Chapter 2

7.8K 189 1
                                    

"IKAW lang ang estudyanteng nakita kong sinunod ni JJ, Maggie. This might work."

Kanina pa siya nababagabag sa naisip na plano ng principal nila na si Mrs. Hortiza.

"Pero Ma'am, baka po magalit sa akin si Montoya, este JJ pala. You know him. He doesn't like people near him. Except kung pinahihintulutan niya."

The forty year old principal wanted her to be friends with Jason James Montoya hoping she could influence him to go to the 'good side'. Duda siyang magwo-work ang gusto nito.Una, dahil babae siya. Puro kasi mga lalaki ang tropa noon. And secondly, he hates her and she's sure of that.

"Mainit po ang dugo sa akin noon. Ilang beses ko na po kasi siyang napagsabihan dahil sa ugali nitong magaspang. At mukhang nagtitimpi lang sa akin 'yon dahil student body president po ako."

"This isn't just me asking you pero para ito sa buong school. Just imagine kung mapapabago mo siya. The students won't be scared of him anymore. Harmony. Isn't it what we were hoping to achieve?"

Nababahala na siya. It seems like the principal is certain to send her on a mission.

"Ma'am, bakit hindi na lang po natin siya ipakausap kay Ma'amCipriano?" Ang tinutukoy niya ay ang Guidance Counsellor ng paaralan.

"She tried it so many times, Maggie. Ayaw makinig."

"Eh kayo po? Siguro naman po ay——"

"Stakeholder ang magulang ni Jason James sa school natin, Maggie. Iyan ang unang rason kung bakit hindi iyon natatakot gumawa ng violations sa school rules."

Natahimik siya sa nalaman. Kaya pala ganoon na lang ang pangingiming mga teachers pati na rin ang principal sa pakikitungo kay JJ.

Pero hindi ba't kahit sino ay dapat sumunod sa rules ng school? Maski anak pa ng president ng Pilipinas? Pero paano ba niya isasatinig ang mga salitang iyon? It's the principal she's talking to.

"Mukhang mahirap po talaga ang gusto niyo."

"Maggie. Listen. We can't just kick him out. Kaya ang best option natin is to help him change. May chance naman ang lahat na magbago diba? And I know your skills. You are people person. You might be the key."

Hindi siya makasagot. Hindi kasi talaga niya lubos maisip kung paano niya tatanggihan ang punong-guro. She has enough responsibilities to worry. Ayaw na niyang magdagdag pa ng poproblemahin.

Huminga siya nang malalim. She has to say the truth para hindi na umasa pa ito. "Pasensya na po Ma'am pero——"

"Tell me what you wantMaggie. I'll try to fulfill it." Hindi siya pinatapos ng principal. It was more of a beg. Desidio talaga itong papapayagin siya.

"Pero Ma'am——"

"Full college scholarship? I can try to pull some strings. The school board gives one to the student who has given excellent service for the students and the school. I can ask them to consider you. Scholarship din ang dahilan kung bakit ka nakapasok dito sa private school. Hindi ba?"

It was true. At hindi niya ikinakaila iyon. Nang maging valedictorian siya sa elementarya ay nagkaroon siya ng full scholarship kaya malaya siyang nakapasok kahit sa private school. Nag-aral siya nang mabuti noon sa elemetarya kaya niya nakuha iyon. At iyon din ang ginagawa niya ngayon para makuha din niya ang pinakamataas na marka at maging valedictorian muli.

But the case is different now.

May mga classmates siyang magagaling din sa klase. There's a big chance she won't make it.

Mukhang alam na alam ng principal kung paano siya mapapa-oo.

"Paano kung hindi ako magtagumpay, Ma'am? Hindi ko rin makukuha ang scholarship?"

Kaunting-kunti na lang at mapapapayag na siya nito. She has been thinking about having another scholarship to help her mom ease the burden of sending her to school. Dahil single parent ang nanay niya at may nakababatang kapatid pa siyang na nag-aaral din ay malaking ginhawa na ang magkaroon siya ng scholarship.

And honestly, this is a really good chance for her to have one.

"I was really thinking of putting forward your name. You have done a lot for the students but there are others who deserve the scholarship too. Pero kung magagawa mo ito, I can assure you the spot."

Alam niyang may kapasidad ang punong guro na mangyari iyon dahil malapit ito sa board of trustees.

Fine...Para kay Mama.

"Ang importante ay sinubukan naman natin di po ba, Ma'am?"

"Of course! And I take that as a 'yes'?"

"Susubukan ko po."

Sana nga lang ay hindi mainis nang todo si Montoya sa kanya. But she really won't mind. A scholarship is more important.

"NAKU naman Linda. Magdadalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta. Siyempre ay maniningil na talaga ako."

Nasa kanto pa lang siya ay dinig na niya ang boses ng may-ari ng nirerentahan nilang bahay na si Aling Mimi. Masyado talaga itong strikto sa pagsingil ng renta. Ang masama pa ay masyadong malakas ang boses nito na tila naririnig na ng buong barangay.

Agad niyang sinaklolohan ang ina na alam niyang nahihiya na sa lakas ng boses ng kasera. "Aling Mimi, pwede naman po sigurong sa loob tayo ng bahay mag-usap. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

"Naku, huwag na at aalis na ako. Alam niyo naman siguro ang patakaran ko. Hanggang katapusan na lang kayo rito kapag hindi kayo nagbayad." Hindi na hinintay ng matanda ang sagot nila at agad na itong sumakay ng traysikel.

Agad niyang hinila ang ina papasok ng bahay. Pinagtitinginan pa rin kasi sila ng mga kapitbahaya at ayaw niyang mas lalong mapahiya pa ang ina.

"Huwag kang mag-alala anak. Pag nabayaran ako sa tinahi kong gown ay makakabayad na tayo ng isang buwanang renta. Papayag din iyong si Aling Mimi kahit isang buwan lang."

"Grabe naman kasi 'yang si Aling Mimi. Walang awa. Di bale Ma. Kapag ako nakapagtapos ng kolehiyo, hinding hindi ko na kayo pagtatrabahuhin." She tried to sound cheerful to, at least, soothe her mother's burden. Alam niyang masyado na itong maraming problema sa pera.

Ngumiti ang ina at agad siyang niyakap. Unti-unti ay naririnig niya ang paghikbi nito. Agad siyang kumawala sa yakap nito at tiningnan ang mukha nito. "Ma. Umiiyak kayo?"

Agad itong nagpunas ng mukha. "Ah. Hindi. Napuwing lang ako."

"Ma, lumang palusot na ho 'yan. Okay lang po ang medyo umiyak. Pero lagi niyo pong isipin na ngayon lang tayo maghihirap nang ganito. Sa susunod ay makakaahon din tayo. Pangako ko 'yan sa inyo."

"Pero anak. Ni pangrenta nga natin ay hindi halos natin mabayaran. Paano pa kita mapag-aaral ng kolehiyo?" Nagpahid muli ito ng luha. "Kung bakit ba naman kasi yang tatay mo..."

"Shhh...tama na po Ma. Nahihirapan din po si Papa ngayon. At saka tungkol sa kolehiyo may..." Hindi niya maipagpatuloy ang nasa isip dahil hindi pa naman siya sigurado kung mapagtatagumpayan niyang mabago si Montoya.

But at least mapasaya mo ang Mama mo ngayon.

"May ano, anak?"

She breathed deeply. "Posible po akong mabigyan ng full scholarship sa college. Para daw po sa mga maraming naitulong sa school. Hindi ba po't marami akong extracurricular activities? Binibilang po pala nila lahat ng 'yon."

"Talaga?" Hindi maitago ng ina ang saya sa boses nito. "Sana nga ay makuha mo ang scholarship, anak!"

"Gagawin ko po lahat Ma. Sana ay ipagdasal niyo rin po ako."

Talagang kailangan niya ng dasal. Mahirap kausap si Montoya. Kakailanganin niya ng awa ng Diyos bukod sa talent niyang makipag-usap sa mga tao. Pero kahit gaano pa man kahirap ng gagawin niya mas naging pursigido pa siya. This isn't for herself anymore. Para na ito sa pamilya niya. At kapag ang pamilya na ang pinag-uusapan, kahit si Montoya ay hindi magiging hadlang sa kanya.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon