Chapter 15: Last Day

841 24 4
                                    

Chapter 15 - Last Day

Louie's Point of View

Nakatitig na lang ako kay Emp at kay Autumn na parehong kausap si Mistress Devi. Parang kaibigan lang nila ang Mistress dahil comfortable na comfortable sila.

“So it means they are really married. And how come... Autumn's ring... it's... wow!” Hindi na ako makapag-isip ng maayos. I mean, parang kailan lang sila nagkakilala. Tapos ngayon kasal na sila?!

“Are you crazy? Of course they aren't married. It's just for show. Alam naman natin, lalong-lalo na si Emp kung gaano kadelikado ang pumasok dito ng walang title lalo na kung hindi ka gangster.” Rain whispered to me. Then he slightly tapped my shoulder.

Bigla ko tuloy naalala si Trale sa kanya. Siya kasi yung palaging nagpapintindi sa akin kapag nalilito ako. Tapos ita-tap niya ng mahina ang balikat ko. Kamusta na kaya ang artistang iyon sa Korea?

Instead of thinking about Trale, I started to observe the whole place.

Nasa audience floor ang mga Higher Ups. At lahat sila ay naka-attend. Sinundan ko ang direction na tinitignan nilang lahat.

Of course, sino pa ba?

Si Emp lang at si Autumn na ngayon sy nakikipagtawanan na kay Mistress Devi.

Bigla akong napayuko nang tumingin sa direction ko si Mistress Devi. Ay shet! I need to hide! Ayoko ng maulit yung nangyari dati.

Pero kapag nga naman tinamaan ka ng lintek, nakita niya ako at ngayon ay pinapalapit sa kanya. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagngisi nina Emp, Rain, Gabrielle at Michael.

Siguradong hanggang ngayon ay naaalala pa rin nila iyon. Putek! Five years ago pa iyon pero hanggang ngayon ay natatandaan pa rin nila tulad ng hindi ko pagkalimot, I mean hindi ko makalimutan!

“Louie! It's nice to see you again. Good thing ay nandito ka. Siguro naman ay hindi mo pa rin nakakalimutan yung pinag-usapan natin, five years ago right?” Ano nga bang madalas sabihin ng mga babae kapag hiyang-hiya na sila?

Right! Lupa! Lamunin mo na ako! Kahit ngayon lang, utang na loob! Shet! Ang baklang pakinggan.

“Autumn, sweetheart. I guess may nalalaman ka naman tungkol kay Louie, hindi ba?” Tumingin sa direction ko si Autumn kaya nag-nod ako sa kanya.

Confused and all but still, she nodded for my sake. Eh alam naman nating lahat na wala pa masyadong alam sa akin si Autumn eh! Kakakilala lang namin!

“May girlfriend na ba siya?” I felt my energy immediately left me when I heard that question.

“None, Miss.” Narinig ko na lang ang malakas na pagtawa ng mga kaibigan ko at ngayon ko lang gustong hindi makitang tumawa si Emp.

Bakas ang pagkalito sa mga mata ni Autumn habang nakatingin kay Emp na tumatawa pa rin. Pinanood ko kung paano nilapit ni Emp ang bibig niya sa tenga ni Autumn at ang pagbulong nito sa dahilan kung bakit sila tumatawa.

Autumn immediately place her left hand to her mouth. Mukha siyang guilty at nag-aalala habang nakatingin sa akin.

Nilagay niya ang kanan niyang kamay sa harap ng mukha niya. Naka-side ang kamay niya at nag-bow siya. Ibig sabihin ay nag-so-sorry.

Five years ago, I was only a high school student when I met Mistress Devi. Birthday niya rin noon at parang ganito lang ang set-up.

“Naomi!” At parang tulad lang ng dati ay may lumapit na babae.

Ang pagkakaiba niya lang noon ay hanggang shoulder lang ang haba ng kanyang buhok. Ngayon ay mahaba na ito at naglalaro ang kulot nitong buhok sa bewang niya.

The Heart of Love 🦋Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon