Chapter 42: A Promise that Last Forever

931 19 0
                                    

Chapter 42: A Promise that Last Forever

Autumn's Point of View

Isang nakakabinging tili ang nakapagwala ng kabang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa salamin na nasa harap ko.

"Tita Mommy. Kalma lang po. Huwag po kayong kabahan este mag-hyperventilate." Natatarantang sabi sa kanya ni Cy.

I can't help but to laugh with their expression. Mukhang mas kinakabahan pa sila kaysa sa akin.

"How can't I? Hindi man lang mukhang kinakabahan si Autumn! Look, she's so quite and calm. She need to feel nervous and all!" Mas lalo akong natawa ng tumahimik si Mom. Bago pa kasi siya makatili ay bigla na lang pumasok si Dad na nagmamadali pagkatapos ay hinalikan sa lips si Mom. Sweet.

When I was just a kid, I wish that I could marry the man that really looks like my Dad. He loves my Mom very much, more than anyone in this world. Of course, he loves us, me and my sister Summer.

Akala ko dati ay hindi ko na makikita ang lalaking para sa akin. Because who would try to love the Queen of the Gangsters? Walang naglakas loob na may lumapit sa akin.

Kaya palagi kong sinasabi kay Mom and Dad dati na hindi ako magmamahal, na ang mamahalin ko lang ay ang pamilya ko at ang mga gang mates ko.

Pero lahat ng iyon ay nagbago nang magpanggap ako bilang isang nerd nang umuwi ako ng Pilipinas. Nakilala ko si Comet at binago niya ang pananaw ko tungkol sa pagmamahal.

Sinubok kami ng tadhana. Ilang beses akong nawala sa tabi niya. At muntik na talaga akong mawala sa piling niya nang mangyari ang aksidente na nagpabago ng tuluyan sa mga buhay namin.

Pero hindi Niya kami pinabayaan. Ginamit Niya si Mitsuo para mabalik ang mga alaalang nawala sa akin. Muntikan na akong sumuko, pero binigyan Niya ako ng lakas para matapos lahat ng mga problema namin.

"Mom, I'm okay. Kinakabahan ako, but I'm too happy to feel the nervousness within me. So just sit and relax." Sabi ko kay Mom habang tinitignan siya mula sa salamin sa harap ko.

"A-ang baby ko, ikakasal na. Summer! Pigilan mo ang kapatid mo! Hindi ito pwede! Hindi!" At umatungal na ng iyak si Mom. Napapailing na lang si Dad kay Mom habang natatawa na lang ang beautician na nag-aayos sa akin.

Yes, this is the most awaited day. Dahil ilang oras na lang ay ikakasal na kami ni Comet. Finally.

It's been half a year since the two gang has united. Maraming nangyari. Pagkatapos na pagkatapos ng pagsasama ng dalawang gang ay ang proposal ni Comet.

Hindi ko alam kung ano ang theme ng kasal namin. Dahil una, ang buong gang ang nag-ayos. Pati sina Ate Reese at Ate Narissa ay tumulong daw sabi ni Comet. At pangalawa, ang pinaasikaso lang sa akin ni Comet ay ang wedding gown ko. But I wouldn't mind, kahit ano pang theme ang piliin ni Comet ay ayos lang. As long as maikasal kami ay ayos lang.

"Done. Ang bongga mo talaga Ma'am Autumn. Siguradong magu-glue na ang paningin sayo ng groom mo. Dyosa! Pero mas dyosa pa rin ako! Pak na pak ang beauty ko." Hirit ni Rowi ang beautician ko na may literal na mahabang buhok. Na ang totoong pangalan ay...

"Hep hep. Huwag mo ng sabihin ang pangalan ko. Alam kong maganda ako. Kaya kapag sinabi mo pa ang pangalan ko ay madi-discover ako." Sabi pa niya. She's Rowilyn Fondra, na adik na adik sa asawa niyang si Justin na kamukhang-kamukha ni Justin Bieber, ang idol niya.

Yes. Siya rin ang naging beautician ng mga nagpakasal na. Ang bestfriend niyang si Ate Narrisa, si Ate Reese, then si Alaine and now, ako na.

Kinasal na sina Ate Reese at Kuya Ken two months pagkatapos ng naging kasal nina Kuya Kean at Ate Narrisa. Then after two months din, sumunod na ring nagpakasal sina Alaine at Trale.

The Heart of Love 🦋Where stories live. Discover now