Chapter 7: Arranged Marriage

1.1K 31 2
                                    

Nuary's Note: Dito ko na talaga nilagay para mabasa niyo hahaha. I didn't update last Tuesday for a reason. Naging busy po ako kasi ang dami naming ginagawa at wala akong para hawakan ng matagal ang phone ko. And I can't let my self update, for the sake na may mai-update lang. Thank you for waiting!

***

Chapter 7 - Arranged Marriage

Autumn’s Point of View

I immediately hugged him tight when I finally saw him after months have pass. Tinawanan niya lang ako kaya hinampas ko siya ng mahina sa balikat niya.

“I miss you.” He said while smiling at me. I smiled at him.

“I miss you too.” I answered. He held my left hand and we walked towards them.

Habang papunta kami ng kotse ay nagku-kwentuhan lang ang mga boys at hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko. Na-meet na ni Mitsuo ang tatlo (I'm pertaining to Saturn, Brylle and Cy) though sa skype niya lang nakilala.

“How’s school, by the way?” Napangiwi na lang ako sa tanong niya, napapailing si Yuki at tumatawa naman sina Saturn, Brylle at Cy.

“Autumn?” Alanganin akong tumawa dahil kinakabahan ako sa klase ng tingin niya.

“She stayed at the detention room because she punched someone.” Napayuko ako nang tumalim ang tingin sa akin ni best friend. I can't help but to pout. Hindi ko naman kasalanan eh! Nagulat lang ako!

**Flashback**

Iniikot-ikot ko ang balikat ko habang pabalik ako ng room para kunin ang bag ko. Kaninang tumingin ako sa wall clock doon sa clinic ay six thirty na.

Pagkagising ko kanina daw four ay pinainom na daw nila ako ng pain reliver dahil sa sakit ng katawan ko at vitamins at yung isa pang gamot na nakalimutan ko ang pangalan.

Actually ay hindi ko matandaan na uminom ako ng gamot at nagising. Ganito naman ata ako kapag nagkakasakit? I don't know.

Napakunot ako nang noo nang makita ko ang room namin na bukas pa ang ilaw. Hindi ko makita kung may tao sa loob kasi nakasara yung mga sliding window at nakababa ang mga curtain na kulay black.

Natuloy siguro yung film viewing namin kanina para sa isang minor subject.

Pagkabukas ko nang room ay bumungad sa akin sina Michael at Louie na gumugulong sa sahig habang kinikiliti ang isa't-isa habang patuloy lang sa pagtawa.

Ang iba naman ay nanonood sa dalawa at tumatawa. Nandito silang lahat, including Wynd. Na kanina pa nakatingin sa direction ko nang buksan ko ang pinto.

“Hi Autumn! Are you okay now?” Sunod-sunod ang mga tanong nila. Kung hindi pa sila binawal nina Rain at Wynd ay mas lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa tinambakan na nila ako ng mga tanong nila.

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok. Pumunta muna ako ng ladies room nang wala pa ang prof namin.

Pagkabalik ko ay agad kong binuksan ang pinto at napatili na lang nang makita ko ang isa sa mga kaklase ko na may hawak ng kutsilyo habang may dugo pa ang uniform nito.

Sa sobrang bigla ko ay nasuntok ko siya. Kaya agad siyang napahiga sa floor at sakto namang pumasok ang prof namin.

Walang sabi-sabing binigyan ako ng pass ng prof namin. Patay, detention room.

**End of Flashback**

“Tapos nang makalabas ako ng detention room ay agad akong hinila ni Brylle papunta sa clinic. Nakita ko doon si Kyle na nakaupo habang may pasa sa pisngi. Sinabi niya sa akin na hindi naman niya gustong takutin ako.” Napatigil ako sa pag-e-explain nang biglang tumawa si Brylle.

The Heart of Love 🦋Where stories live. Discover now