Bigla akong nakaramdam ng parang kiliti sa bulsa ko. Nag-vibrate pala ang phone ko. And I saw a text from Ran.

Ran
Where are you? Lalabas si Yas, magre-rest room ulit. Baka makita kayo ni Brian.

Nagreply kaagad ako dahil sa kaba.

Me
Pigilin mo! I am with Brian at nandito kami sa may pintuan. Pigilin mo si Yas, Ran!

Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin si Natalie. Kinakabahan na naman ako ngayon. What if she sees us? Tapos kausapin niya ako nang kaharap si Brian? Hindi ko alam ang idadahilan ko.

Ilang sandali ay nagreply na ulit si Ran.

Ran
Too late, Nat. Umalis na lang kayo dyan. Go hide somewhere.

Napakagat ako sa labi ko. Hindi pwedeng ako lang ang magtago at iwanan ko si Brian dito sa kung saang pwede siyang makita ni Yas. Baka kausapin kasi siya at magtanong tanong nang kung ano. At Brian, being my boyfriend, wala siyang isasagot kasi joke lang pala eh... hindi ko siya boyfriend.

Nilakasan ko ang loob ko para makapagsalita at kausapin siya. My golly!

"B-Brian." tawag ko muna. Tinignan niya ako, "Pwedeng samahan mo ako sa labas? Sa a-ano lang cafeteria?"

Narinig ko ang pagtawa niya, "Are you sure? Wala ka bang gagawing reaction paper mula sa performance?"

Umiling ako kahit meron talaga. Pwede ko naman iyong ipagawa kay Ran, nerd 'yong gwapong 'yun eh.

Nakita kong may tinatanaw si Brian bago niya ako lingunin, "Diba kaibigan mo yung Yasmine? Papunta siya rito, baka gusto mong sa kanya na lang‒"

Nanlaki ang mata ko, at bago pa niya maituloy ang sasabihin niya ay hinigit ko na siya palabas. Kahit nakakahiya ay nilakasan ko ang loob ko. Do or die na lang talaga.

"I think you're too excited, Natalie." tumatawa niyang sabi.

Huminga ako nang malalim para ma-recover mula sa kaba at pagkapagod. Napayuko ako sandali. Nakakahiya na naman. Hindi naman kami close kasi para gawin ko 'to pero ginawa ko. Para naman kasi sa akin pero... yun nga, I know I looked like a weird girl doing that.

"Pasensya na. Gutom lang talaga." ngumiti ako nang pilit, "Pero kung gusto mong pumasok na ulit sa loob okay lang naman."

Niri-ready ko na ang text ko kay Ran for back up para pagbalik ni Brian sa loob ng theater ay medyo safe na siya from Yas' presence.

"Hindi. Okay lang naman. Nagugutom rin kasi ako. Tara?" nakangiti niyang yaya.

Nginitian ko rin siya dahil nakakahawa ang pagngiti niya. Plus, this smile can hide my overload kilig right now. It really is like a date. Hihi. Joke!

Hindi naman talaga ako nagugutom, pero dahil nagugutom pala si Brian ay parang kumalam ang tyan ko. Gutom na rin ako. Hay, soul mate talaga kami. Nakakakilig!

Tahimik kaming naglakad papuntang cafeteria. Well, ako. May mga bumabati kasi kay Brian habang ako ay nagsusumikap na magtago sa likod niya o lumayo nang kaunti.

"Ayaw mo ba sa pabango ko? Parang napapalayo ka yata?" nakangiti niyang tanong.

May mga two and a half meters distance between us. Napalapit naman ako nang kaunti nung napansin niya na lumalayo ako.

"H-Hindi, may tinignan lang ako sa building na 'yun. Akala ko kasi may tumawag sa'kin." pagdadahilan ko.

Tumawa siya, "Wag ka na lang lumayo. Kinakabahan ako sa'yo eh."

Gusto ko sanang tanungin kung bakit siya kinakabahan pero nginitian ko na lang siya. Kinikilig na naman kasi ako. Kinakabahan kaya siyang mapalayo sa'kin? Parang humahaba na yata ang buhok ko, makapagpa-haircut mamaya o kaya ipapa-braid ko na lang kay Elsa.

"Saan mo gusto?" tanong niya.

"Sa Potato Corner na lang sana. Ikaw ba?"

"Sige doon nalang din."

Nangiti ako habang nauna siyang naglakad papuntang stand. Pasensya na, Brian, binusog mo kasi kaagad ako eh.

"Anong iyo?" tanong ulit niya habang naglalabas ng pera sa wallet niya.

Nanlaki ang mata ko, "Nako, ako magbabayad ng akin ha?"

Natawa siya, "Come on, Natalie. It's not like this is going to happen everyday."

Imbes na matuwa sana ako eh parang namatayan ako ng ilang buhok. Kung hindi ito everyday mangyayari edi sulitin na.

Boyfriend ko naman siya eh.

Pero ako lang ang may alam, at si Ran, at si... err, Yas.

"Baked Potato na lang." medyo nahihiya kong sagot.

Tumango siya at ibinaling na ang tingin niya sa babaeng nasa stand, "Alright. Miss, dalawang Baked Potato."

Ganun din ang kanya? Wow, this is really... I don't know? Amazing? Joke.

Umupo muna kami habang hinihintay yung binili namin. Nakatingin siya sa phone niya at parang nagtetext pero ako ay parang may kung anong insekto sa leeg at titingin tingin lang sa paligid.

"Two Baked Potato po, sir."

Natinag lang si Brian sa kakatext nang marinig niya iyon. Hay. Hindi niya ako napapansin. Pero okay lang, magkasama naman kami. Ehe.

Kinuha niya iyon at ibinigay sa akin ang isa. Agad kong tinikman ito dahil totoong nagutom na nga ako. Ang init!

Narinig kong natawa siya, "Okay ka lang? Drink?"

Umiling ako at tumayo, "Ako naman. Anong gusto mo?"

"Dahil mapilit ka, sige."

Kung iced tea ang sasabihin mo ay talagang iisipin kong soul mates tayo. Napaisip pa siya bago sumagot. Please na kasi, iced tea na ang sabihin mo.

"Iced tea na lang."

Nanlaki ang mata ko. Bago pa ako mag-freak out ay napa-skip ako paalis sa pwesto namin papuntang beverage stand. Soul mate kame!

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon