Chapter 31: Empress Butterfly is Back!

931 21 1
                                    

Nuary's Note: Kapag nakapag-type ako ng maaga at matapos ko iyong ginagawa ko para sa school, baka makapag-update ako sa Wednesday and Sunday. Pero di pa sure. Sa ngayon, on the spot pa rin ako kung gumawa. Kaya sorry kung may mali sa grammar and spelling.

Thank you po sa lahat ng nag-a-add sa mga reading list nila. It's a huge achievement for me. Lalo na po at dumarami yung reads ng Empress Butterfly. Sana pati po itong book na ito ay suportahan niyo din.

- PixieNuary <3

***

Chapter 31: Empress Butterfly is Back!

Autumn's Point of View

"These boxes contains all your pictures when you're with us. Especially, with Emp. Si Allison yung kumuha ng mga yan. Stolen lahat yan. Kaya sabi ni Allison, libre na lang daw." Natatawang sabi ni Louie kaya nakatanggap siya ng mahinang batok mula kay Alice na nasa likod niya lang.

Ngiting-ngiti pa siya kanina habang ibinababa ni Louie ang dalawang maliliit na boxes pero nawala ang mga ngiting iyon dahil sa sinabi ng best friend niya.

"Are you really sure na okay ka na? I mean, I can keep those boxes again if you want if your not yet ready." Sabi ni Alice at umupo sa isang sofa. Pero sa huli ay humiga na siya habang yakap-yakap ang isang pillow.

I nodded while smiling at her.

"I'm fine now. I think, one week is too much for a rest. Handa na rin naman ako. And besides, sabi ng family Doctor namin na mabuti na lang at hindi ako nabigla sa pag-alala ng mga memories ko. Kapag hindi ko na kaya, titigil rin ako." Sabi ko para hindi na sila mag-alala pa sa akin.

"Basta tawagin mo lang kami kapag sumasakit na ang ulo mo ah?" Napatingin kami kay Sophia na nasa doorway ng kitchen. Ngumunguya siya habang hawak ang isang sandwich sa right hand.

"Yeah." I answered then smiled at her.

"Sa room lang ako ni Wynd." Sabi ko. Papasok na sana ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni JC.

"Comet. Call him Comet again. Narinig kong sabi ni Kuya Wynd dati kay Kuya Trale na mas comfortable siya kapag tinatawag mo siyang Comet." Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang ngiting-ngiti. Pero napanguso na lang siya nang hawakan ni Michael ang tenga niya.

"Anong sabi ni Emp sayong bata ka? Huwag kang makikinig sa usapan ng mga matatanda." He said as if he's the father of Jc. Napailing na lang ako.

"I will." Natatawa kong sabi. I opened the door of his room and deeply inhaled before moving forward and softly closed the door.

Umupo ako sa higaan niya. At ibinaba ang dalawang box sa paanan ko. Before I decided to open the first box, I laid on the bed and closed my eyes.

Ang tahimik. Sobrang tahimik. Bago ko pa maisipang matulog ay umupo na ulit ako at kinuha ang isang box tsaka binuksan.

I placed the box on my lap. Napangiti na lang ako dahil sa kulay. Half of the box was wrapped in green colored paper while the other half was blue.

Inside a box were two photo album. Maliit lang sila ng konti sa box. Pero yung mga kulay nila, parang kulay din ng box. Ganito na ba kami ka-adik sa ganitong kulay ni Wynd para pati photo album na ginawa ni Alice para sa amin ay ganoon din ang kulay?

I chuckled. Siguro nga. Because until now, I still love the colour blue.

The color of the vast and deep ocean. That is too scary to stared at. But deep down, it owns a beautiful and breathtaking scenery.

First page pa lang ng photo album ay ang stolen pictures na agad namin ni Wynd ang bumungad.

Sa unang picture ay pareho kaming nakatalikod. At nakaupo sa bench. Nakasuot siya ng black long sleeves and slacks. Habang ako naman ay nakasuot ng white long sleeves at ang skirt naming girls. Hindi ko suot ang coat ko dito sa picture.

The Heart of Love 🦋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon