Chapter 33: End this Game

864 18 0
                                    

Nuary's Note: Nag-iipon po ako ng chapter every time na wala akong pasok. Habang may spare time ako ay nagta-type po ako. Sorry kung once a week lang talaga ang update ko. Konti lang po kasi yung spare time ko dahil may iba pa kong ginagawa. Please bare with me.

And sorry po if hindi ako nakapag-update for the past two weeks because of some personal reason.

Thank you for reading! Here's the update.

***

Chapter 33: End this Game

Autumn's Point of View

Habang nakasakay ako sa motorbike ay nararamdaman ko ang pakiramdam noong pinagbawalan ako ni Mom sa pagsakay ng motorbike.

It feels so nostalgic and I can't hide the excitement within my heart. Marami pang nawawala sa akin. Pero hindi muna ito ang tamang panahon para isipin ang mga iyon.

Natsu and Reina needs our help. And we are here as their friends and gang mates to help them.

Habang tumatagal ang byahe ay mas lalong dumadami ang mga puno. Parang mas nagiging liblib ang lugar at konti na lang ang mga sasakyang dumadaan.

"Autumn." I blinked twice when Ate Reese called me using the wireless headset.

"Yes?" I answered.

"Be safe, okay? Your safety is our priority." She said. And when I glanced at her, I saw a small smile playing on her lips.

You're wrong Ate. My priority is to secure Natsu and Reina's safety. It's for their future anyway.

Sinabihan ako ni Kuya na sila ang unang papasok ni Ate. Isang taon daw akong walang nararanasang training at kahit na konti na lang ang nawawala sa alaala ko ay delikado pa rin daw ako.

Hinayaan ko na lang sila sa desisyon nila dahil una, tama sila. Baka ako lang ang magpahamak sa kanila kapag nagpumilit ako na sumama sa kanila sa loob.

Tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. But at some point, I felt a little disturbance when I heard the noise on the other side of the line.

Nalaman ko na lang na kusa nang kumikilos ang katawan ko. Tumakbo ako papasok ng parang abandonadong bahay. Pero pagkapasok ko ay nagulat na lang ako dahil mula sa labas ay mukha lang itong maliit at simpleng bahay. But looks can be deceiving.

Dahil panglito lang ang bahay. Sa likod ng bahay ay isang mapunong lote. Titigil na sana ako doon pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang isang bahay na mas malaki. If I'm not mistaken, nasa third floor ito.

Tagong-tago ito at ang exterior color ng mga walls ay kulay green at mukhang abandon na ito dahil may mga nakadikit ng mga buhay na damo at mukhang gumagapang pa ang mga ito paakyat ng bahay.

Habang naglalakad ako sa lota na halos damo lang ay may bigla akong naapakan. Pagkatingin ko sa paa ko para tignan ang naapakan ko ay nanlaki na lang ang mga mata ko.

I stepped on a nylon thread. And for some reason may mga nag-flash na mga memories sa isip ko. Parang nakapunta na ako dito. But there's this feeling na parang ayoko na ulit bumalik dito. Na kung wala lang dito sina Natsu at Reina ay hindi ko na mapupuntahan ang lugar na ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga paparating na mga kutsilyo sa akin. My body moved on it's own before I knew it. I immediately duck my head before the two knife can hit me.

Huminga ako ng malalim at bumuntong hininga. Itinapat ko ang kanan kong kamay sa tapat ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil sa takot o sa kaba, kung hindi dahil sa excitement.

The Heart of Love 🦋Kde žijí příběhy. Začni objevovat