

"Magkape ka muna, anak." Inilapag ng ina sa kanyang study table ang isang tasa ng kape na nakapatong sa isang platito. Lumapit din ito sa kanya at hinilot nang bahagya ang balikat niya.

She closed her eyes for awhile as she felt the comfort her mother's hands are giving her.

"Kailangan mo ba talagang iuwi dito iyang mga trabaho mo, anak? Hindi ka na nagpapahinga, ah."

"Pero Ma..."

"Oo na. Alam ko naman na kailangang matapos ang mga iyan. Ang akin lang ay magpahinga ka naman kahit sandali. Matulog nang maaga at magbakasyon din. Wala pa akong naaalalang bakasyon mo simula nang magtrabaho ka sa lawfirm."

Her mom was right. Simula noong tumuntong siya sa law school at naging working student ay hindi siya kailanman humingi ng bakasyon mula sa boss niya. And she never realized it until her mom mentioned it now.

"Magbabakasyon po ako. Pero hindi ngayon."

"Eh kahit naman mga imbitasyon ng mga kaibigan mo ay hinihindian mo."

"Mama..."

"Oo na." Binitiwan ng kanyang ina ang balikat niya at saka humalik sa kanyang pisngi. "Gusto ko lang naman na magsaya ka kahit konti. Hindi ka magiging bata palagi. I-enjoy mo naman ang pagiging dalaga mo."

Tumango na lamang siya sa mga salita ng ina. Alam naman niya na tama ito pero hindi pa rin niya magawang sundin ang matagal na nitong payo sa kanya. She felt like it's too early to relax. It's just two years since her dad was released from jail. There's so much more to do.

"Mag-midnight snack ka na din. Mahirap magtrabaho nang hindi kumakain." Her mom told her before leaving her room. Napatingin siya tuloy sa dala nitong kape. Hindi niya kasi halos napansin ang piraso ng butsi na kasama pala noon.

She sighed as she recalled the memory that goes with the food. Ang pagkakaibigang nabuo dahil sa pagkaing iyon. Ang taong pinilit niyang baguhin para sa pansariling interes.

Jason James Montoya.

Biglang sumama ang sikmura niya tuwing naaalala ang lalaki. He was the fearless guy who bullies the poor students of their old high school. He was the troublemaker. He was her failed mission.

And he was your first kiss and first love, Maggie. Ang una at huli.

Noong araw ng foundation day na iyon ang huling pagkakataon na nakita niya si JJ. She wanted to talk to him to clear things up pero hindi na ito kailanman pumasok sa paaralan muli. Ang narinig niyang kwento mula sa mga barkada nito ay pumunta na raw ng ibang bansa si JJ at doon na mag-aaral.

She tried making a letter for him, explaining her side. Telling him that she didn't want to deceive him and that she has feelings for him as well. Pero wala ni isa sa mga kabarkada nito ang tumanggap ng sulat na iyon. Wala daw kasi silang alam kung paano maipapadala iyon kay JJ. They were also clueless about where he is. All they know is that he went abroad and won't be coming home anytime soon.

Mas lalo pa siyang nalungkot dahil hindi naigawad sa kanya ang scholarship na inaasam. Ayon sa prinicipal nila ay ipinagtanggol siya nito sa mga board of trustee. Pero ayon sa mga iyon ay hindi raw talaga kaaya-aya ang bigyan ang isang tulad niya ng scholarship gayong nakita ng buong studentry ang halikan nila ni JJ. It was considered a grave offense and doon pa lang daw ay awtomatiko nang burado ang pangalan niya sa nominees.

It was one of the most depressing moments of her teenage life.

She shook her head trying to brush off the sad feeling that comes with such memory. Kung maaari ay ayaw na niyang alalahanin ang pangyayaring iyon. Besides it was a long time ago. There is nothing to reminisce about it.

She's successful now. Iyon ang mahalaga.

Naputol ang kanyang pag-iisip nang biglang tumunog na naman ang cellphone niya. Medyo nagulat pa siya nang malamang ang boss ang tumatawag. Ano kaya ang sadya nito nang ala una ng madaling araw?

"Yes, Sir? Bakit po kayo napatawag?"

"Emergency lang, Maggie. One of our important clients has been arrested. Pwede mo bang asikasuhin muna iyon?"

"Sure, Sir. Just tell me which police station and I'll get there rightaway."

"YES boss. Kararating ko pa lang po." Nagmamadali siya sa paglalakad papasok ng police station. Her left hand holding firmly her satchel and the right, her cellphone.

Just as she touched the glass door an image of a man came into view. Tinitigan niyang mabuti ang mukha ng lalaki. He looks exactly like the man who's been sidetracking her thoughts just awhile ago.

Agad nag-init ang pisngi niya at rumagasa ang kaba sa kanyang dibdib. In a very long time, hindi niya naramdaman ang emosyon na iyon.

Tama nga ba talaga ang nakikita niya o namamalikmata lang siya?

"Hello, Maggie? Are you still there? Hello?"

"Y-Yes, boss. I'm listening."

"Akala ko nawala ka na. By the way, our client is the co-owner of Vittorio Wine and Spirits Company. His name is Jason James Montoya."

Jason James Montoya. So hindi pala siya nagha-hallucinate. It was indeed JJ.

"Just help him get out of there, Maggie."

Get him out? But why does it feel like she's the one who wants to get out of this place now?

"Maggie?"

"Y-Yes, boss. I'll take care of this."

Bakit ba sa dinami-dami na pwedeng maging kliyente ng lawfirm nila ay si JJ pa ang napunta sa kanya? What the hell is wrong with fate? Baka may mali na sa sistema nito!

Pero wala na siyang magagawa pa. Mahalaga ang trabaho niya kaya titiisin na lang niya kahit ano pa man ang pagsubok sa kanya.

She clutched on her bag once more trying to find comfort as she held the door handle. Wala siyang dapat ikabahala. It was a long time and the past didn't matter. He's just a client who needs her service.

This is it. There's no turning back.

Huminga muna siya bago itinulak ang pintuan. Taliwas sa kanyang iniisip, wala ni isa sa mga tao roon ang nakapansin sa pagdating niya. JJ has been trash talking with another man while the police officers were between them trying to calm them down.

"Yes, Miss? Anong kailangan mo?" Tanong ng desk officer sa kanya na siyang pinakamalapit sa pinto.

Doon lamang natigil ang lahat at napatingin sa kanya.

"I am Atty. Margarita Madriaga and I am here for my client, Jason James Montoya."

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ