Jollibee 97

1.6K 101 28
                                    

Jihoon's

"HYUNG! FINALLY NAKAUWI KA NA!"

Nakunot ko ang noo ko nang salubungin ako ni Kwan sa may gate. He smiled at me, yung smile na tense, habang lumilingon-lingon pa sa bahay nila. I tilted my head habang tinitignan ang galaw ni Seungkwan.

"Hindi pa ba tayo papasok?"

He laughed, nervously. Nakarinig ako ng ingay sa loob ng bahay kaya mas lalo kong nakunot ang noo. Narinig ko namang napamura ng mahina si Kwan at tumingin na naman saakin. Namamawis na siya actually.

"Papasok ba tayo o papasok ako at iiwan na lang kita rito. Hindi ka na makakapasok after."

Pasalamat talaga 'to at maganda ang mood ko, kung hindi kanina ko pa siya tinabig at pumasok sa loob. He sighed as he mumbled something under his breath bago buksan ang gate.

"Ah, hyung alam mo ba. . ."

"Hindi ko alam at 'di ko gustong malaman."

Naglalakad siya ngayon nang nakaharap saakin. Bakit ba feeling ko, pinipigilan niya kong pumasok sa loob ng bahay? Kung ano mang kagaguhan na naman ang ginawa ni Kwan, patay talaga siya saakin.

Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya. Naiirita na kasi ako dahil ang daldal niya at halata namang pinipigilan niya akong makarating agad sa loob.

"Kung may kagaguhan nanaman KAYONG ginawa sa loob, patay kayong tatlo saakin."

"Lima."

I knitted my eyebrow at napatingin sa bintana, do'n ko nakita sina Wonwoo at Hansol na nagmamadali ring maglakad. Kanina ko pa nakikita sina Seok at Gyu na pabalik-balik at mukhang natataranta kaya alam ko na kung bakit ako pinipigilan ni Kwan na makapasok agad sa bahay.

"Ilang araw na sila d'yan?"

"Si Seok hyung, simula nung umalis ka, dito muna natutulog. Nakiusap ako kasi wala akong kasama. Tapos sina Gyu, ayun papunta-punta lang."

"Gaano ka dumi yung buhay?"

He raised his hand at pinakita niya yung pointing finger niya at thumb niya, halos magkadikit na yun, ibig sabihin konti lang ang kalat.

PERO HINDI AKO NANINIWALA!

I squinted my eyes at him para ipakita sakanya na seryoso na talaga ako. Hindi naman kasi talaga ako seryoso, gusto ko lang malaman kung gaano ba talaga kadumi yung bahay para sa pagpasok ko, 'di na ko magulat.

He sighed. Gamit ang dalawa niyang kamay, he gestured a big circle and mumbled,

"Ganito karami."

I sighed at umiling na lang. Naglakad na ko ulit papasok ng bahay, this time, sina Gyu ang humanda saakin.

Pagpasok ko, napatigil silang lahat sa paglilinis. I sighed again nang makita ko ang kalat, hindi lang sa sala, kundi sa buong bahay. Parang 'yung mga kalat dito ay simula pa nung 'di ako umuuwi. Ang baho na rin actually ng bahay, parang hindi na bahay.

"Sinong pumasok ng kwarto ko at ni Noona?"

Sabay-sabay silang umiling.

"Dapat pagbaba ko, malinis na dito."

Umakyat ako sa kwarto ko. Hahayaan ko muna silang maglinis do'n sige, tsaka ang baho talaga ng sala. Hindi ko matiis yung amoy, bwusit. Kababuyan talaga nung mga yun. Ang tatanda na, hindi pa rin marunong maglinis.

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

"Huwag ka ngang pupunta."

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now