Part 19

5K 145 0
                                    

Who is this woman?!

She suddenly felt annoyed as she saw JJ calming the woman. Nang tingan muli ang babae ay doon lang niya naalala na ito ang babaeng kasabay niya sa elevator.

The classic gorgeous woman awhile ago! At ano naman ang ginagawa nito sa mga braso ni JJ?

Hindi kaya...

"Wait, Rea. I want you to meet Maggie."

"H-ha?" Tila nalilito pang sagot ng babae. Nang lingunin siya nito ay doon lang ito naintindihan ang sinabi ni JJ. "Ow! Hindi ko alam na may kausap pala si JJ. I'm sorry. By the way, I'm Rea Karen Rivera. JJ's friend."

Friend? Talaga lang ha?

Inabot niya ang nakalahad na kamay ng babae habang sinisipat muli ang hitsura nito. "Hello, I'm Attorney Margarita Madriaga. Nice meeting you."

Tsk! Mukhang wala talaga siyang panama sa hitsura nito.

Bakit nakikipag-compete ka ba sa kanya? Siguro naman ay mas matalino ka diyan, Maggie. Don't worry!

Maski siya ay hindi alam kung bakit kino-console niya ang sarili. Wala naman siya dapat ika-insecure dito.

"Maggie? As in the Maggie?" Namilog ang mga mata nito na tila nagulat.

"Yes, Rea. She's Attorney Maggie. The one I told you that will handle our acquisition with Red Cellars."

"Ah! Yeah right! Hi, Attorney. It's really really nice to meet you." Muli nitong ginagap ang kamay niya. "Pero pwede bang hiramin sandali si JJ? Please? Kailangan ko lang talaga siyang makausap."

Just as she nodded, biglang hinila ni Rea si JJ sa kabilang bahagi ng opisina. Kahit pilit man niyang pakinggan ang usapan ng mga ito ay wala siyang marinig. Tanging ang mga pisil ni JJ sa balikat ni Rea ang nakikita niya. Ilang sandali pa ay niyakap muli ni JJ ang babae. At dahil doon ay muling sumama ang sikmura niya.

Eh ano naman kung 'close' masyado ang dalawa? Naiinggit ka yata Maggie?

She wanted to kick herself for even thinking that way. Sa totoo lang ay wala naman talaga siyang pakialam kahit higit pa sa pagiging friends ang relasyon ng dalawa. She's just there as a corporate legal advisor. Wala nang iba.

Makaalis na nga!

Tumayo na siya upang magpaalam na sana sa dalawa nang naunahan siya ni JJ.

"Where are you going?"

"I better leave. May ibang commitments pa ako."

"It's almost 12. Mag-lunch muna tayo."

"Sige na, Maggie. Sabay na tayo kumain." Si Rea naman ang nag-aya.

Umiling siya. "No. I'm fine. Kumain kasi ako bago ako nagpunta rito. I think I'm skipping lunch."

"You should eat." Matigas na sabi JJ na ikinagulat niya nang bahagya.

"I'm fine, really." Kinuha niya ang folder at isinilid iyon sa bag niya. "I should get going. Mr. Montoya, Rea."

Isang tango lang ang sagot ni JJ. Si Rea naman ay ngumiti bago nagsalita. "Nice meeting you, Attorney."

"Nice meeting you too."

Baka tamaan ka ng kidlat, Maggie. Sinungaling ka na ah!




"RAVEN! Thank God you're free for lunch." Kararating lang ni Maggie sa kotse at hindi niya talaga alam kung kanino siya maglalabas ng sama ng loob. Nang maisip ang kaibigan at nalamang libre ito ay labis ang tuwa niya. Isa pa ay nagugutom na rin naman talaga siya. Pero wala siyang planong sumabay sa dalawang nasa 26th floor dahil baka hindi lang siya matunawan.

Ba't ba ang bitter mo, Maggie?

Naiinis na siya sa sarili. Maski siya ay hindi kasi alam kung bakit. All she knew is she's happy to see JJ but when Rea came, her world turned upside down.

Nag-iisip pa rin siya hanggang nakarating sa restaurant na sinabi ni Raven kung saan sila magkikita. Pagkapasok pa lang ay nahagip na ng mata niya ang kinaroroonan ng kaibigan. Pero tila may malaking problema.

Raven isn't alone.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon