Jollibee 86

1.6K 102 78
                                    

Seokmin's

"Mga pashnea kayo! Huwag kayong maingay!"

"Shhh! 'Wag kang sisigaw Seok hyung."

"Oo nga Seok!"

"Gigil niyo si ako talaga e."

Iniwan ko na lang yung dalawang ugok sa sala para matawagan ko na si Jihoon hyung. Tulad ng inaasahan naming tatlo, nagkasakit nga si Soonyoung hyung. Pero trangkaso lang naman at lagnat dahil sa sobrang pagod. Pero syempre ayaw naming mag-alaga kaya iba ang gagawa nun.

HAHAHAHAHAHAHAHA!

Kapag sila hindi pa nagbati dito, sasampalin ko na talaga silang dalawa. Napakapabebe amp! Dapat talaga magbati na sila para 'di nasasayang yung oras. Mahal naman nila ang isa't-isa pero bakit 'di pa sila magbati diba? Para happy na silang dalawa.

PERO WALA PA RING 4EVER MGA UGOK!!

"Ano na Seok? Sumagot na ba?"

"Hindi pa! Nagriring pa rin. Bwusit!"

"Yung phone kaya ni Soonyoung hyung ang gamitin natin? Baka sakaling sumagot siya 'pag si hyung ang tumatawag?"

"So 'di niya sasagutin 'pag ako? Hurt si ako ah!"

"Kunin mo na lang yung cellphone!"

Tumango ako tsaka naglakad papunta sa kwarto ni Hyung pero agad din akong napatigil at napatingin sakanilang dalawa. Aba mga gago 'to ah? Ba't ba ako nalang lagi ang inuutusan nila?

"Hoy mga pashneyney!! Kayo ang kumuha!"

"Ih, baka magalit si Hyung saakin."

"So kapag saakin nagalit, ok lang?"

"Kukunin mo lang naman e."

"Kapag ako napahamak dito talaga!"

Inirapan ko sila bago pumasok sa kwarto ni Soonyoung hyung. Tulog na tulog siya habang nakabaluktot pa dahil sa lamig. Hindii kasi namin dinoble yung kumot niya, bahala siya dyan. HAHAHAHA!

Hinanap ko ang cellphone niya pero wala akong nakita. Saan nanaman niya kaya nilagay yun!? Nung nagsawa akong maghanap ay lumabas na lang ako. Wala naman akong mapapala dito tsaka baka magising pa siya. Edi patay kami.

Paglabas ko, nasa sala na sina Kwan at may hawak na cellphone. Pagtingin ko, cellphone ni Soonyoung hyung ang hawak nila. Aba mga gago talaga 'tong dalawang 'to e! Binato ko sila ng unan sa inis bago umupo sa tabi nila.

"Naghirap ako dun maghanap tapos nasa inyo naman pala!"

"Nakita lang namin e. 'Di ka na namin tinawag kasi lalabas ka rin."

"Tangina niyo talaga! Tawagan niyo na si Jihoon hyung."

"Buksan mo na, Kwan."

"May password."

"Number code ba?"

"Oo."

"Try mo yung birthday ni Jihoon hyung."

Jollibee | SoonHoon ffWhere stories live. Discover now