Chapter 28: The Tears of the Moon

767 20 1
                                    

Nuary’s Note: Salamat po sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa story ko. Sa lahat ng nag-a-add ng stories ko sa library and reading list. Hindi ko man kayo mabanggit isa-isa ay nagpapasalamat pa rin ako ng maraming-marami.

Bakit konti lang ang sweet moment nina Wynd and Summer sa Book 1 and 2? Well... (hehehe)

Thank you so much, Royalties!

Here it is!

***

Chapter 28: The Tears of the Moon

Third Person’s Point of View

“Stop!” Sigaw niya pero patuloy lang siya pagtawa kaya napatawa na rin si Wynd at tinigilan na niya ito.

Hinampas niya ito sa balikat na ikinatawa nito. Napansin ni Wynd ang pag-irap nito sa kanya, kaya hindi niya maiwasang mapangiti dahil parang bata itong nagtatampo.

Napatigil sila sa pagtatawanan ng may kumatok. Umupo siya ng maayos habang nanatiling nakahiga si Wynd at hawak ang kamay niya.

Bumukas ang pinto, pero walang pumapasok. Tatayo na sana siya para tignan kung sino ang nagbukas ng pinto nang sumilip si Alice at Louie.

Ang mga ulo lang nila ang nakapasok at nakatakip pa ang mga mata ni Alice sa mga kamay ni Louie.

“Best friend! Alisin mo na ang kamay mo. Wala akong makita eh.” Naka-pout na sabi ni Alice. Kaya agad namang inalis ni Louie ang nakatakip niyang kamay sa mga mata ng dalaga.

Ngumisi siya kay Louie na ikinaiwas naman ng tingin ng huli habang namumula ang tenga kaya napatawa siya na ikinatigil ni Alice.

Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Habang nakangiti naman si Wynd habang nakatingin kay Louie na nakatingin sa wall na parang may nakitang nakakainteresadong bagay doon.

Nagtataka naman si Alice dahil hindi niya alam kung anong pinagtatawanan niya at ni Wynd. Kaya tumingin siya kay Louie na mas lalong nakapagpakunot ng noo niya. Nakatitig kasi ito sa wall.

“Ready na daw yung miryenda natin sabi ni Michael and JC. Wait... Best friend, may problema ka ba sa wall?” Nagkakamot ulong tanong ni Alice pero umiling lang si Louie at tuloy-tuloy sa paglabas.

“Sundin ko lang ah.” Paalam ni Alice at nagtatakbo palabas ng room. Pero bago tuluyang umalis ay binuksan niya ulit ang pinto at ni-lock ito mula sa loob na naging dahilan kung bakit napailing na lang silang dalawa ni Wynd.

Kung pwede lang takpan ang mga mata ni Wynd baka kanina niya pa ginawa. Pero nasa kalagitnaan sila ng klase ni Prof Kean. Kaya baka palabasin sila nito.

“Mr. Dean, are you listening?” Napahilot siya ng sentido nang tawagin na ni Prof Kean ang pansin ni Wynd. Kanina pa kasi ito nakatitig sa kanya.

Kahit na madalas itong tumitig sa kanya ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mailang. Dahil parang alam ni Wynd kung ano ang iniisip niya. Kaya hindi siya nito nilulubayan ng tingin.

“Explain what is written on the board.” Utos ni Kean kaya tumayo si Wynd tsaka naglakad papunta sa board at nagsimulang i-explain ang nakasulat.

Actually, wala siya sa sarili niya dahil lumipad na palabas ng sliding window ang concentration niya dahil simula kaninang magsimula ang class nila kay Prof Kean ay nakatitig na sa kanya si Wynd.

“Miss Night.” Umupo siya ng maayos nang tawagin ang pangalan niya. Akala niya ay si Prof Kean ang tumawag sa kanya, pero si Wynd pala.

“What’s the Filipino word of Expensive Profit?” Seryosong tanong nito. She blinked twice. Hindi agad nag-loading ang isip niya sa sobrang bigla. Pero agad din nakabawi.

The Heart of Love 🦋Where stories live. Discover now