Chapter 13

4.8K 146 1
                                    

"MONTOYA!" It was almost a scream. Pero okay lang sa kanya kahit magsitinginan ang ibang mga kaibigan nito na nakaupo sa labas ng Jail Booth.

Ang Jail Booth at Love Cuff ang mga napiling gimmick ng mga ito para sa Foundation Day.

Papalapit na siya nang agad siyang sinalubong ni Mikael. Tila mukhang nag-aalala ito. "Teka, Maggie. Pwedeng mamaya mo na kausapin si JJ? Bad mood eh."

"Bad mood? Pareho lang kami!" She slightly pushed Mikael to the side para lapitan si JJ. Nakaupo ito sa isang sulok at malayo ang tingin.

"Montoya! Nag-cutting class ba kayo para makapaglaro ng Dota at manalo ng pera?"

"Huwag muna tayong mag-usap, Maggie." His voice was serious. Pero mas seryoso siya. Kailangan nitong sagutin ang mga tanong niya.

"Hindi! Mag-uusap tayo. Ginawa mo ba 'yon para bayaran ang utang namin sa renta? Ha?"

It was a hunch. Pero may basehan siya sa pagdududa niyang iyon. Tumutugma ang biglang pagka-cutting class nito para manalo sa DOTA championships, ang biglaang pagkakaayos ng problema nila sa renta at ang mga sinasabi ni Pierre.

Inulit muli niya ang pagtatanong ngunit hindi pa rin ito sumagot. Bagkus tumayo ito at naglakad palayo sa kanya.

Pero hindi siya papayag na iiwas lang ito. She needed answers. And she needed them now.

Kaya bago pa man tuluyang makaalis ito ay hinapit niya ang braso nito.

"Sandali!" Pagkasabi ay hinila niya ito papasok ng Jail Booth at agad sinarado ang pinto noon.

The Jail Booth looked like a one-by-one meter cage with wood bars as walls. Lahat ng daraan ay makikita kung ano ang nangyayari sa loob.

She was too upset with JJ's refusal to tell the truth. At pakiramdam niya, iyon lamang ang lugar kung saan hindi makakatakas si JJ sa mga tanong niya.

Napasandal si JJ sa gilid habang ang mata nito ay iniiwasan siya.

"Ginawa mo ba talaga iyon?" Pilit niyang pinakalma ang boses niya.

He smirked. "Mukha bang gagawin ko ang tulad nun? Para kanino? Para sa'yo?"

"H'wag ka ngang sarkastiko. Bakit sinabi ni Pierre na ginawa mo iyon para sa akin?"

He looked down at her and suddenly she felt coldness in his eyes.

"Huh! Madaldal na Pierre... Sige! Aaminin ko. Ginawa ko iyon para sa'yo. Pero malapit ko nang pagsisihan iyon."

More than being grateful, mas naiinis siya rito. Mali kasi ang ginawa nitong pagka-cutting classes. At para sa kanya, mas mahalaga ang kapakanan nito kaysa sa ang pagnanais nitong maging superhero para tulungan siya.

"Hindi ko naman hiningi sa iyong gawin mo 'yon. I told you may plano na kami. Bakit kailangan mo pang makialam?"

"Dahil ayokong umuwi ka sa lugar kung saan kinukutya ka ng mga tao! Dahil kaibigan kita. Ako? Tinuring mo ba akong kaibigan, Maggie?"

"Oo naman! Kaya nga ako naiinis sa 'yo. Bilang magkaibigan ay hindi ka dapat naglihim sa akin ng tulad ng ginawa mo."

"Lihim?" Tumawa ito. "Alam na alam mo talaga ang salitang iyan ano?"

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Hindi na ikaw ang JJ na kaibigan ko."

"Kaibigan?" Mas lalo itong tumawa. "Tatanungin kita, Maggie. Bakit mo ba ako kinaibigan?"

"Dahil...dahil...teka! Kailangan ba ng rason para maging magkaibigan? Masama ba na naging magkaibigan tayo?"

"Bakit hindi mo ako sagutin ng diretso? We were good as enemies before. Bakit ka pa talaga lumapit sa akin?" He stepped closer to her. Dahil sa kaba ay napaatras naman siya. Pero nang maramdaman ang kahoy sa likod niya ay alam na niyang wala na siyang ligtas mula rito.

Inilayo niya ang mga mata bago nagsalita. "Ano bang gusto mong palabasin?"

"Bakit hindi ka makasagot ng diretso?"

"Bakit hindi mo na lang sabihin ang nasa utak mo?"

"Kahit minsan...itinuring mo ba talaga akong kaibigan?" His voice is shaky and his eyes are starting to wet.

"A-anong klaseng tanong 'yan. Oo, siyempre. Kaibigan kita."

"Sinungaling! Ayaw ko talaga ng mga taong sinisira ang tiwala ko." He turned around and laughed.

"Tinatanong mo ako, tapos hindi ka maniniwala?"

"Dahil sa simula pa lang, hindi ka na naging totoo sa akin."

Agad siyang kinabahan. Ito ang unang pagkakataon na nagalit nang ganoong si JJ.

"So anong katotohanan ba ang alam mo?"

"Ang totoo? Gusto mong malaman ang totoo?"

"Oo!"

"Ito ang totoo!"

Isang iglap lang ay lumapat na ang labi ni JJ sa mga labi niya.


SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon