Chapter 5

6.3K 181 8
                                    


ITO ba ang alyansa?

Nakasakay mag-isa sa isang traysikel si Maggie habang sinusundan ang isa pang traysikel na lulan ang apat na lalaking miyembro ng grupo ni JJ. Ilang beses na niyang naririnig sa mga ito na importante umano ang mga lakad nito tuwing hapon.

Kaya hindi na siya makatiis. Heto na nga siya, sinundan niya ang grupo nito kahit mag-isa.

Alyansa pala ha?

She asked Nikkola and Raven to join her pero tumanggi ang mga ito. Raven has her taekwondo sparring practice while Nikkola has a meeting with her school paper team.

It was much better kung kasama niya ang mga kaibigan pero wala siyang magagawa. Kailangan niyang makapag-imbestiga na upang mas makagawa ng magandang plano.

Earlier, when she helped Montoya ay napansin niyang hindi siya binigyan nito nang problema sa buong araw. He didn't cut classes. He also didn't cause trouble with another student. Pakiramdam niya ay kung makikita lang nito na may nagmamalasakit dito, maliban sa mga kaibigan, ay malaki ang tsansang kakalma ito at hindi na magpapapansin pa.

She hopes her theory is right. Kung ganoon ay magkakaroon ng mas magandang outcome ang mga ginagawa niya.

Nang mapansing bumaba na ng traysikel sina Top ay bumaba na rin siya. She purposely had the tricycle stop a few meters away from JJ and company so she will not be noticed. Mahirap na baka makita siya ni Montoya.

Lumingon-lingon siya sa paligid at napansing nasa sentro na sila ng bayan nila. Ito ang lugar kung saan maraming iba't ibang establisyemento. May mga nagbebenta sa kalye ng iba't ibang pagkain na sadyang nakakagutom tingnan. Naroon pa ang kariton ng buko na pinakapaborito niya.

She sighed. Kung hindi lang siya nagkukumahog na makakuha ng impormasyon tungkol kina Montoya ay bibili na muna siya ng makakain. Kaya kahit labag sa kalooban ay ibinaling niya muli ang atensyon sa grupo ni JJ na pumapasok na pala sa isang internet café.

Internet café? Magre-research sila?

Hindi siya kumbinsido sa idea kaya nang makapasok na ang mga ito ay sumunod naman siya.

Pagkapasok pa lang ay halos mabingi na siya sa lakas ng hiyawan sa loob ng internet shop. At doon na lang niya na-realize na hindi lang ito internet shop kung hindi ay gaming café din. Agad niyang hinanap ang mga schoolmates at nakita niyang nakahilera ang mga ito sa isang bahagi at naglalaro ng computer game. Katapat nito ang ilang mga lalaki din na sa pagkakaintindi niya ay ang mga kalaban ng mga ito sa laro.

Megakill! Godlike! Holy Shit!

Tumataas ang balahibo niya sa mga naririnig na effects mula sa laro ng mga ito. And when she looks at them, she can't see anything else but seriousness written all over their faces.

Tsk! Akala ko may mapapala ako rito. Dota lang naman pala ang 'mahalagang' bagay na pinagkakaabalahan ng mga ito.

She felt disapointed. Akala niya ay may mapapala siya sa pagsunod sa mga ito. Just like other boys their age ay naglalaro din ang mga ito ng dota at walang surprising sa ideyang iyon. Isa pa, they didn't violate any rules for playing such games. Tapos na ang klase ng mga ito at malaya ang mga ito na gawin ang kahit anong gustuhin.

Pagkalabas ng shop ay nakita niya muli ang mga masasarap na paninda. Ngayon ay wala nang pumipigil sa kanya na makainom ng paborito niyang buko juice.

Nang makabili na ay hindi na agad niyang sinimsim ang masarap na inumin na iyon. Walang hinalong asukal o gatas sa buko juice kaya litaw na litaw ang masarap na lasa nito. She was still enjoying the drink when she saw another interesting food just across the café.

SWEET INTOXICATION: The Tale of Margarita (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon