Jollibee 95

1.4K 90 56
                                    

Soonyoung's

It's been 2 days at nandito pa rin siya. Magkasama pa rin kaming dalawa. Ang sabi niya uuwi raw siya kapag babalik na siya sa work. Binigyan daw kasi siya ng off nung CEO nila para raw makapagpahinga pa siya since kauuwi lang naman daw niya.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Isang beses lang kaming nagtabing matulog. Nag-insist na ako na sa sala na dahil ang awkward kung tabi kami. Wala lang, feeling ko lang ang awkward.

I reached for my phone at napagdesisyunan na tawagan na lang si Junhui habang hinihintay kong matapos maligo si Jihoon. Matagal kasi siyang maligo kaya kakausapin ko muna si Junhui. Ilang araw na kaming walang contact at baka napano na siya. Kumusta na kaya sila nung taong iniwan daw niya?

At syempre, gusto ko rin siyang balitaan about saaming dalawa ni Jihoon. Gusto ko namang malaman niya yung nangyayari sa buhay ko since bestfriend ko siya diba? Hehe!

I dialled his number and waited for him to answer. Saktong pagring nito ay ang pagring din ng phone ni Jihoon na nasa side table lang. I knitted my eyebrows pero 'di na lang ito pinansin. Hindi naman sumagot si Junhui kaya pinatay ko ang tawag at dinial ulit ang number niya.

At sa pangalawang pagkakataon nagring ulit ang phone ni Jihoon. This time I checked for the caller. . . Mr. Jollibee, who's Mr. Jollibee?

I got curious kaya sinagot ko ang tawag nang hindi pinapatay ang pagcall ko kay Junhui. I reached for Jihoon's phone at ibinababa ko naman ang phone ko. I clicked the loudspeaker button on my phone at sinagot ang tawag sa phone ni Jihoon.

At hindi ako pwedeng magkamali, narinig ko ang boses mula sa phone ko. Narinig ko ang mga sinabi ko mula sa phone. . . Ibig sabihin, si Jihoon at Junhui ay iisa? Ibig sabihin, all this time kay Jihoon ko sinasabi ang mga salitang gusto ko talagang sabihin sakanya. All this time, si Jihoon ang kausap ko at hindi si Junhui. There's no Junhui, wala talagang Junhui?

At lahat ng mga feelings ko, kay Jihoon ko talaga sinasabi? At ako yun, ako yung tinutukoy ni Junhui na iniwan niya?

Natatakot ako na. . . na baka nawala na 'yang pagmamahal mo saakin”

I still remember how those words from Junhui makes me weak. Sobra akong nasaktan para sakanya. At sobra rin akong nasaktan para sa sarili ko dahil yan din ang takot ko.

“... Natatakot pa rin ako. Kasi wala kang pinangako na may babalikan ako.”

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng awa para kay Jihoon. Hindi ko maisip ang sakit na naranasan niya dahil wala siyang pinanghahawakan nung nasa America siya. Napakaselfish ko at inisip ko lang ang sarili ko. Hindi ko naisip na si Jihoon, si Jihoon naghihintay pa rin kahit na wala siyang pinanghahawakan samantalang ako gusto kong bumitaw kahit may pinanghahawakan.

Napakatanga ko.

“You became me, and now I lost myself when I lost you.”

He was so lost and I didn't even helped him to find his way home, instead he helped himself and find his own way home. He's so strong and I'm so dumb that I didn't see that behind this strong man is a weak man, crying, because he thought that he lost someone he loves. He thought that he lost me kasi yun ang pinaramdam ko sakanya. He thought that he couldn't find his way home dahil wala na siyang babalikan. But he's strong, eventhough sometimes he's weak, he's stronger than that weakness. He found me again.

“BAKIT KA PA BUMALK!?”

Naalala ko na sinabi ko 'yan kay Junhui nung araw na nakita ko si Jihoon. I'm so dumb, ngayon parang naramdaman ko ang sakit na naramdaman ni Jihoon nang marinig niya saakin ang mga katagang yun. Ang sama ko, hindi ko siya pinakinggan at isinarado ko ang utak ko sa mga explanasyon niya.

“Kailan ka ba titigil sa pananakit mo saakin.”

How ironic. I asked him that question when I'm also hurting him. We are both hurting each other. Pero ako sinisisi ko siya at siya sinisisi ang sarili niya. Tangina! Ang sama ko para saktan siya ng paulit-ulit. It was me, It was me who's hurting him seven more times than he did to me. It was me, I was the bad guy in this story. It was never him.

“Kasi ano, si Jihoon hyung siya talaga si Junhui. Siya yung gumagamit sa number na 'yon dahil sakanya talaga 'yon. Basta magulo pero ang katext at kacall ni Soonyoung hyung all this time ay hindi si Junhui kundi si Jihoon hyung.”

I heard everything. Oo narinig ko yung pag-uusap nina Seok sa apartment noon. Nung nasa kusina ako, narinig ko lahat. But I thought everything was just a dream dahil gumising ako sa kwarto. Hindi ko na binigyang pansin dahil normal saakin na managinip ng weird kapag nilalagnat ako. But it is true. . . totoo ang sinabi ni Kwan.

“Mahal na mahal kita.”

Even though nakavoice changing app, hearing those words from Junhui gaves me shiver. The kind of shiver na kay Jihoon ko lang nararamdaman. It makes my heart flutter, it beats so fast. The kind of pace Jihoon can do.

“Mahal na mahal pa rin kita.”

And all this time, lahat ng pagpapanggap namin ni Junhui ay totoo. Sakanya ko talaga sinasabi ang mga bagay na gustong-gusto kong sabihin sakanya.

I held on his phone tighter at napayuko. I feel so dumb dahil ngayon alam ko na lahat ng dinanas ni Jihoon. Alam ko na kung gaano siya naghirap at nasaktan dahil saakin. Hindi ko 'yon pinansin at inisip ko lang ang sarili ko. Napakatanga ko.

Silence is all I can hear, the silence of this suffocating room. Tanging shower mula sa banyo lang ang naririnig ko mula sa telepono na nakatapat pa rin sa tenga ko. Then suddenly I heard the doorknob clicked. I slowly turned myself to him as he knitted his eyebrows on me.

"Anong ginagawa mo sa phone ko?"

I didn't answer. Ibinaba ko lang ang telepono at pinatay ang tawag. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nahihiya akong humarap sakanya pero kailangan kong maliwanagan. Kailangan na naming pag-usapan ang lahat ng bagay sa nakaraan. Kailangan namin para sabay kaming maka-usad nang walang katanungan.

Kailangan naming mag-usap dahil kailangan naming intindihin ang isa't isa. Walang mangyayari kung isasawalang bahala ko lang 'to, hindi 'to maayos hangga't hindi nagiging malinaw ang lahat saaming dalawa.

"Kailangan nating mag-usap."

"Tungkol saan?"

"Tungkol saakin at sayo. . . Tungkol saatin, sa nakaraan at. . . at kay Junhui."

🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵⭐🎵

🌙

Jollibee | SoonHoon ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon