PROLOGUE

293K 5.5K 3K
                                    


"Congratulations, Attorney Galvez." nakangiti kong tinanggap ang kamay ni Atty. Raegan Ignacio. Hindi ko siya kilala at wala akong ideya kung saang firm siya galing.


"Thank you, Attorney." Sagot ko at inilahad ang upoan sa kaniyang tabi dahil nakatayo lang siya. "Have a seat." Yaya ko at nakangiti naman siyang tumango. Mukhang mas bata siya kaysa sa akin at pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.


"What did I tell you? She's great, right?" Tanong ni Atty. Ismael Moreno. He's one of our managing partners here. May katandaan na siya pero magaling pa rin sa larangang kinabibilangan namin.


"Yes, I must say I am impressed." Sagot ni Raegan kaya nahihiyang ngumiti ako.


"Thank you, Attorney." Sabi ko ulit at tumingin sa glass table. Narito kami ngayon sa office ni Atty. Moreno. Ipinatawag niya ako pagkatapos ang trial kanina nang maipanalo ko ang kaso.


I thought he just did that to congratulate me, but when I came here, there's food and this new face Attorney I haven't met before.


"She's one of the highly skilled lawyers who knows how to make an evidence suppressed in court. That's what she did earlier. I am proud." Dagdag pa ni Atty. Moreno kaya lumawak ang ngiti ko. "She's scary in court, right?" Tanong pa nito. Naroon sila kanina sa final trial at nanood.


Tumaas ang isang kilay noong Raegan at ngumiti rin. "I think she's cool." sagot niya kaya napasinghap ako. Okay, too much compliment. Hindi ko na alam ang isasagot.


Pinilit ko nalang na ngumiti at ibaba ang baso ng alak. "Why did you call me, Attorney?" Diretsong tanong ko kaya humalakhak ang matanda.


"Typical Celine, you're always straight to the point." Sabi niya kaya nanatili akong nakatingin sa kaniya. "This.. atty Ignacio is gonna be one of our junior associates here. He's the nephew of Atty. Philip Ignacio, one of our of-counsel attorney. I'm sure you know him." Sabi niya, marahan naman akong tumango.


"I want you to train him well." Sabi niya kaya napataas ako ng isang kilay at tinignan si Raegan na nilalaro ang mga yelo ng alak niya.


Nang magbalik ako ng tingin sa matanda ay nakangiti pa rin siya. "Me?" Tinuro ko ang aking sarili, "I mean.. I'm still an associate Attorney." sabi ko.


Umiling naman siya at tinignan ako na parang nagsabi ako ng kasinungalingan. "But you're soon gonna be a partner in this firm, at ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa kaniya. C'mon, Atty. Galvez, I know you're capable of teaching him." Sabi pa niya kaya napabuntong hininga na lang ako, ayoko namang kontrahin pa ang matanda at baka ma stroke ito on the spot.


"I can just learn by myself, though. It's not like she's obligated to train me." Singit ni Raegan kaya kumunot ang noo ko. E managing partner na nga itong nagrerequest sa akin, hindi pa ba ako obligado no'n? And I also don't get why he needs to train under me. Hindi ba ito naging paralegal noon? Hindi ba ito naturuan sa law school? Lihim akong nagmura sa isip ko at ngumiti na lang.


"No, it's okay. I'm just a bit overwhelmed, I think. But I can guide you, of course." bawi ko at pekeng ngumiti. Ngumiti rin siya sa akin at mabilis na nagbunyi ang matanda. Tss.


Hindi na ako nagtagal doon at ipinaalam ko na ang sarili ko na may lalakarin pa dahil totoo naman.


"Uy, Attorney, congrats pala!" Nakasalubong ko ang isa sa mga kilala kong paralegal dito at nginitian.


"Thank you, Cai." sabi ko at diretsong naglakad palabas ng building. Pumunta ako sa parking, balak kong mag-grocery ngayon dahil paubos na ang stocks namin sa bagong apartment na tinutuluyan namin ngayon dito sa La Cuevas.


La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now