Chapter 11: Tagaytay

951 21 2
                                    

Nuary's Note: For some reason, hindi ko alam kung bakit naging ganito hahaha. Bare with me please. Kahit na semester break ay pagod pa rin ako. Susubukan kong mag-ipon ng mga chapters. Thank you!

***

Chapter 11 - Tagaytay

Autumn’s Point of View

Pagkatapos naming kumain ni Wynd ay balik kami sa dati naming ayos. Parang walang nangyari dahil nagku-kwentuhan lang kami dito sa living room.

Hanggang sa tumahimik na lang kami. Wala kaming alam na gagawin namin. Hindi naman available ngayon sina Angelica at Damon kasi may pasok sila.

Speaking of school, hindi ko pa nakakausap sina Yukino, Cy, Brylle at Saturn. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa problema ko. Kung hindi nila ako tinulungan, paniguradong hindi na ako Nakashige ngayon.

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kina Mom and Dad, tsaka kay Lolo at Lola. Siguradong hinahanap na nila ako. Lalo na si Mitsuo. Alam kong kahit na nagalit siya sa akin noong huli kami nag-usap, alam kong hinahanap na niya ako ngayon.

“Let's go?” Eh? Pero bago pa ako makapagtanong ay hinila niya ako sa room ko. Pagkatapos ay humarap siya sa akin habang nasa magkabilang balikat ko ang mga kamay niya.

“Let's go somewhere. Pack some clothes, good for three days.” Dahil dress ang karamihan sa damit ko dito sa closet ay pumili na lang ako ng mga simple. Mga dress na pwedeng isuot kapag namamasyal. Nagdala din ako ng pair of pajamas and mga personal hygiene ko.

Doon ko lang naalala na days ago, si Tatay Fred ang nagdala ng mga damit ko dito sa bahay. Sabi ni Wynd ay galing daw kina Sophia. Hindi daw nila ito pwedeng direktang dalhin dito, dahil baka may nakasunod sa kanila.

After I packed my things, I knocked to the door of Wynd's room. Bukas ang pinto niya at bago niya pa maisara ng tuluyan ang luggage niya ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang isang cellphone. Kulay black ito at may keychain.

Nilibot ko ang paningin ko at napansin ko ang dalawang teddy bear na nasa kama niya. Agad pansin ang mga ito dahil kulay black ang bedsheets niya at white and brown naman ang mga stuff toys.

Mabilis kaming sumakay sa kotse, habang nasa village pa kami ay naka-open pa ang roof ng kotse niya. Pero nang nasa national highway na kami ay sinara na niya ito. Nag-iingat lang daw siya.

“You should sleep. Medyo malayo ang pupuntahan natin.” Nag-nod ako at pumikit.

I don't know where are we going. Maybe, somewhere refreshing? I don't know. I don't have any single idea. But the idea that Wynd will going to be with me somewhere far from my problems make me feel secured and not to be scared anymore.

With that idea of mine, I fell asleep, without any trace of doubt.

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Wynd. Lumingon kaagad ako sa side ko at nakita ko ang isang bahay. Pero nang makita ko ang mga bahay na sunod-sunod ay muntikan ko ng naisip na isa itong subdivision.

“Don't worry, we're safe here. This is our property and Allison was the one who got this idea.” Pinagbuksan ako ng pinto ni Wynd at doon ko lang talaga nakita ang kabuuan since nasa pinakagitna pala kami.

In front of us is a fountain. At may mga bahay na pare-pareho. It looks like a subdivision, pero anim lang ang bahay dito. Three on the left and three on the right side. Then may nga maliliit na bahay sa end and may playground tsaka garden sa likod ng fountain.

Pare-pareho man ang mga bahay ay iba ang color ng wall ng mga ito. But the colors blend with each other, hindi masakit sa mata ang blending ng mga ito.

The Heart of Love 🦋Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin