Part 23

5.5K 241 16
                                    

"AND now you're planning to buy a fitness gym?" Sarkastiko niyang tanong kay JJ. Huminto kasi ang sasakyan nito sa isang fitness center.

"Sumunod ka na lang." Sagot nito habang naglalakad papasok sa establisyemento.

Wala siyang magawa kung hindi ay sundan ito.

And when he grabbed a pair of boxing gloves doon lang niya naintindihan ang plano nito.

"Seryoso ka?"

Matagal nang panahong hindi siya nakapag-ensayo. Sa pagkakaalala niya ay nasa Mapayapa pa lang siya nang huli siyang tumapak sa isang gym.

"Mukha ba akong nagbibiro? C'mon, hawakan mo ang punching bag para sa akin."

"Pero hindi na ito sakop ng trabaho ko!"

"Ang iba nga diyan ay binibilhan pa ng kung anu-ano ang mga kliyente nila. Ako, nagpapasama lang."

"And you call this my expertise?"

"Is it not? Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nagturo sa akin nito."

Hindi na siya nakasagot dahil hinila na siya nito patungo sa isang nakasabit na punching bag.

"Just hold it."

Wala siyang magawa kung hindi ay sumunod rito. She was trying to remember how to do it properly as he starts to throw puches.

And just as she's remembering things, nagsalita muli ito. "Hawakan mong mabuti, ha? I'm going harder."

"W-what? Wait!"

Pero huli na dahil nagpaulan na ng suntok si JJ. Mabuti na lang at nagawa niyang hawakan nang mabuti ang punching bag. Ilang minuto din ang itinagal noon bago ito tumigil.

Kumuha ito ng inumin mula sa refrigerator ng gym at binigyan siya ng isa.

"Cape Buffalo?" Natatawa niyang tanong. Iyon kasi ang energy drink ng pag-aari ni Pierre.

"Bakit? Natatakot kang 'pag ininom mo 'yan ay magiging madaldal ka na rin tulad ni Pierre?"

She can't help but laugh at his joke. "Bilang lawyer, sanay na ako sa pagiging masalita."

"Pero magkaiba ang madal-dal sa masalita. Ang madal-dal, nagsasabi ng totoo." Pagkatapos ay lumagok ito mula sa hawak nitong Cape Buffalo.

Napatingin tuloy siya sa hawak hawak na parehong inumin. "You're really not drinking it, are you?"

"H-hindi ako nauuhaw. Okay lang ako."

Isang makahulugang ngiti ang sumilay sa labi ni JJ.

"Don't smile like that."

"Like what?"

"Like that."

"What?"

"Bahala ka na nga."

Tumawa ito nang malakas. "You're still the same Maggie I met years ago. Ma-pride, masungit at mataray."

She smirked. "I don't think those either of words is a compliment."

"You're right! Hindi nga compliment 'yon. Pasensya ka na ha? Nakainom kasi ako ng energy drink ni Pierre." Pagkasabi ay tumawa muli ito.

He was joking with her. It felt like they've been returned to their high school days kung saan ay malaya silang nakakapagbiruan. And she love the feeling.

"Oo na. Ako na si ma-pride, masungit at mataray. At least, hindi ako si basagulero."

Pero mukhang hindi naman apektado si JJ dahil tumawa muli ito.

"Inaamin ko rin. Ako na si basagulero. Pero ikaw din naman si Miss Paasa."

Napamaang siya sa huling sinabi nito. Siya nga ba si...Miss Paasa?

"JJ...about that."

Umiling si JJ. "Hey! What's with the face? It was a long time ago. At siyempre noon isa lang akong batang naghahanap ng nag-aalala para sa akin. Kahit misyon mo lang pa lang gawin akong mabait, naramdaman ko rin naman na kaibigan talaga ang turing mo sa akin. Kaya sorry sa paratang ko sa'yo noon na user ka. Emosyonal lang ako nang mga oras na iyon. It really didn't matter now. Got me?"

Those words should have been comfort to her. Ibig sabihin kasi ni JJ na pinatawad na siya nito sa nagawa niya noon. Pero bakit parang tinulos ang puso niya?

It means his confession ten years ago then was not true. He just mistakenly thought he's in love with you because you were a good friend. Hindi ka talaga niya minahal noon.

She held her breath to stop the tears from forming. Nag-iinit kasi ang mga mata niya habang tinatanggap ang katotohanang iyon. She believed in something that was just a lie.

Napatingin siyang muli sa hawak na energy drink. Hell yeah, the drink works like magic. Lumabas kasi mula sa bibig ni JJ ang katotohanan.

"But I'm really glad I saw you again, Maggie. Ikaw? Masaya ka bang nagkita tayong muli?"

She smiled at him. "Oo naman! Masaya akong magiging magkaibigan ulit tayo."

I didn't drink it, JJ. So I'm allowed to lie, right?

UPDATED na siya! Mas masaya kapag may pa-VOTE at COMMENT din diyan mga sis and pre. Hehehe. Labyu ol.
ps. Ang magkocomment gaganda at gagwapo. Hihihi!

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon