Pilit kong inaalis ung kamay nya sa beywang ko pero pumalatak lang sya. "Tss. Wag ka ngang malikot."

"Gio, ano ba.." Nagsisimula na naman ung kakaibang kalabog ng dibdib ko. Damn, bakit ba kasi nagpakita ka pa sa akin!? Okay na ako e! Tapos heto ka nanaman!

"Mommy eto na—Wah!" Napatakip si Nate nang mata nang makitang yakap yakap ako ni Gio. Narinig ko syang humalakhak.

"Come here, son." Lumapit naman si Nathan habang nakatakip parin ang mga mata pero may pagitan ang mga daliri. Kinandon ni Gio si Nathan habang nakayakap parin sa akin ang isang braso.

"Daddy, are you okay? Hindi ka po ba iinom ng medicines?" Tanong ni Nate habang nilalaro ang buhok ni Gio. Medyo humaba ang buhok nya. Ayaw nyang humahaba ang buhok nya dahil hindi daw bagay sa kanya, actually mas bagay nga sa kanya ang medyo mahaba ang buhok. Pero ayon sa kanya ay ayaw nya talaga.

"I'm taking my medicine. You and your mommy.. You both are my medicine." Pumula ang pisngi ko nang dahil sa sinabi nya.

Naramdaman kong lumuwang ang kamay nya sa beywang ko kaya naman mabilis akong tumayo. Tumungo ako sa kitchen para magluto ng breakfast naming tatlo.

Nagluto ako nang pancakes at sausages. Favorite kasi ni Nate itong sausage, aniya ay chicken hotdog. Nang maihain ko ang pagkain ay tumalikod ako para yayain sila pero nakita kong si Nate lang ang nasa living room habang nanunuod ng Oggy and the Cockroaches. Walang pasok ngayon dahil Saturday kaya pwede syang manuod ng TV.

"Nate, where's your daddy?"

"Uhm, nasa kwarto mo, mom." Mabilis akong lumakad at nagpunta sa kwarto. Nakaawang ang pinto kaya naman nasilip ko agad si Gio na nakahiga doon at mukhang tulog. He's really sick.

Lumakad ako para gisingin siya at makakain para makainom siya ng gamot. "Gio.." Yumuko ako sa gilid nya para tapikin siya sa pisngi. He groaned.

"Gio, get up." Ibinukas nya ang mata nya at agad rin napabukas ang isa pa. Nang tingnan ko kung ano ang tinitingnan nya ay ung dibdib kop ala! What the hell! Manyak talaga itong siraulong 'to! Mabilis akong tumayo at pinagekis ang dalawang braso.

"Pervert." Ngumisi siya at umupo sa kama. Napasapo siya ng ulo dahil siguro sa biglaang pag-tayo. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mag-angat siya ng tingin sa akin.

"Yannie, I'm so, so sick." Reklamo nya. Namumula na sya. Dinama ko ung leeg nya pero kamuntikan na akong napahiyaw nang mabilis nya akong hilahin paupo sa kanyang mga hita. Oh my God!

Tatayo na dapat ako kaso ay ikinulong nya ang bewang ko sa dalawang kamay nya kaya hindi ako makatayo. "Gio, ano ba.. Walang kama sa Nate sa labas."

"He can eat by himself.." Dahil naka-ponytail ako ay naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa leeg ko dahilan kung bakit pakiramdam ko ay nagtaasan lahat ng balahibo ko sa leeg. Damn, bakit ba ganito ang epekto nang lalaking ito sa akin! Dapat ay galit ako sa kanya!

Nanlaki ang mata ko ng marahang bumaba ang kamay nya sa mga Sinimulan na akong kabahan. Damn, this is so not good!

Nang mag-attempt akong tumayo at nakagawa sya ng paraan para maihiga ako. Damn! What the hell!

"Gio.." Impit kong sabi. I know what he's doing! Kitang kita ko ito sa mapupungay nyang mata. Nang bumababa na ang mukha nya sa mukha ko ay hinawakan ko ang balikat nya para hindi na sya tuluyang makalapit pa.

Pero pinadausdos nya ang kanyang kamay sa dalawang braso ko para hindi ako makapag-react. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Muling bumaba ang kanayang mukha. Sinimulan na akong kabahan. Nang malapit na ang bibig nya at ipinilig ko ang ulo ko sa kabilang side sabay napapikit.

The Miserable BrideWhere stories live. Discover now