Sumakay ako sa kulay abong SUV na medyo luma na at una kong binili nang makaipon ako. Ito kasi ang talagang kailangan ko lalo pa't nagtatrabaho ako malayo sa bahay.


Wala pang walong buwan nang dumating kami rito. Nag-transfer lang ako rito sa LC Law Firm bilang isa sa mga associates nila mula sa Manila. Ito ang nag-iisang professional law corporation dito sa La Cuevas na binubuo ng mga batikang abogado mula sa Cebu.


Matapos ang apat na taon ay nagdesisyon akong lumuwas dito kasama ang nak ko. Matagal niya na kasi akong tinatanong tungkol sa ama niya, hindi ko naman maipagkait sa kaniya ang gusto niya, kaya ngayon ay naghahanap pa ako ng tamang tiyempo para kausapin si Loren.


I wonder how he is doing right now. I haven't heard any news about him. If he's married, or how he's doing these days. Hindi naman kasi napag-uusapan ang pribado niyang buhay tuwing nafi-feature ang pamilya nila sa mga magazines o balita. Hirap tuloy akong malaman kung itutuloy ko pa bang ipakilala si Cohen sa kaniya o hindi.


Knowing that I left him.. sana naman ay hindi siya galit sa akin. Hindi nga niya ako hinabol noon. At sa tuwing naiisip ko ang nangyari noon ay sumisikip pa rin ang dibdib ko sa hindi malamang kadahilanan.


Bumuntong hininga ako at itinigil ang kotse sa parking lot ng isang mall. Nagtungo ako sa grocery store doon at nagsimulang mamili nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Yana roon kaya napangiti ako at sinagot kaagad ang tawag.


[Ciao!] Masiglang bati niya, [So how did the trial go? Did you win? Of course you did! Tell me you did!] Sabi niya kaya mahina akong natawa.


"I did.. " sabi ko habang naglalagay ng mga biscuits and cereals sa cart. Iyong kliyente ko ay pinagbintangang pumatay sa isang malakas na humahabol sa politika. Napatunayang hindi siya guilty kaya masaya ako at nanalo kami.


Narinig ko ang tili ni Yana sa kabilang linya. [Oh my gosh! You haven't lose a trial before! I'm so proud of you!] Sabi niya pa. Parang hinaplos naman ang puso ko dahil doon.


Siya lang talaga ang naging matalik kong kaibigan simula pa noong graduating ako, mailap kasi ako sa ibang tao dahil subsob ako sa pag-aaral lalo pa't wala akong aasahan sa buhay kung hindi ang sarili ko.


"Thank you, how are you?" Tanong ko pabalik at nagsimulang maglakad patungo sa meat section.


[I am very fine, Celine.] Sagot niya, [Aries is taking care of me so you don't have to worry.] Dagdag pa niya kaya nakangiti akong tumango kahit hindi naman niya nakikita.


Mahaba pa ang naging pag-uusap namin hanggang sa matapos akong mag grocery at nagpaalam na akong magbabayad kaya pinatay ko na ang tawag. Nang matapos ay bumalik ako sa kotse at inilagay sa likod ang mga pinamili kong hindi naman ganoon karami.


Nagdrive ako papunta sa apartment kung nasaan ang anak ko at si Kyo na kapit bahay namin, he's a college student, siya ang nagbabantay kay Cohen tuwing wala ako at binabayaran ko naman siya para makatulong sa pag-aaral niya. Mabait siya at magalang kaya napalagay kaagad ang loob ko sakaniya nang unang araw palang namin dito.


Habang nagmamaneho ay tumunog na naman ang cellphone ko kaya inabot ko iyon at nakita ang pangalan ni Kyo.


"Oh, Kyo—"


[Ate! si Cohen! Diyos ko,] Bigla akong kinabahan nang marinig ang balisa niyang boses kasabay ang pangalan ng anak ko. Humigpit ang hawak ko sa manibela at kunot noong nagtanong.


"Kyo, ano'ng nangyari? nasaan si Cohen?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa pag-aalala, bigla naman akong napatingin sa rosaryong nakasabit sa rearview mirror.


La Cuevas #1: When The Star Falls (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon