Chapter 6

5.3K 150 4
                                    


"YES!" Malakas na boses ni Nikkola habang pumapasok sa classroom nila ni Maggie. Breaktime nila noon kaya wala pang guro.

Pansin na pansin niya ang masayang aura ng kaibigan habang lumalapit sa upuan nila ni Raven.

"Masaya ka yata?" Tanong niya rito.

"Bakit hindi ako sasaya? Eh sinasabon ngayon sa opisina ng principal ang grupo nina Top." Nakangisi pa ring sagot ni Nikkola.

Biglang sumama ang loob niya nang marinig ang balita na iyon ni Nikkola. Top's group includes JJ. Sigurado siyang napa-trouble na naman ang mga ito.

Inaamin niya. Kahit papano ay may concern na rin siya kay JJ. Malamang ay dahil sa ipinakita nitong kabaitan sa kanya kahapon. Bukod sa nilibre siya nito ng butsi ay inihatid din siya sa bahay nila.

At ngayon ay balisa na siya dahil gusto na niyang malaman kung ano na naman ang ginawa ng mga ito.

Pagkatapos ng klase ay agad niyang pinuntahan ang classroom ni JJ ngunit wala ito roon. Maaari kayang hindi pa rin ito pinapakawalan ng principal?

Naku! Kung irreversible na talaga ang damage na ginawa nito ay baka maunsyami na talaga ang chance niya para magka-scholarship pa.

Nang marating ang principal's office ay napansin niyang wala nang tao roon.

Aalis na lang sana siya nang may marinig siyang nagsalita. Pero dahil wala nang tao sa principal's office, sigurado siyang sa meeting room galing ang boses na iyon dahil magkatabi lamang ang dalawang silid.

She slowly leaned in to eavesdrop. Ilang segundo lang ay nabosesan agad niya kung sino ang nagsasalita. It was JJ and he's with someone he called 'Papa'.

"Ba't ba kayo nagpunta rito? Himala naman yata ang bigla ninyong pag-aalala sa akin."

Kahit hindi niya nakikita ang mukha ni JJ ay nararamdaman niya ang hinanakit sa boses nito.

"Pumunta ako dito para kumustahin ka. Madalas ka raw nakikipag-away at lumiliban sa klase. Anak, alam kong galit ka sa akin pero huwag mong idamay ang pag-aaral mo. Ayokong pagsisihan mo iyan sa huli."

JJ was indeed with his father atnagtatalo ang dalawang ito.

"Ang galing niyo namang magbigay ng payo. Sana ay mapayuhan niyo rin ang sarili niyo."

"Anak, makinig ka——"

"Huwag po kayong umastang nag-aalala. Hindi po bagay sa inyo."

"JJ! Sumusobra ka na!"

"Kayo po ang sumusobra! Mas inuna pa niyo ang negosyo niyo kaysa kay Mama na nakaratay noon sa ospital. Namatay si Mama nang wala kayo sa tabi namin. Kaya huwag kayong magtaka kung bakit ako galit sa inyo!"

Tatakbo na sana siya nang marinig ang mga yabag palabas ng opisina pero huli na dahil nakita na siya ni JJ.

Agad siyang nagkunwaring nagbabasa ng bulletin board at patay malisyang hindi lumingon dito.

"Kung may lalabas na kwento tungkol sa akin, ikaw ang sisisihin ko." Mula sa likuran niya ay nagsalita ito.

Pero desidido parin siyang umarteng walang narinig. Ayaw niyang magkaroon pa ito ng rason na magalit sa kanya. "Teka, ano bang sinasabi mo?"

He moved closer to her with a serious expression. "Alam mo bang galit ako sa mga sinungaling na tao?"

Bigla siyang napalunok. Pakiramdam niya ay nasa dulo na siya ng bangin at ilang hakbang na lang ay mahuhulog na siya.

"S-sorry, JJ. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan niyo ng papa mo. Sinundan kita para kausapin. Hindi ko naman alam na ganito ang maabutan ko."

After hearing her, his expression quite calmed. "Kailan mo ba ako lulubayan? Hindi ko talaga gusto ang sinusundan ako."

Sasagot sana siya nang makitang lumabas mula sa opisina ang isang lalaki. Dahil magkamukha ang dalawa ay natitiyak siyang iyon ang ama ni JJ.

"Let's talk JJ." Sabi pa niyon.

Pero matigas talaga si JJ at kaagad naglakad palabas ng building.

"Magandang hapon po." Bati niya sa ama ni JJ bago patakbong sundan ang galit na binata.

In the back of her mind she knew JJ needed a friend to talk to. At hindi niya sasayangin ang pagkakataon iyon.

Marahil dahil sa haba ng legs niJJ ay ilang metro na agad ang layo nito sa kanya. Pero pinilit pa rin niyang takbuhin ang distansyang iyon.

"JJ! Sandali!"

"Ang kulit mo rin ano? Wala ako sa mood kaya kung ayaw mong madamay huwag kang makulit."

"I know a place for us to talk about this."

Tumigil ito at hinarap siya. "May gusto ka ba sa akin, Maggie? Enjoy na enjoy ka kasing sundan ako."

Tila natunaw siya sa dami ng taong lumingon sa direksyon nila. Lahat yata ng mga estudyante ng school ay nandoon na rin sa gate dahil uwian na. At lahat ng mga iyon ay siguradong naniniwala sa sinabi ni JJ.

"Pwede ba! Huwag mo akong hiyain sa maraming tao? May reputasyon akong iniingatan!"

"Kaya pabayaan mo na lang ako."

"Promise last na 'to. Hindi na ako mangungulit. I just want to help you today. Hindi masamang makipag-usap sa isang kaibigan."

He smirked. "And now, were friends?"

"Just for one hour. After that, hindi na kita kukulitin." Tiningnan siya ng seryoso ni JJ na tila nag-iisip malalim.

"Fine. Tayo na." 

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon